4
TININGNAN
niya
ang sarili sa salamin upang alamin kung maayos pa ba ang hitsura niya, wala
naman siyang problema sa mga suot na damit niya. Hindi naman kasi siya katulad
ng iba na halos wala ng itakip sa katawan dahil sa sobrang iksi ng damit. Hindi
din siya papasok sa kumbento sa sobrang haba ng palda. Sakto lang, siya iyong
typical na girly type. She loves wearing dresses, skirts and shoes na pastel
colors. Babaeng-babae siya dahil pinalaki nga siya ng nanay niya na panindigan
ang kanyang pangalan na MAYUMI. Dapat mayumi ang kanyang kilos hanggang sa
nakasanayan na rin niya.
“Anak saan ka pupunta?” takang
tanong ng tatay niya ng makasalubong niya ito palabas ng bakeshop nila. May
dala siyang paperbag na may lamang bagong gawang tart. Iyon ang una niyang
ginawa pagkagising niya, dahan-dahan na rin siyang bumabalik sa pagbebake dahil
sa dami ng orders nila. Pag-open niya sa kanyang online store ay nagulat na
lamang siya sa sobrang daming orders na natanggap niya. IYong iba kailangan
niyang idecline pero iyong iba tinanggap nalang din niya. Pagkatapos niyang
ipakain kay Howard ang tart niya ay pupunta siya sa grocery dahil kailangan
niyang bumili ng mga cream cheese para sa mga pastries na gagawin niya.
“Sa grocery lang po tatay.” Ani niya.
“Bakit ang ganda-ganda mo?”
“Maganda naman po talaga ako tatay
ah.” Depensa niya sa kanyang sarili.
“Oo nga pala nagulat lang ako, sige
manligaw ka muna anak.”
Kumunot ang noo niya, “Hindi ako
manliligaw tay ano ka ba?”
“Para ka kasing manliligaw sa lagay
na iyan.” Turo nito sa suot niya.
And again she defended herself. “Hiindi
ako manliligaw ‘tay.”
“Okay.”
“Tatay naman eh,” tinapik lang siya
nito sa balikat bago pumasok.
“Celis dalaga na talaga ang anak mo
maghanda ka ng magkaapo!” sigaw ng tatay niya, napasimangot nalang siya at
biglang nacurious sa kanyang hitsura. Ganoon ba talaga ang hitsura niya ngayon
parang manliligaw samantalang pupuntahan lang naman niya ang lalaking iyon para
ipakain dito ang tart niya. At saka sa sobrang busy ng schedule niya baka last
time na niya itong ipakain ang mga pastries niya mahihirapan itong makasingit
sa schedule niya. Ang hirap kasi talagang maging maganda nagiging busy, isa na
siyang babaeng makasalanan.
Naglakad siya palayo sa shop nila at hinanap ang basketball court
kung saan ito naglalaro, madalas itong naglalaro kapag ganoong oras kasama ang
mga kaibigan nitong kapitbahay din nila. Dahil nacurious siya dito kaya inalam
niya ang tungkol sa lalaki.
He is Howard Enriquez, twenty nine
years old, isang professor sa isang malaking university. Matalino at may kaya
sa buhay, marami na rin itong naging girlfriends—hindi siya interesado sa
personal na buhay nito napasama lang noong nag-iimbestiga siya. At hindi nga siya pwedeng magkamali dahil agad
niyang nakita ang binata na nasa loob ng court. Kung pagkain lang siguro ito
sigurado siyang pinaglalawayan na ito ng mga langaw, Nakahubad ang pang-itaas
nito habang umiinom ng tubig, may dumadaloy pa ng pawis sa hubad na pang-itaas
nito.
“Shucks, nakakadiri ka Yumi. Huwag
ganyan the last time you assumed naligo ka sa kape ngayon behave ka na.” utos
niya sa kanyang sarili. Pumasok siya sa court at agad na napansin siya ng mga
ito. IYong iba nakatanga lang habang iyong isa binato ng bola si Howard kaya
nasamid ito sa iniinom nitong tubig.
“Ano ba iyon?” asar na hinimas nito
ang nasaktang likod at saka napatingin sa kanya. Kumunot lang ang noo nito. “Ano
na naman ang gusto mo Yumi?”
Itinaas niya ang bag na bitbit niya.
“Hindi pa rin ako susuko.” Determinadong ani niya. Nagkibit-balikat lang at
napabuntong-hininga ang lalaki sabay iling. “Hangga’t hindi mo sinasabi na
masarap ang mga pastries ko.”
“Uy, Yumi masarap talaga ang mga
pastries mo. Kaya nga nainlove ako sa girlfriend ko dahil pinakain niya ako ng
pastries mo.” Bumaling siya kay James at nginitian ito.
“Thanks James you are so sweet.” Nawala
ang ngiti niya ng bumaling siya kay Howard. “Tikman mo na.”
“Nagsasayang ka lang ng oras hindi
pa rin magbabago ang sinasabi ko it still sucks.”
“Kainin mo kasi muna.” Kinuha niya
ang laman ng paperbag. “These are fruit tarts.” Hindi gumagawa ang nanay niya
ng ganoon kaya original niyang recipe iyon.
“Mukhang masarap Yumi kaya lang
kapag hindi ang babe ko ang nagbigay hindi ko kakainin iyan delikado, baka
mainlove ako sa iyo.” Biro ni Nike sa kanya pero hindi niya ito pinansin.
“Tikman mo na.”
“Ayoko baka may gayuma iyan.” Nagtaas
lang ang dalawang kilay niya, mabuti sana kung nakaupo ito at pwede niyang
isubo ang tart pero nakatayo ito mahirap itong abutin. “Sabagay kahit anong
gayuma ang ilagay mo hindi epektibo.” She pressed her lips so tight or else
kakagatin na niya ang lalaking ito.
“Puwes I dare you Howard.”
“Dare?”
“Kainin mo ang tart na gawa ko
tingnan natin kung tatalab ba ang gayuma ko.” Tumaas lang ang gilid ng labi
nito sabay iling sa kanya. Kinuha nito ang tart at shoot sa bibig nito,
hinintay niyang may sabihin ito pero parang nagslow motion lang ang lahat
pagkatapos ay kinuha lang nito ang bottled water at saka inubos ang laman ng
bote na para bang diring-diri sa kinain nito.
She heard him sigh and shake his
head. “Still the same it sucks Yumi.”
“I shall return.” Narinig niya ang
tawanan ng mga kalaro nito, napahiya na naman siya pero susuko ba siya? No way!
Pride na niya ang nakasalalay sa pagtanggi nito ng masarap na pastries niya.
Huminto siya sa labas ng court at saka kumuha ng isang tart, sinubo niya iyon
at masarap naman. Bakit sa panlasa nito hindi pa rin masarap? Siguro hindi lang
ito ang trip nitong pastry, marami pa siyang nakatago sa kanyang baul kaya
kapag may oras na siya ay ipagbebake uli niya ito.
Dahil wala naman siyang mapagbigyan
ng tart kaya itinapon nalang niya ang paperbag sa basurahan at saka umalis na
ng tuluyan sa court. Until next time ang peg niya.
<3 <3 <3
TBC
Kow! si Howard. Go mayumi Push mo na yan!
ReplyDeletePara paraan din to si howard..hahahaha..feeling ko gusto nya lang talagang magpapansin kay yumi kaya ganon sinabe nya..hahaha
ReplyDeleteBaliw si Howard pramis!!!
ReplyDeleteHahaha.. Itapon na sa universe si Howard,masyadong malalim ang pinagdadaanan.
ReplyDeletesayang nung tart....kung malapit lang ako kukunin ko yun...hahahaha #PG hahaha
ReplyDeleteLaitin ko rin kaya ang gawa ng friend ko? Para makalibre ako ng cake? Hahahaha!
ReplyDelete