Friday, February 12, 2016

Remembered



It has been almost three years since I start teaching, I never knew I would love this job that I have now. Sino bang makakapagsabi kung ano ang pwedeng mangyari sa hinaharap, no one can tell. Sa loob ng halos tatlong taon kong pagtuturo masasabi ko bang isa akong magaling na guro? Hindi, sa too lang sobrang layo pa sa salitang magaling ang masasabi ko dahil hindi madaling maging isang guro, isa itong napakahirap na trabaho. Mas gugustuhin mo pang lumusong sa putikan at maghanap ng ginto keysa sa araw-araw kang nakikipagwrestling sa mga dinosaurs.

I called my students dinosaurs and my room as a Jurassic park, kung alam niyo lang. Pero minahal ko na sila, napamahal na sila sa akin hindi ako showy. I don't really show my feelings towards them dahil sa una hindi ako magaling diyan, mas marunong akong magtago ng real feelings ko keysa sa ipahayag ito sa iba. Kapag malungkot itatago, palagi lang nakangiti.

2014-2015, iyan ang taon na hindi ko malilimutan. Bakit? Dahil first time kong mabigyan ng advisory class, hindi ko alam na mas mahirap pa pala iyon keysa sa magturo. Ang daming kailangang gawin, ang daming kailangang ayusin and everything is chaotic. Everyday is a battle day and the classroom is always a battle field. I am friends with my students, I want them to feel that they can lean on me in times when they have something bothering them. My first set of bacteria are the sweetest students I have. Sila iyong sobrang kaunti lang ang matalino and majority are not if you know what I mean, but I love them though.

Last year, February 9 they surprised me for my birthday. Alam ko iyon dahil obvious na sa plano nila obvious na obvious kasi, pero ngayon... year after, I know they remembered me but I never knew they'll surprise me again. Their simple greetings  are enough na for me, but seeing them again greeting me even if it's five days too late is too much emotions for me. HIndi ko alam na mag-eeffort pala sila, kahit hindi lahat pero sobra sa kalahati  ang nandoon para lang batiin ako. I am really happy and indeed felt well-loved.


If I compare them to my second set of bacteria, alam kong mas maraming positive sa mga bago kong students ngayon but I can't deny the fact that my first set are the sweetest. Alam ko, kapag nakagraduate na sila some of them might forgot about me. HIndi naman kasi ako iyong tipong super sweet na teacher, hindi ako mabait, palagi akong nani-nermon at kung anu-ano pa. Minsan-- madalas pa nga palagi ko silang nasasabihan ng masasakit na salita (hindi mura, I don't do that), pinapaupo sa sahig kasi hindi marunong maglinis at kung anu-ano pa. Pero sila pa rin pala iyong naaalala ako.

Alam kong hindi nila ito mababasa pero kapag nabasa nila ito, isa lang ang masasabi ko... 7-U Batch 2014-2015, my first batch of bacteria you will forever be in my heart. I will be the happiest if I see all of you in the peak of pedestal soon.



I love you, forever... thanks for remembering me... and I will always be your mama bear.

1 (mga) komento:

  1. Being a teacher is not easy inang! Saksi po ako sa kahirapan nila :) hehehe, especially if you're a coach, as in yung mag spare ka ng time Mo to teach them the formulas and advanced lesson :) kung walang mga guro walang mga propesyonal ngayon.. :)

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang