11
IBINABA
niya
ang tasa ng tsaa sa mesa habang tinitingnan ang magandang pet shop ng kaibigan
niyang si Vanessa. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na magtake muna ng
day off mula sa kanyang trabaho, hindi muna siya nag-aaccept ng mga orders
dahil wala siya sa mood kaya heto masaya siyang binibisita isa-isa ang kanyang
mga kaibigan. At si Vanessa nga ang kanyang stop over ngayon.
“At base sa nalaman ko heartbroken
ka ngayon kaya ka nagkaroon ng time para sa amin.” Komento ni Van hindi na siya
nagreact sa sinabi nito guilty din kasi naman siya sa sinabi nito. “Mukha ngang
hindi maganda ang lagay ng puso mo.”
“I am okay.” she smiled at Vanessa.
“Nandito lang ako dahil gusto kong maghanap ng pet.” Pagdadahilan niya dito,
mukhang hindi pa nasabi ni Pamela ang tungkol sa kahihiyan na nangyari sa kanya
kahapon sa flower garden. Atleast dito safe pa siya.
“Wala na akong turtles.”
“Ayoko na ng pagong nilalayasan lang ako eh.” Pilit
niyang pinasigla ang boses niya pero ang totoo niyan ay gusto lang niyang
maiyak. Saka na kapag mag-isa nalang
siya, sobra na ang iyak niya kay Pamela kahapon okay na iyon.
“Hindi mo kasi binabantayang mabuti,
ilang pet na ba ang nawala mo. Pagong, hamster, rabbit, lovebirds, baka naman
gusto mo ng reptiles ulit ngayon. Wala pa akong crocodile bawal iyong ibenta
pero may mairerecommend ako.”
“Ano?”
“Fish, gold fish. Nakakawala ng
alalahanin ang mga isda and sure akong hindi ka mahihirapang alagaan sila at
pwede pang ipangdisplay sa bakeshop niyo pampaswerte.”
“Titingin lang muna ako saka na ako
magdedecide kung ano ang aalagaan ko ngayon.” Tumayo na siya upang iwasan ang
mga mata ni Vanessa, she is trying to read her thoughts. Papunta na sana siya
sa estante ng mga isda ng may maliit na bagay na humarang sa daraanan niya
muntik na siyang mapamura at ng tingnan niya iyon ay isang cute na cute na tuta
ang nandoon… isang teacup maltese, puting-puti pa ang kulay.
“Ang cute mo naman.” She gently pick
up the canine and stare at its big black and round eyes. “Van, may owner na ba
ito?” tukoy niya sa aso.
“Wala pa pero hindi pa siya for
sale, kailangan pa siyang ilactate ng nanay niya at kailangang lumaki-laki muna
siya bago ang lahat.”
“I love it, I already love this
little beast.” Kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya habang tinititigan ang
tuta. “Magkano ito?”
“Para sa iyo dahil friend kita
bibigyan kita ng discount, eight thousand nalang.”
“Ang mahal naman akin nalang ito for
free.”
Lumabi lang si Pamela. “Business is
business.”
“Ang dugas mo talaga hindi ba
pwedeng five hundred pesos?”
“Lugi naman ako sa iyo.”
“O sige huling tawad, seven
hundred?”
“Ibebenta ko nalang siya sa iba.”
“Sige na nga eight thousand kaya ko
sigurong pag-ipunan iyon kapag okay na siyang bilhin.” She cuddled the cute
puppy, it’s innocent and cute stares melt her heart’s pain all of a sudden.
“Baka layasan ka lang niyan.”
“No! I mean aalagaan ko siya this
little beast will be my baby na and I’ll name.” tiiningnan niya ang kasarian ng
tuta, it’s a male. “I will name him Ho--.” Balak sana niyang bigyan ng pangalan
ang aso na kapareho ng pangalan ng lalaking iyon pero baka isipin naman ng
taong iyon masyado siyang fall na fall dito. “Yuhan nalang, little Yuan I will
be your mommy na grow up ka agad para
pwede na kitang mabring sa house natin.” She kissed its nose and Yuhan licked
her in return. “He likes me Van, he likes me.”
Ngumiti lang ito sa sinabi niya.
“Good for you then.”
“At least someone likes me.” Mahinang
bulong niya dito.
IT’S
early in the morning when she decided to buy some eggs for their bakeshop,
pasado alas sais pa lang ng umaga ng naglalakad siya sa kalye ng village nila
ng pagliko niya ay biglang may dumaan sa harap niya mabuti nalang at nakahinto
agad siya or else she’ll be doomed and her eggs. Napatingin sa kanya ang dumaan
sa kanyang harapan pagkatapos ay ngumiti.
“Mayumi!”
Nagulat man siya ay agad din siyang
nakabawi, “Nicolo? Ikaw na ba iyan?” hindi makapaniwalang tanong niya sa first boyfriend
niyang nang-iwan sa kanya para lang sa career nito. Dapat ay magalit siya sa
lalaki pero wala na siyang maramdaman kahit na kaunting galit at sakit tulad ng
una niyang naramdaman niya dito noon. “How are you? It has been ten years
right?”
Umayos ito ng tayo at saka ngumiti
sa kanya, she was eighteen when he courted her. Agad naman niya itong sinagot,
dalawang taon lang ang tanda nito sa kanya
at kagagraduate lang nito sa kursong Nautical engineering at dahil
seaman ang tatay nito kaya gusto din nitong makasampa sa barko. And from the
looks of it he looks good and still handsome like before, however she
remembered the boy but she can’t remember the feeling anymore.
“Yeah, ten years.” Para itong
nalungkot bigla. “Yumi, pasensya na pala sa nangyari noon.” Hingi nnito ng
paumanhin sa kanya.
“Naku, okay lang iyon. Noon hindi ko
maintindihan pero ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mas pinili mong
umalis. Kumusta na may asawa ka na ba?” sumilay ang gwapong ngiti sa labi nito
sa tanong niya sabay iling.
“Wala pa eh may gusto kasi akong
balikan.”
“Really?” Who?”
“Ikaw.” Napaawang ang kanyang mga
labi sa sinabi nito kasabay ng malakas na tawa.
“Joker ka pa rin pala Nico, ikaw
talaga. Ang tagal na noon hindi mo naman siguro inaasahan na ikaw pa rin ang
nasa heart ko ano? Uso din kaya ang salitang move on.” Pabiro niyang ani dito
but that’s true wala na siyang maramdaman na kahit ano dito. Napalitan ng
lungkot ang mukha nito.
“Sayang naman pero hindi pa naman
siguro huli ang lahat hindi ba? Manliligaw ako I still have three months bago
ako sumampa uli sa barko, liligawan kita ng tatlong buwan at kapag hindi kita
mapapasagot ay susuko na ako.”
“Hala, desido talaga ang lolo mo ah.”
Naisip niyang kung determinado ito baka sakaling makalimutan niya ang
nararamdaman niya kay Howard. “Okay, I’ll give you a chance but it doesn’t mean
ay sasagutin na agad kita ito ang sasabihin ko sa iyo para aware ka, may iba na
akong gusto pero may girlfriend na siya. Kapag nakaya mong ibalik ang feelings
ko sa iyo tapos ay mawawala ang feelings ko sa new found love ko sasagutin
kita.”
“Iyon lang ba? Sisiw, papalitan ko
lang pala iyong taong iyon sa puso mo.” Kinuha niya ang tray sa mga kamay niya.
“Sisimulan ko na, ihahatid kita sa pupuntahan mo.”
“Uy, salamat malaking tulong iyan sa
akin. Pero hindi ba may lakad ka para ka kasing nagmamadali kanina.”
Ngumiti ito sa kanya. “Nalaman ko
kasi na dito ka nakatira at may bakeshop kayo bibili sana ako ng tinapay.”
“Galawang Nicolo ka talaga.” Tumawa ito
sa sinabi niya at kahit siya ay ganoon din. Naglalakad na sila papunta sa
bakeshop habang nag-uusap, masaya siyang malaman na okay na pala ang takbo ng
buhay nito. Sa ilang taon na pagsampa nito sa barko ay may naipundar na itong
bahay, sasakyan at business. Huling sampa na pala nito sa barko para tapusin
ang kontrata nito three months from now. Napadaan sila sa may basketball court
ng biglang dumaing si Nico. Pagtingin niya ay napansin niyang hawak nito ang
ulo nito at may gumulong na bola sa may paanan niya.
Bumukas ang gate ng court at ganoon
na lamang ang pagtahip ng kanyang dibdib ng masilayan si Howard, linggo nga
pala wala itong pasok at wala na naman itong suot na pang-itaas. Pero hindi na
ito single kaya back off na siya.
“Masakit ba pare? Pasensya ka na
napalakas ng bato.” Hindi naman ito sincere sa paghingi ng tawad kaya mas lalo
siyang nakaramdam ng inis dito. Kinuha niya ang bola at saka ibinato dito.
“Pwede ba Howard kung maglalaro kayo
ayusin niyo, may court nga eh bakit lalabas ang bola? Hindi naman yata kayo
marunong maglaro ng basketball.”
“Okay lang ako Yumi.” Mabait talaga
itong si Nicolo pero siya hindi na siya mabait, beastmode na siya.
“Tayo na nga sa bahay Nico ang
aga-aga may naninira ng araw.” Masungit na pahayag niya, hinawakan niya ang
palad ni Nico at hinila iyon palayo sa court sabay irap ng matindi kay Howard.
<3 <3 <3
TBC
PS: Cute photo CTTO
Waah may isang secret beastmode
ReplyDeletehoward is secretly on beast mode :P
ReplyDeleteSa dog ako excited . Hehe
ReplyDeleteKelan kaya ang POV ni howard? Hahahaha
ReplyDeleteSi mayumi ang beast mode haha, si howard ay nag seselos!
ReplyDeleteHaha! Nganga ka ngayon, Howard? Hahaha
ReplyDelete