9
“KAKAININ
ka
na ba ng lupa bakit ang tahimik mo?”
“Ikaw ang nasaniban ng mabait na
ispiritu bakit ang daldal mo?” balik na tanong niya kay Howard ng naglakad na
sila pabalik sa kani-kanilang mga tahanan. Sa pagkakaalam niya ay pareho lang
sila ng daraanan mas mauuna nga lang itong makarating dahil mas malapit ang
block nito doon habang siya ay sa medyo malayo pa.
“Madaldal talaga ako.”
Nagkibit-balikat lang siya.
“Sabagay, professor ka nga hindi ba?”
“Meron ka ba ngayon bakit ang sungit
mo.”
Kumibot lang ang bibig niya. “Wala
akong dalaw ngayon.” Inis na sagot niya dito.
“Kung wala kang dalaw ngayon pwede
kitang dalawin para hindi ka naman masyadong kawawa.” Sinulyapan lang niya ito,
kung hindi lang siguro niya ito masyadong kilala baka isipin niya pumipick-up
line na ito sa kanya pero hindi nga siya nito gusto hindi ba? Hindi siya
naiinis dito mas naiinis siya sa sarili niya dahil sa nararamdaman niya dito,
ang bottomline ay nakakainis ito dahil pinaparamdam nito sa kanya ang mga
damdaming dapat ay hindi maramdaman dito. Why so cruel Howard Enriquez? “Nasaan
ang sense of humor mo Precious Mayumi?”
Pinameywangan niya ito at huminto
siya sa harap nito like a boss. “Kargahin mo nga ako Howard.” Kung saang bahagi
ng mundo siya humugot ng lakas ng loob hindi niya alam dahil kung nagulat ito
sa utos niya mas lalo naman siya. Naghihintay na nga siyang pagtawanan nito
pero hindi niya iyon narinig sa labi ng lalaki sa halip ay bumuntong-hininga
lang ito at napailing sabay yuko.
“Come on, dali na.” turo nito sa
likod nito, pasasampahin siya nito sa likod nito.
“Really?” manghang tanong niya.
“Yes, faster.” hindi siya gumalaw
dahil nagulat pa rin siya sa mabilis na
pagpayag nito. “Yumi gusto mo bang kargahin pa kita na parang sako ng
bigas? Kung tinatamad ka palang maglakad sana sinabi mo sa akin I should have
borrowed a bike then. Mahirap ka palang tamarin nagiging suplada.”
Malakas na hinampas lang niya ito sa
balikat nito, gusto niyang maiyak sa ginawi nito. Gusto nga niyang mainis ito
sa kanya para hindi na siya magpapakabait dito pero ito naman ang gumagawa ng
paraan para malusaw ang inis niya at tuluyan na talaga itong magustuhan.
Pambihira talaga! Mabilis siyang sumampa sa likod nito she even heard him
groaned in pain when she intentionally kick him at the back.
“Oopps, aksidente lang.” inilibot
niya ang kanyang braso sa leeg nito.
“Nananadya ka na Yumi.”
“Aksidente nga iyon eh.” Depensa
niya sa kanyang sarili.
“Pasalamat ka talaga at ifjeiwndsd
dahil kung hindi itatapon kita sa tiyan ng
nanay mo.” Tumayo na ito habang bitbit siya. He secured her legs around
his body and start walking.
“Pakiulit may hindi ako narinig eh.”
“No thanks.”
“Sungit mo talaga.” Hindi ito umimik
kaya tumahimik nalang siya pero nakaisip pa rin ng kapilyahan kaya inilapit
niya ang labi sa may teynga nito. “Masakit ba?—ay kabayow naman.” Hiyaw niya ng
muntik na siya nitong mabitawan mabuti nalang at nakakapit agad siya.
“Yumi!” sigaw nito sa pangalan niya
ng makabawi. “Don’t do that.”
“Ang alin?” inosenting tanong niya.
“That! Huwag mong ilapit ang labi mo
sa teynga ko.” Pinasadahan niya ang may bandang ibaba ng teynga nito ng kanyang
hinlalaki and she felt him shaking. Naging malaki ang ngisi niya sa naging
reaksyon nito. “Yumi!”
“Chill Howard, chill lang. May
kiliti ka pala diyan.” Tumatawang tukso niya dito. Inilingkis niyang mabuti ang
braso niya sa may leeg nito pagkatapos ay inilapit ang bibig niya saka kinagat
ang teynga nito. Hindi naman malakas pero tuluyan na siya nitong nabitawan at
tatawa na sana siya pero hindi niya nagawa dahil sa sunod na ginawa nito…
Doon lang niya napatunayan na dapat
ay hindi niya biruin ng ganoon si Howard dahil nagiging monster ito.
Kasalukuyan kasi nitong inaangkin ang labi niya, okay lang sana kung nasa
tagong bahagi sila ng kalye eh nasa gitna pa sila ng daan at rinig na rinig
niya ang busina ng mga sasakyan at ang mga pito ng mga dumadaang mga tao.
Pinilit niyang itulak ito pero humigpit lang ang paghawak nito sa likod ng
kanyang ulo at kinakagat na nito ang labi niya sa panggigigil kaya hindi
kataka-takang may malasahan siyang malansang bagay sa labi niya. He bit her
lips and it bleeds… pero masarap itong humalik ah.
“Ate
isang choco-KISSes tart nga.” Napa-igtad siya ng marinig ang sinabi ni
Makisig, bigla kasi niyang naalala ang nangyaring halikan nila ni Howard
kahapon. Napahawak siya sa labi niyang may sugat dahil sa panggigigil nito sa
kanya. “Ate ang orders ko.” Kunot-noong untag ni Makisig sa pagdedaydream niya. Agad naman niya itong
binigyan ng hinihingi nito.
“Anak, saan nga iyong mga French
KISS pastries na idedeliver ko sa Ocean
hotel?” tanong ng tatay niya. Hayon na naman ang salitang iyon!
“Yumi, iniwan ko ang mga chocolate
kisses sa labas ng ref iyon muna ang gamitin mo okay?” narinig niyang sigaw ng
nanay niya kaya hindi na niya napigilan ang sarili niya at napatili siya ng
malakas, she closed her eyes and remembered the kiss they shared. Nagtatakang tiningnan
naman siya ng kanyang mga magulang.
“Anong problema mo ate?”
“Huh?” she fought herself not to
blush. “Pagod lang siguro ako hindi ko na madigest ang lahat ng utos niyo.”
“Magpahinga ka muna Yumi kami nalang
ng nanay mo ang bahala dito.” Agad siyang umiling sa sinabi ng ama, she is at
work hindi niya pwedeng dalhin ang mga problema niya sa trabaho. Kaya lang ng
pagtingin niya sa labas ay agad niyang namataan si Howard na papasok ng
bakeshop, may kasama itong kaibigan nito na nakabasketball jersey din.
“Sige Tatay, iidlip muna ako ng
sandali. Thank you!” hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito dahil
nagtago agad siya. Bahala na si batman, huwag muna ngayong magkita ang landas
nila, baka hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Magpapractice muna siya
ng kanyang lines.
<3 <3 <3
TBC
PS: Photo CTTO
OMG! Eeeeeee
ReplyDeleteKinikilig ako. Dito nalang kasi ako kinikilig sa binabasa ko e. Hehe 😍💙
True. ... parating akong pina kilig ni inang nag kanyang mga akda. Hahaha galawang hokage si Howard
ReplyDeleteKilig to the max..
ReplyDeleteHahahaha! Kinikilig ako! Kyaaahhh!
ReplyDeleteMalakas maka Hokage moves si Howard hahaha
ReplyDelete