5
ABALA na siya sa pagtatapos
ng mga design sa kanyang blackberry and chocolate mousse. Order kasi iyon at
first time din niyang gumawa ng ganoong klaseng mousse kaya gumawa din siya ng
iba para ipatikim niya sa kanyang nanay, ito kaya ang mentor niya kaya alam
niyang kapag sinabi nitong masarap ay masarap talaga iyon. Isang tao lang naman
ang kilala niyang hindi nasasarapan sa gawa niya at iyon ay si Howard Enriquez
pero pasasaan ba at tatanggapin nito sa sarili nito na masarap talaga ang mga
gawa niya. Dalawang araw na rin niyang hindi nakikita ang lalaking iyon dahil
na rin sa sobrang busy niya sa bakeshop.
“Done,” she smile to herself when
she saw the cake alam niya masterpiece na naman iyon. She got her phone and
took a picture of her masterpiece and uploaded it to her blog, Yumi is Sweet is
her ever beloved blog at lahat ng mga inaupload niya doon ay nagiging
bestseller. Hindi rin niya alam kung bakit naging patok ang mga cakes niya
dahil kung tutuusin masarap talaga ang mga cakes and sweets ng kanyang nanay,
iyong lamang siguro niya ay dahil bata pa siya and she is up to cute things at
madali lang sa kanya na gawan ng design ang mga ginagawa niya.
“May nagcomment na, ang bilis naman.”
Tiningnan niya ang nagcomment sa kanyang blog, kilala niya ito hindi nga lang
sa personal dahil follower niya ang palaging nakaabang sa kanyang mga gawa. Binasa
niya ang commet ni SweetTooth. “Mukhang masarap sana makain ko rin iyan.” Napangiti
nalang siya dito, somehow this person whoever she or he is makes her day better
opposite ni Howard.
“Thank you @SweetTooth you can visit
me here sa shop namin or you can order too, pili lang.” iyon ang reply niya.
Hindi na ito nagreply sa kanya pero sunod-sunod naman ang mag comments ng iba
pa niyang follower making her smile and giddy dahil naboboost ang confidence
niya.
“Ate nandito na iyong nag-order ng
blackberry and chocolate mousse.”
“Lalabas na ako Makisig wait lang
ibabalot ko lang.” nang sa tingin niya ay pwede na iyon ay inilagay niya iyon
sa cute na cake box at saka tinalian ng
cute na laso. Lumabas na siya ng kitchen at
agad na nginitian ang umorder sa kanya ng cake. Isang college student
mukhang ibibigay nito iyon sa lalaking napupusuan nito.
“Hi, Emily?”
“Yes po ate Yumi, ito na ba ang
order ko?”
“Pakitingnan nga kung gusto mo ang
design at saka tikman mo na rin kung gusto mo ang lasa.” Kumuha siya ng cake
sample, kumain naman ito at napapalakpak pagkatapos malasahan ang gawa niya.
“This is so perfect ate Yumi you are
really the best ang sarap-sarap eh.” Napayakap pa ito sa sarili. “And look at
the design I am sure magugustuhan niya ito.”
“For your boyfriend?”
Namula naman ito. “For my
bestfriend.” Alam niya ang ngiting iyon, iyon ang ngiti ng nagmamahal.
“Wait lang may kulang pa.” Pumasok
muli siya sa kusina at kumuha ng strawberries and blackberries. She slice the
strawberries at bumalik sa customer niya, inilagay niya ang strawberries and blackberries
sa ibabaw ng cake. Nang makita kasi niya ang ningning sa mga mata nito ay agad
niyang naisip na maglagay ng berries doon, it’s a cake for her client only. “Ayan
mas masarap ng tingnan.”
“Thank you talaga ate Yumi ha,”
halata ang saya sa mukha nito sa ginawa niya. She just smiled sweetly at her,
nagbayad na ito at saka umalis. Umalis na rin si Makisig dahil may klase pa ito
kaya naiwan siya sa shop, bumalik siya sa kusina para kumuha ng bagong slice na
cake at saka pumuwesto sa may counter upang magliquidate. Accountancy talaga
ang natapos niya pero dahil mas mahal niya ang pagbe-bake keysa sa
pakikipaglandian sa numero kaya mas priority niya iyon, pero hindi pa rin niya
kinakalimutan kung ano talaga ang tunay na trabaho niya.
Nasa kalagitnaan siya ng kanyang
ginagawa ng mag-ingay ang windchime. “Good morning welcome to Sweets and Love.”
Bati niya sa bagong dating kahit hindi pa niya ito tinitingnan.
“Where’s tita Celis?” agad siyang
napatingala ng marinig ang boses na iyon and then suddenly her heart beat
skipped for a second there. Sa gulat siguro kaya ganoon, no other reason.
Tiningnan niya ang profile nito, he looks different today. He is wearing a neat
yellowish longsleeve polo na nakatupi hanggang braso, nakatuck in sa black
slacks na hapit na hapit sa beywang nito. Hanggang doon lang ang nakita niya
dahil nakaupo siya at nakatingala dito, maayos din ang pagkakasuklay ng buhok
nito at nakasuot ng salamin. He looks so handsome, iyong tipo ng lalaking gusto
mong dalhin sa mga magulang mo at iharap sa altar upang pakasalan. “Where is
tita Celis?” ulit nito.
“I do.” Mahinang sagot niya.
Kumunot ang noo nito. “Ano ang sabi
mo?”
“Ah-huh? Ano ba iyon—ano.., ano nga
uli ang tanong mo?”
“Nasaan ang nanay mo?”
“Nagdeliver eh kasama si tatay.” Mukhang
pangit ang ideyang hindi ito makita araw-araw dahil nababaliw ang reaksyon niya
dito. Parang may mali eh… what is this feeling? “May kailangan ka kay nanay?”
kumunot bigla ang noo nito ng makita ang cake sa tabi niya.
“Babalik nalang ako.”
“Wait lang sabihin mo nalang sa akin
ako nalang ang magsasabi kay nanay.” Habol niya dito, ayaw niya munang mawala
ito sa paningin niya.
“Ayaw.” Parang batang sagot nito. Napansin
niyang mukhang pagod ito kaya nakaramdam siya ng kaunting awa dito, kaunti lang
naman mga ten percent lang.
“M-malapit na rin namang dumating si
nanay hintayin mo nalang tutal nag-effort ka na rin namang magpunta dito.” Suhestiyon
niya and then her eyes landed on her mousse. Since ito naman ang nagpunta dito
kaya hindi na siya mag-aaksaya ng oras na hanapin ito.
“Kumain ka muna ng mousse I am sure
masarap na ito.” Tatayo sana siya pero inabot lang nito ang tinidor na ginamit
niya kanina at saka kumuha ng malaking slice at sinubo. Nagulat siya sa ginawa
nito kaya tinitigan niya itong mabuti, napatanga siya dito habang hinihintay
ang sasabihin nito. Kumuha uli ito at kinain, naubos nito ang cake niya! Does
it mean… does it…
“No improvement at all.” Sabi lang
nito saka mabilis na tumakbo palabas ng bakeshop. Pambihira ang lalaking iyon,
inubos na nga ang cake niya tapos no improvement? Loko din iyon, mahilig sa
free taste.
<3 <3 <3
TBC
PPS: Take note the pictures I used for this story are not mine, credits to real owner and by the way the pictures are soooo good... eye candy.
Hahaha kaka tawa si Howard. Para para din ..:)
ReplyDeleteTumakbo yon para matago yung totoong reaksyon nya wahahahaha
ReplyDeleteSabi na eh hokage talaga tong si howard. Galing sa ninja moves :) Maka free taste lang. Cute.
ReplyDeleteSiya yan si @SweetTooth nako. Mga galawan ni Koyaaa hahaha! In denial ang peg
ReplyDeleteHindi ko magets kung bat ginagawa ni Howard un!!!! Kaasar lang!!
ReplyDeleteHahahahhaha. Mukang ewan tong si howard ee. Kaloka! Ansarap gayahin ng style nya para lang makapag free taste. Pero kay howard iba. Hahaha.
ReplyDeleteNaubos na at lahat? Haha! Dami kong tawa doon ah, Hahahaha!free taste pa more!
ReplyDeleteAabangan ko yan si #SweetTooth ��
ReplyDeleteAabangan ko yan si #SweetTooth ��
ReplyDelete