Monday, February 22, 2016

Blogserye: Black Magic 5


5
          ABALA na siya sa pagtatapos ng mga design sa kanyang blackberry and chocolate mousse. Order kasi iyon at first time din niyang gumawa ng ganoong klaseng mousse kaya gumawa din siya ng iba para ipatikim niya sa kanyang nanay, ito kaya ang mentor niya kaya alam niyang kapag sinabi nitong masarap ay masarap talaga iyon. Isang tao lang naman ang kilala niyang hindi nasasarapan sa gawa niya at iyon ay si Howard Enriquez pero pasasaan ba at tatanggapin nito sa sarili nito na masarap talaga ang mga gawa niya. Dalawang araw na rin niyang hindi nakikita ang lalaking iyon dahil na rin sa sobrang busy niya sa bakeshop.
            “Done,” she smile to herself when she saw the cake alam niya masterpiece na naman iyon. She got her phone and took a picture of her masterpiece and uploaded it to her blog, Yumi is Sweet is her ever beloved blog at lahat ng mga inaupload niya doon ay nagiging bestseller. Hindi rin niya alam kung bakit naging patok ang mga cakes niya dahil kung tutuusin masarap talaga ang mga cakes and sweets ng kanyang nanay, iyong lamang siguro niya ay dahil bata pa siya and she is up to cute things at madali lang sa kanya na gawan ng design ang mga ginagawa niya.
            “May nagcomment na, ang bilis naman.” Tiningnan niya ang nagcomment sa kanyang blog, kilala niya ito hindi nga lang sa personal dahil follower niya ang palaging nakaabang sa kanyang mga gawa. Binasa niya ang commet ni SweetTooth. “Mukhang masarap sana makain ko rin iyan.” Napangiti nalang siya dito, somehow this person whoever she or he is makes her day better opposite ni Howard.
            “Thank you @SweetTooth you can visit me here sa shop namin or you can order too, pili lang.” iyon ang reply niya. Hindi na ito nagreply sa kanya pero sunod-sunod naman ang mag comments ng iba pa niyang follower making her smile and giddy dahil naboboost ang confidence niya.
            “Ate nandito na iyong nag-order ng blackberry and chocolate mousse.”
            “Lalabas na ako Makisig wait lang ibabalot ko lang.” nang sa tingin niya ay pwede na iyon ay inilagay niya iyon sa  cute na cake box at saka tinalian ng cute na laso. Lumabas na siya ng kitchen at  agad na nginitian ang umorder sa kanya ng cake. Isang college student mukhang ibibigay nito iyon sa lalaking napupusuan nito.
            “Hi, Emily?”
            “Yes po ate Yumi, ito na ba ang order ko?”
            “Pakitingnan nga kung gusto mo ang design at saka tikman mo na rin kung gusto mo ang lasa.” Kumuha siya ng cake sample, kumain naman ito at napapalakpak pagkatapos malasahan ang gawa niya.
            “This is so perfect ate Yumi you are really the best ang sarap-sarap eh.” Napayakap pa ito sa sarili. “And look at the design I am sure magugustuhan niya ito.”
            “For your boyfriend?”
            Namula naman ito. “For my bestfriend.” Alam niya ang ngiting iyon, iyon ang ngiti ng nagmamahal.
            “Wait lang may kulang pa.” Pumasok muli siya sa kusina at kumuha ng strawberries and blackberries. She slice the strawberries at bumalik sa customer niya, inilagay niya ang strawberries and blackberries sa ibabaw ng cake. Nang makita kasi niya ang ningning sa mga mata nito ay agad niyang naisip na maglagay ng berries doon, it’s a cake for her client only. “Ayan mas masarap ng tingnan.”
            “Thank you talaga ate Yumi ha,” halata ang saya sa mukha nito sa ginawa niya. She just smiled sweetly at her, nagbayad na ito at saka umalis. Umalis na rin si Makisig dahil may klase pa ito kaya naiwan siya sa shop, bumalik siya sa kusina para kumuha ng bagong slice na cake at saka pumuwesto sa may counter upang magliquidate. Accountancy talaga ang natapos niya pero dahil mas mahal niya ang pagbe-bake keysa sa pakikipaglandian sa numero kaya mas priority niya iyon, pero hindi pa rin niya kinakalimutan kung ano talaga ang tunay na trabaho niya.
            Nasa kalagitnaan siya ng kanyang ginagawa ng mag-ingay ang windchime. “Good morning welcome to Sweets and Love.” Bati niya sa bagong dating kahit hindi pa niya ito tinitingnan.
            “Where’s tita Celis?” agad siyang napatingala ng marinig ang boses na iyon and then suddenly her heart beat skipped for a second there. Sa gulat siguro kaya ganoon, no other reason. Tiningnan niya ang profile nito, he looks different today. He is wearing a neat yellowish longsleeve polo na nakatupi hanggang braso, nakatuck in sa black slacks na hapit na hapit sa beywang nito. Hanggang doon lang ang nakita niya dahil nakaupo siya at nakatingala dito, maayos din ang pagkakasuklay ng buhok nito at nakasuot ng salamin. He looks so handsome, iyong tipo ng lalaking gusto mong dalhin sa mga magulang mo at iharap sa altar upang pakasalan. “Where is tita Celis?” ulit nito.
            “I do.” Mahinang sagot niya.
            Kumunot ang noo nito. “Ano ang sabi mo?”
            “Ah-huh? Ano ba iyon—ano.., ano nga uli ang tanong mo?”
            “Nasaan ang nanay mo?”
            “Nagdeliver eh kasama si tatay.” Mukhang pangit ang ideyang hindi ito makita araw-araw dahil nababaliw ang reaksyon niya dito. Parang may mali eh… what is this feeling? “May kailangan ka kay nanay?” kumunot bigla ang noo nito ng makita ang cake sa  tabi niya.
            “Babalik nalang ako.”
            “Wait lang sabihin mo nalang sa akin ako nalang ang magsasabi kay nanay.” Habol niya dito, ayaw niya munang mawala ito sa paningin niya.
            “Ayaw.” Parang batang sagot nito. Napansin niyang mukhang pagod ito kaya nakaramdam siya ng kaunting awa dito, kaunti lang naman mga ten percent lang.
            “M-malapit na rin namang dumating si nanay hintayin mo nalang tutal nag-effort ka na rin namang magpunta dito.” Suhestiyon niya and then her eyes landed on her mousse. Since ito naman ang nagpunta dito kaya hindi na siya mag-aaksaya ng oras na hanapin ito.
            “Kumain ka muna ng mousse I am sure masarap na ito.” Tatayo sana siya pero inabot lang nito ang tinidor na ginamit niya kanina at saka kumuha ng malaking slice at sinubo. Nagulat siya sa ginawa nito kaya tinitigan niya itong mabuti, napatanga siya dito habang hinihintay ang sasabihin nito. Kumuha uli ito at kinain, naubos nito ang cake niya! Does it mean… does it…

            “No improvement at all.” Sabi lang nito saka mabilis na tumakbo palabas ng bakeshop. Pambihira ang lalaking iyon, inubos na nga ang cake niya tapos no improvement? Loko din iyon, mahilig sa free taste.


<3 <3 <3
TBC

PPS: Take note the pictures I used for this story are not mine, credits to real owner and by the way the pictures are soooo good... eye candy.

9 (mga) komento:

  1. Hahaha kaka tawa si Howard. Para para din ..:)

    ReplyDelete
  2. Tumakbo yon para matago yung totoong reaksyon nya wahahahaha

    ReplyDelete
  3. Sabi na eh hokage talaga tong si howard. Galing sa ninja moves :) Maka free taste lang. Cute.

    ReplyDelete
  4. Siya yan si @SweetTooth nako. Mga galawan ni Koyaaa hahaha! In denial ang peg

    ReplyDelete
  5. Hindi ko magets kung bat ginagawa ni Howard un!!!! Kaasar lang!!

    ReplyDelete
  6. Hahahahhaha. Mukang ewan tong si howard ee. Kaloka! Ansarap gayahin ng style nya para lang makapag free taste. Pero kay howard iba. Hahaha.

    ReplyDelete
  7. Naubos na at lahat? Haha! Dami kong tawa doon ah, Hahahaha!free taste pa more!

    ReplyDelete
  8. Aabangan ko yan si #SweetTooth ��

    ReplyDelete
  9. Aabangan ko yan si #SweetTooth ��

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang