Saturday, February 20, 2016

Blogserye: Black Magic 2


2


          “Ate Yumi, sige na naman ipagbake mo na ako ng cake for my kuya’s birthday.” Pamimilit ng batang babae na madalas na umoorder sa kanya ng cake noon, noong mga panahon na gustong-gusto pa niya ang nagbe-bake. Hindi niya ito pinansin ay inabala nalang ang sarili sa pag-aayos ng mga cakes na gawa ng nanay niya upang ideliver iyon sa mga suki nitong coffee shop at shopping malls.
            “Bakit ka ba tumigil sa pagbe-bake, iyong pastries mo lang ang pinakagusto kong kainin eh. Para kasing may magic.” And again hinayaan nalang niya ito dahil titigil din ito. “Ang tagal mo ng hindi nagbebake.”
            “Good morning!” isa na namang customer ang pumasok sa bakeshop nila and again nanatili siyang tahimik lang habang nagsusulat na ng numbers of orders. “Pabili ng cakes ate Yumi, iyong gawa mo.” Umiwas lang siya ng tingin sa mga taong ito. Halos araw-araw nalang siyang ginugulo ng mga ito sa bakeshop nila. “Hindi pa rin? Ate naman, kailan ka ba uli magbebake namimiss ko na ang cakes mo.”
            “Iyan din ang linya ko kanina.” Ani ng naunang customer. Nagring uli ang wind chime tanda na may pumasok na naman sa loob ng kanilang bakeshop.
            “Tigilan niyo na ang ate Yumi niyo, iyong cakes nalang ng tita Celis ang kainin niyo.” Narinig niyang sita ng tatay niya sa mga dalagitang customers nila.
            “Eh tito iyong kay tita Celis masarap din, pero kay ate Yumi heaven ang lasa. Kaya nga favorite namin iyon kasi may magic, para iyong may love potion lahat ng kumakain ay naiinlove.”
            Pumasok lang siya sa loob ng dirty kitchen para maghalungkat ng mga box na aayusin niya, tahimik lang siya. Ano ba ang dahilan kung bakit ayaw na niyang magbake? Dahil sa lalaking iyon! Buwisit! First time niyang masabihan na pangit ang mga gawa niyang pastries. Simula pa lang ng matuto siyang magpainit ng oven lahat ng ginagawa niya ay pawang masasarap lamang. Pero ang lalaking iyon pinahiya na nga siya sinabihan pang pangit ang mga gawa niya nasaan ang hustisya?
            “Anak, marami pang customer sa labas na gustong kumain ng mga cakes na gawa mo. Pile na rin ang dapat orders na para sa iyo ano ba ang nangyari sa iyo at dalawang linggo ka ng hindi nagbebake?”
            “Wala naman tatay, pagod lang ako.” Pinilit niyang ngumiti sa tatay niya. Wala namang nagbago sa kanya ayaw lang talaga niyang magbake. “Ako na po ang magbabantay sa shop, kukunin ng isang coffee shop ang mga cakes ng nanay mamaya.”
            Napabuntong-hininga nalang ito. “Ikaw ang bahala.” Lumabas na siya at tamang-tama naman na may pumasok sa bakeshop, narinig niya ang boses ng nanay niya na tila may kausap. Hindi niya iyon pinansin dahil may kinukuha pa siyang straws sa ilalim ng counter nila.
            “Naku, salamat ng marami sa pagtulong sa akin Howard.”
            “Basta kayo po tita Celis.” Parang tangang naitaas agad niya ang ulo niya ng marinig ang pamilyar na boses na iyon na minsan na niyang narinig sa buong buhay niya. Dahil sa nasa counter pa siya kaya tumama ang ulo niya semento at malakas siyang napamura. Wala siyang pakialam kung hindi na siya makapasok sa langit dahil sa pagmumura niya basta masakit ang ulo niya para na nga iyong mabibiyak.
            “Yumi ano ba ang nangyari sa iyo diyan?”
            “Wala nay.” Napahawak siya sa ulo niya sa sobrang sakit.
