21
“Mayumi
sandali
lang.” wala sana siyang pansinin si Howard at balak sana niyang tumakbo nalang
hanggang sa mawala na ito sa paningin niya kaya lang anong silbe ng maiikling
biyas niyang triple na nga ang bilis sa
mahahabang binti nito. Curse her short legs! “Yumi, wait.” Mabilis siyang
nahabol ni Howard at sa isang iglap lang ay nasa harap na niya ito.
Napalunok siya, hindi niya alam kung
ano ang sasabihin at ikikilos niya. Baka ano naman kasi ang pumasok sa isip
nito--. “S-sinamahan ko lang si Makisig mag-aapply kasi siya dito for
college-uhm- hindi ko naman alam na dito ka pala nagwowork.” Natatarantang
paliwanag niya dito, hindi talaga niya alam na nandito si Howard alam niyang
professor ito pero hindi niya alam kung saang university. “Si-sige alis na muna
ako hahanapin ko ang testing center.” Pinilit niya lang maging magiliw dito
kahit na ang totoo ay gustong-gusto na niyang iuntog ang ulo sa pader sa tabi
niya hindi nga siya makatingin dito ng maayos.
“Are you running away from me?”
She just bit her lips and shook her
head, “Hindi ah, may lakad lang talaga ako.” Dahil nasa harap niya ito kaya
kailangan niyang lumusot pero hindi siya nito hinayaang makaalis para silang
nakikipagpatintero at ito ang taya. “Howard ano ba alis ka nga.” Itinulak pa
niya ito pero nahawakan lang nito ang magkabilang braso niya making her feel
uneasy again, hindi talaga pwedeng ganito siya dahil para siyang mababaliw na
hindi niya maintindihan.
“Nanlalamig ka na Yumi.” Para na nga
siyang mababaliw eh, totoo ang sinabi nitong nanlalamig na talaga siya. “Hindi
naman masyadong malamig dito sa lobby.” And the guy is playing with her, alam
nito kung ano ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
“Howard…” hindi niya alam ang
sasabihin niya pero nagsalita pa rin siya. “I promise it’s not really my
intention to see you here, it was a mere accident sana maniwala ka.” She is
almost pleading. “Aalis na rin ako sa labas ko nalang hihintayin si Makisig
malapit na rin siguro siyang lumabas.” Pinilit niyang kumawala dito pero
talagang mahigpit ang hawak nito sa kanya.
“Prof—uy, ang ganda ng kasama natin
girlfriend niyo po?” tanong ng isang grupo ng mga estudyanteng lalaki na
napadaan sa tabi nila. “Kapatid niyo po? Pwedeng mahingi ang number?”
Howard’s hands shifted from her arms
down to her waist and pulled her body closer to his.
“SIge po prof balik na kami sa room
hindi na kami magcucutting classes.” Agad na umalis ang mga ito sa harap nila.
“Sabay na nating hintayin si
Makisig.” Biglang nagbago ang tono ng boses nito, para bang hindi ito iyong
lalaking palaging nakaangil at palaging galit sa kanya. “Hindi mo alam kung
saan pabalik sa Testing Center.” Inakay siya nito papunta sa kung saan na para
bang bata siya na hindi alam kung paano maglakad.
“I can walk on my own hindi mo naman
ako kailangang akayin eh.”
“Hindi naman kita inaakay I’m just
guiding you.”
“Mahahanap ko rin ang testing center
huwag ka ng mag-abala.”
Paano siya makakalayo dito kung
halos wala ng space sa pagitan ng katawan nila? Kaso wala naman yata itong
narinig mula sa kanya dahil mas abala ito sap ag-akay sa kanya na para bang may
sakit siya at kapag binitiwan siya nito ay baka matumba siya. Pero kahit na
nahihiya pa rin siya ay unti-unting natutunaw ang hiya niya sa katawan dahil sa
ginawa nito sa kanya she felt like a lady--- a princess.
“Mukhang matagal pa si Makisig
dito.”
“Mag-aapply lang naman siya ah.”
Aniya na nakisilip din sa office kung saan ito nakasilip, hinayaan naman siya
nito pero sobrang dikit na ng katawan nila sa isa’t isa. Nandoon nga si Makisig
at mukhang mahabang hintayan nga dahil marami pang nakapila na mag-aapply din.
“Bakit ang tagal?”
“There is an interview and a
pre-test before the university allows them to take the main entrance exam.”
Bigla tuloy siyang kinabahan sa kapatid niya, hindi niya alam kung kaya ba nito
ang ganoong surprise event baka kasi bigla nalang itong magfreeze at hindi
makasagot.
Tinitigan niya ang kapatid niya na
prenteng-prente na nakaupo lang doon habang
nakatitig lang sa kisame ng opisina, nababaliw na naman yata si Makisig
at palihim na naman nitong kinakausap ang invisible gecko friend nitong si
Timmy na nakikita lang nito sa mga kisame ng kung kani-kaninong mga bahay.
Hindi man lang nito napansin na ang mga batang ka-edad nito ay kanina pa
nakatitig sa kapatid niya na para bang amazed na amazed. Kahit ayaw niyang
aminin may hitsura at height din naman ang bunso nila, mana sa tatay niya siya
nagmana sa nanay nila.
“Gaano katagal?” pabulong na tanong
niya dito.
“Long enough para mabored ka.”
“Babalikan ko nalang si Makisig
mamaya.”
“You want to go out and eat?” kunot
noong napatingin siya kay Howard. “What?”
“May sakit ka ba?” nag-aalalang
tanong niya dito baka dala lang iyon ng pagkakahimatay nito noong isang araw.
“Hindi ka dapat lumabas dahil mainit baka magnosebleed ka na naman.” She is
really worried about his health hindi healthy ang basta-basta nalang dumudugo
ang ilong.
“I’m fine.”
“No you are not!” medyo napalakas
ang boses niya kaya biglang bumukas ang pintuan ng testing center and whoever
the old lady is gave them a very irritated and annoyed look. Mabilis naman
silang umalis doon wala ng pakialam kung sino ang nanghila basta makalayo lang
sila doon.
“Sino iyon?” tanong niya dito habang
naglalakad na sila palabas ng university.
“An old professor.”
“Nakakatakot siya.”
Tumawa lang ito sa sinabi niya.
“Halika dito baka masagi ka pa ng mga estudyanteng wala sa wisyo kung maglakad
dito sa lobby.”
“Bakit?” takang tanong niya dito.
“Anong bakit?”
“Bakit ang bait mo yata sa akin
ngayon? Mamamatay ka na ba?”
Pinisil lang nito ang tungki ng
ilong niya. “Crazy.”
“Hindii nga bakit ganyan ka ngayon
parang hindi ako sanay, awayin mo nga ako, you know push me away and--.”
“I am sorry Yumi.” Nagulat siya sa
paghingi nito ng tawad. “Gusto ko lang humingi ng tawad sa nagawa ko sa iyo
noong isang araw, I know you were just trying to help at minasama koi yon na
hindi naman dapat. Hindi lang ako sanay na inaalagaan ako.”
“Why? Hindi masamang maalagaan
Howard.”
“It’s just that no one have done that
to me before I am the only boy in the family and I act as the eldest even if I
am not. Maagang namatay ang daddy ko and my mom was always busy with the
business my dad left, my sisters were
busy with their own lives. Ako ang tumatayong tatay sa mga kapatid ko and I
don’t want them to see when I am sick because I don’t want them to see how
weak I am.”
“Weak ka nga.” Panggagatong niya
dito. “Dahil iyong pagpapakita mo ng kahinaan mo hindi talaga kahinaan iyon,
that’s bravery. You are brave enough to show the world that you are not perfect
and your imperfections makes you braver Howard.” Ano ba itong pinagsasabi niya?
“Hindi mo ba alam na hindi lahat ng babae ay gusto iyong lalaking babantayan at
aalagaan sila, meron ding may gusto na sila ang nag-aalaga sa mga lalaking
gusto nila.” Tuluyan ng naglaho ang hiya niya dito, para kasing unti-unti ay
nag-oopen up sa kanya si Howard and she really likes the feeling it seems like
it’s bringing them closer together.
“Gusto mo bang nag-aalaga?”
“Naman, pero gusto ko rin na
inaalagaan ako it’s give and take lang naman. Ika nga nila it takes two to tango dapat fair
lang, give and take lang.” napansin niyang napatitig ito sa kanya. “ANo na
naman?”
“I have something in mind.” Kumunot
lang ang noo niya sa sinabi nito. “Which I like but you will surely curse me
after that.” Mas lalong kumunot ang noo niya.
“Ano ba iyon?”
In a flick of seconds suddenly he
pulled her closer to her and his lips descends on her lips making her mind go
haywire. He is kissing her, Howard Enriquez is kissing her for God sake and she
doesn’t even know what to do parang naprito sa malamig na tubig ang utak
niya--- ano ba ang gagawin niya? Maghuhubad na ba siya?
<3 <3 <3
TBC
PS: Photo CTTO