10
TINITITIGAN
lang
niya ang kaibigan niyang abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa flower garden
nito, hinihintay niyang matapos ang ginagawa nito dahil ng dumating siya doon
ay busy ito sa kliyente nito kaya naghintay nalang din siya. Masyadong mabusisi
ang ginagawa nitong bouquet kaya hinayaan nalang din niya itong makapagtrabaho.
Nang sa wakas ay tapos na ito ay
mabilis siyang umayos ng upo ito naman ay inililigpit ang lahat ng mga kalat
nito at bumaling sa kanya.
“So, anong problema?” segunda agad
nito.
“Grabe siya oh, problema agad? Hindi
ba pwedeng namimiss lang kita?” Pamela just raised a brow and flipped her
perfectly long straight hair and snort at her.
“Come on girl hindi mo ako maaalala
kung wala kang problema.” Lumabi siya sa sinabi nito at saka niyakap ang
kaibigan.
“Eh naman eh.” Panimula niya at gaya
ng inaasahan niya ay nahampas siya nito ng isang stemmed rose mabuti nalang at
wala ng tinik kaya hindi siya nagalusan. “Someone kissed me and I think I am
falling for him na.” pag-amin niya dito, mahirap para sa kanya na aminin ang
bagay na iyon. Malakas ang apog niya sa pagharap sa mga lalaking dumadaan sa
buhay niya kaya lang kapag nagkakafeelings na siya ay siya na mismo ang
umaatras nakakatakot kasi ang ganoong klaseng pakiramdam.
Itinulak siya ni Pamela upang
tapusin ang ginagawa nito. “Problema ba iyon? As if naman bago iyan sa iyo,
pero infairness the last time you told me about falling inlove college pa tayo
and now it has been years already. Sapat na siguro ang oras na iyon para
mahanap mo ang sarili mo at pwede ka ng mag-open sa iba.”
Napapadyak siya sa sinabi nito. “Hindi
kasi iyon Pamela eh, alam mo iyong hinalikan lang niya ako dahil nainis siya sa
akin. And not only that, the first time we met binuhusan niya ako ng kape and
he told me over and over again that my pastries sucks hindi naman di ba? Ilang buwan
ko na ring pinapakain ang lalaking iyon ng pastries ko pero hindi talaga
effective.”
“Hindi na effective ang black magic?”
Siya naman ngayon ang umismid, “Black
magic is not real, kayo talaga ni Vanessa ang nagpauso niyan kaya parang baliw
ang mga customers na gustong bumili sa mga gawa ko.”
“So, hindi nga effective ang gayuma?”
“Wala nga sabing gayuma dahil kung
meron man matagal na sana siyang inlove sa akin, pero waley eh, palagi niyang
sinasabi na my pastries sucks and my nanay is way better than my works. Alam mo
ang sakit-sakit lang sa heart eh.” Hinampas pa niya ang kanyang dibdib para
i-emphasize dito na masakit talaga sa dibdib ang mga nangyayari sa buhay niya.
Tinitigan lang siya nito at saka
umiling lang sa naging sinabi niya. “Wala eh, wala kang swerte tanggapin mo na
lang ang reality of life na hindi ka niya magugustuhan.”
“Pero bakit hinalikan niya ako?”
pasigaw na tanong niya.
“Sabi mo nga naiinis siya sa iyo.” Mas
lalo siyang nainis sa sinabi nito.
“But still hindi iyon dahilan kung
bakit niya ako hinalikan, maybe he have feelings for me too.” Ani niya.
“Sinabi ba niya? Ayaw nga niya sa
mga pastries mo para na rin niyang sinabi na hindi ka talaga niya gusto.”
Napapukpok siya sa mesa na nasa tabi
niya. “Nakakaasar ka naman eh friend mo ako dapat ilift mo ang spirit ko. Ang hirap
ng sitwasyon ko ngayon dahil may feelings na ako for him and he kissed me, kung
anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Naisip ko nga may hidden feelings siya sa
akin kaya inaasar lang niya ako.”
Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi
niya. “You and your wild imagination my dear friend.” Tumawa ito sa kanyang
sinabi. “If you like him, go for him, if you don’t want to like him gaya ng
dating gawi iwasan mo siya hanggang sa makalimutan mo na ang feeling mo sa
kanya.” Tumingin uli ito sa kanya. “Or na-fa-fall ka pa lang ba o bagsak ka na?”
“I like him, iyon lang.”
Sa kung anong puwersa na meron ang
inang kalikasan, napalingon siya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung
sino ang papasok sa loob ng flower garden ni Pamela. Mabilis siyang nagtago sa
ilalim ng mesa ng kaibigan nag-sign lang siya na huwag itong magpahalata na may
kasama ito. Kung anu-ano ang ginawa niyang signal dito mabuti nalang at nagets
agad nito ang kung anuman ang gusto niyang sabihin.
“Good afternoon sir, welcome to
flower garden how can I help you?” magiliw na bati ni Pamela sa lalaki,
napahawak siya sa dibdib niya at
nagdarasal na sana ay hindi nito marinig ang lakas ng tibok ng puso
niya.
“A bouquet of red roses please.” Boses
nga iyon ng binata and worst sobrang lakas na ng tibok ng puso niya, hindi na
niya mawari kung ano ang naririnig niya. Pero para kanino ang red roses nito?
“Special?”
“Yes, please.” Narinig niya ang mga
yabag ng mga tao sa paligid niya, pero mas malakas pa rin ang puso niya. She
held her breath for a while and exhaling little by little.
“Para sa girlfriend niyo po ba ito
sir?”
“Yes.” Mabilis na sagot ng binata—mali—may
girlfriend na eh, hindi na ito binata kasi taken na. Para siyang binuhusan ng
malamig na tubig sa narinig niya mula dito. Iyong puso niya parang hindi na gumagana,
para siyang tinusok ng patalim sa dibdib niya ng ilang ulit. Ang sakit lang,
naramdaman na niya ang ganitong sakit noon. Noong hiwalayan siya ng kanyang
second boyfriend dahil may mahal na itong iba… pati rin iyong first boyfriend
niyang nakipaghiwalay sa kanya sa mismong graduation niya dahil mas pinili nito
ang trabaho nito sa ibang bansa. And now, this is the third time she felt the
same pain ang nakakatawa lang hindi dahil pa nga niya ito naging boyfriend.
May narinig na naman siyang nagbukas
ng glass door ng Flower garden. “Howard—oh—wow, is this for me?” boses iyon ng
isang babae. Gusto niyang lumabas para alamin kung maganda ba ito at sexy pero
hindi siya makagalaw and besides kung lalabas siya baka siya lang din ang
mapahiya.
“Sweetheart let’s go.” Humalukipkip siya
sa ilalim ng mesa ni Pamela, sa loob-loob niya sinasabi niya sa sarili niya na
okay lang siya… na wala siyang pakialam dahil hindi naman sila friends ni
Howard. Ano naman ngayon kung may pagbibigyan ito ng red roses na ibig sabihin
ay love, ano naman ngayon kung sweetheart ang tawag nito sa babaeng pagbibigyan
nito? Ano naman ngayon kung may girlfriend na siya, siguro sapat na iyong
dahilan para tumigil na siya hindi ba.
She opened her eyes and was greeted
by Pamela’s concerned face, she just smiled at her bestfriend.
“Na-fa-fall ka pa lang ba?” tanong
nito sa kanya, umiling siya sa tanong nito dahil alam niyang iyon ang tamang
sagot. “You love him already.” Hinila siya nito palabas sa mesa nito pero hindi
siya gumalaw, nanatili lang siya doon kahit anong pilit nito. “Hayan ka na
naman eh, heartbreak lang iyan Yumi what’s new sanay ka na diyan. At least this
time hindi mo naging boyfriend, ano naman ngayon kung hinalikan ka niya uso na
iyan ngayon makakamove on ka rin.”
Suminghot lang siya at humikbi sa
harap nito, dinama niya ang puso niya baka kasi wala na iyon doon… baka
kailangan niyang buuin iyon. Pumipintig pa naman kaso, parang sugat-sugat na. Sino ba kasi ang nag-utos sa kanya na makaramdam ng ganito? Sino ba ang sisisihin niya kundi ang sarili niya... what should she do? Distance is must.
<3 <3 <3
TBC
PS: Photo CTTO
Kawawa kana naman. . Pero. .may pagasa pat kapit lang at tiwala kay inang. Haha
ReplyDeleteHahaha un din Sana sasabihan ko tiwala lng Kay inang pero Sana wag namang makaroon ng tupak si inang para happy ending parin..
DeleteKawawa kana naman. . Pero. .may pagasa pat kapit lang at tiwala kay inang. Haha
ReplyDeleteAaay. Howard sino yan !!!
ReplyDeleteAng sakit lang :'(
ReplyDelete