            “Anong wala samantalang namimilipit ka na diyan sa sakit.” Narinig niya ang mga bakas ng paa sa may tabi niya pero hindi siya nagmulat ng mata masakit talaga ang ulo niya. “Masakit ba?” tanong ng nanay niya tumango lang siya dahil kahit anong gawin niya ay masakit pa rin talaga ang ulo niya.
            “Alvin itong anak mo naaksidente hindi na makatayo buhatin mo!” sigaw ng nanay niya sa kanyang tatay.
            “Ako na po tita Celis.” And like a miracle that happened once in a lifetime biglang nawala ang sakit sa ulo niya lalo na ng maramdaman niyang may humawak sa braso niya. Parang lamok na tinapik niya ang kamay nito at mabilis siyang lumayo sa nanay at sa lalaking iyon. Hindi siya pwedeng magkamali, ang lalaking kasama ng nanay niya ay ang lalaking nambuhos sa kanya ng kape sa coffee shop.
            “Mayumi, bakit mo ginawa iyon tumutulong lang si Howard.” Hawak niya ang kanyang nasaktang ulo pero nakasimangot siya habang nakatingin kay Howard.
            “Hindi ko po kailangan ng tulong niya.” pinagpagan niya ang short  dress niya na nagkaroon ng mga alikabok. Napansin din niyang biglang bumaba ang mata nito sa legs niya ngali-ngaling sipain niya ang lalaking iyan kung wala lang siguro ang nanay niya sa harap niya.
            “Ano ba ang nangyari sa iyong bata ka? Bakit ka sumuong sa counter?”
            Napatingin siya sa sahig upang hanapin ang straw na kinuha niya doon, nasa tabi ito ng lalaki na nakatingin pa rin sa legs niya. Mabilis ang mga kilos niya ay kinuha agad niya ang straw, alam niya nabreak niya ang speed limit ng pinakamabilis na babaeng hilo at nabukulan sa pagkuha ng rolyo ng straw.
            “Heto.” Pakita niya sa nanay niya.
            “Nasaan ba ang kapatid mo at ikaw lang mag-isa dito?” tukoy nito sa labing anim na taong gulang na kapatid niyang lalaki.
            “May inutos ako nanay, pinadeliver ko.” Ani niya habang hinihimas-himas pa rin ang ulo niya hindi niya pinansin ang existence ni Howard pero hindi siya nag-abalang takpan ang legs niya. Bahala itong maglaway, best asset kasi niya ang kanyang makinis at maputing legs.
            “Tita Celis kayo po ba nagbake nito?” may kung anong tumalon sa dibdib niya ng marinig ang mabait na boses ni Howard.
            “Oo Howard, bakit?”
            “Kaya pala masarap.” Naningkit ang kanyang mga mata sa sinabi nito he is insinuating something.
            “Masarap ding magbake si Yumi.”
            “Wala ng mas sasarap sa bake mo tita, kapag hindi ikaw ang nagbake hindi masarap.”
            Tumawa lang ang nanay niya. “Ikaw talagang bata ka nambola ka pa.”
            “That’s the truth.”
            The truth his face… ipapatikim niya dito ang masarap na cake niya!

<3 <3 <3
TBC

7 (mga) komento:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Inang... bat pag kayo gumawa ng story the best talaga i love it :) antayin ko na lng ang nxt nito hehehe :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHAHA... muli kang nabuhay AJ.. okay na ba ang papa mo?

      Delete
    2. hahaha yes po inang thanks po sa pag alala at doon sa regalo mo :D doon kasi ako tambay sa wattpad inuulit ulit ko ung kay G story hahaha 5x ko na ngang nabasa XD

      Delete
  3. Hahahahaha inaasar tlga nya si yumi....

    ReplyDelete
  4. Dapat sinampal man lang ni yumi, justice sa pambubuhos ng kape. Ambad eh haha.

    ReplyDelete
  5. Haha! Loko talaga si Howard! Ngayon lang ako nagbasa dito, enjoy po pala habang hinihintay ang update sa wattpad para sa ZBS .. enjoy!:-)

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang