Sunday, February 21, 2016

Blogserye: Black Magic 3


3

          Kung anong mahika ang nangyari sa kanya at binilisan niya ang ginawa niyang red velvet cookie, gusto lang siguro niyang ipakita sa pesteng lalaki na nasa labas na masarap din siyang magluto ng pastries. Ipapakita niya dito na hindi lang ang nanay niya ang masarap magbake.
            “Wow, mukhang masarap iyan ate ah.” Tinapik niya ang kamay ni Maliksi ng hawakan nito ang cookie na natapos na niyang ibake. “Ang arte naman akala ko ayaw mo ng magbake?” takang tanong nito na nakahanap ng paraan na magnakaw ng isang cookie.
            “May papatunayan lang ako.” Nginisihan lang niya ang kapatid niya habang sinasalansan ang mga cookies na gawa niya. “Masarap ba ang cookie ko Maliksi?”
            “Oo naman.” Kahit papaano ay naboost ang moral niya sa sinabi ng kapatid niya. “Sobra, parang may magic kapag pinapakain ko sa mga chicks ko naiinlove sila sa akin parang may gayuma.”
            “Ano ang mas masarap iyong pastries ko o kay nanay?”
            Nag-isip ito at napakamot ng noo. “Ang hirap mamili ate, masarap kasi kay nanay masarap din ang gawa mo. Magkaiba pero pareho silang masarap.” Okay na siya sa sagot nito, wala din naman siyang balak pantayan ang nanay niya sa pagbebake dahil forte na nito iyon. Ang nanay niya inahin na samantalang siya itlog pa hindi pa nga napipisa pero hindi siya makakapayag na may magsabing hindi masarap ang gawa niya.
            Kinuha niya ang plato na may lamang cookies at saka lumabas ng kusina, natagpuan niya doon ang lalaki na nagbabantay sa tindahan nila napag-utusan kasi ito ng kanyang nanay na pansamantalang magbantay hanggang sa lumabas siya sa kitchen. Nandoon pa nga ito at kasalukuyang tinitingnan ang mga brochure na may lamang cakes and cookies na pwedeng i-order.
            Malakas na inilapag niya ang plato sa harap nito, tumigil ito sa pagbabasa at saka tumingin sa kanya, nakangiti ito pero alam niyang hindi sincere ang ngiti nito sa kanya. Tiningnan nito ang cookies na nasa plato niya. “Yes, Yumi?”
            “Don’t smile at me like that you mister, akala mo ba nakakalimutan ko na ang ginawa mo sa coffee shop? Pinahiya mo ako pero nakalimutan ko na iyon ang hindi ko lang makalimutan ay ang sinabi mong ‘my pastries sucks’.”
            He positioned himself and place his fingers on his cheeks as he stare at her, buwisit talaga ang lalaking ito bakit ang gwapo-gwapo nito kahit na ang sarap nitong pasakan ng oven sa bibig?
            “It’s true, your pastries sucks.”
            Naningkit ang kanyang mga mata, how can a very handsome and angelic face have a mouth of a bastard? At kalmadong-kalmado pa talaga ito.
            “Bakit natikman mo na ba ang mga pastries ko?” matapang na tanong niya.
            “No and I don’t need to eat it to know it doesn’t taste good.” Nakangiti pa rin ito kaya mas lalo siyang napikon dito. Kumuha siya ng isang cookie at hinawakan niya ang pisngi nito saka isinaksak sa bibig nito ang kanyang red velvet cookies. Mukhang nagulat ito sa ginawa niya kaya wala itong nagawa kundi lunukin ang cookies na ginawa niya. “What the hell was that Yumi?”
            “Ngayon Howard sabihin mo sa akin kung hindi pa rin masarap ang gawa kong pastries?” kunot-noong tumitig lang ito sa kanya by now her cheeks were already so red na pwede na siyang ka-look-a-like ng mansanas. Nakipagtagisan siya ng titig sa lalaking ito bahala na kung mangawit ang leeg niya sa kakatingala she wants him to say na hindi pangit ang mga gawa niya malaking insulto iyon sa kanya.
            “Do you want an honest answer Yumi?” pinunasan nito ang pisngi nitong may nagkalat na cookie crumbs na para bang dumi iyon na dumikit sa katawan nito. “It didn’t changed anything it still sucks.”
            Kung hindi lang niya napigilan ang emosyon niya ay baka umiyak na siya sa harap nito pero hindi siya papatalo sa lalaking ito. Hindi lang naman red velvet ang kaya niyang gawin, she can make a lot of good pastries and she will make sure he will change his mind regarding about it. Step one palang ito marami pa siyang chances.
            “Kakainin mo rin ang sinabi ko, gagawin ko ang lahat para sabihin mong masarap ang mga gawa ko.” She said with full determination.

<3 <3 <3
TBC

13 (mga) komento:

  1. Naks nmn inang.... Sunod sunod ud..... Hahaha love you inang and all your stories.... .

    ReplyDelete
  2. Ano bang problema ni Howard at ndi nya magustuhan ung pastries ni yumi??

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahh, kaya pala haha. Hokage din tong si howard eh.

      Delete
    2. sana may kakilala din akong ganyan para makafree taste din ako.

      Delete
    3. Haha mag hanap din ako ng ganyan.

      Delete
  3. Papansin lang po. To make him unique above all the boys or people who swoons and showers her praises to her pastries.

    ReplyDelete
  4. Free taste ba kamo?
    Beginner lang ako Mare.. kakasimula ko lang sa cookies, bars and cakes.. 😅 nag-eexperiment pa lang..
    Yung pics nasa FB.. 😉

    ReplyDelete
  5. Haha! Talaga naman si Howard eh.. masyadong pabebe.

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang