Saturday, February 20, 2016

Blogserye: Black Magic 1

Paunawa: Ito ay isang blogserye, dahil ito ay maiikling kwentong sa blog ko sinusulat. Maraming salamat sa pag-unawa.


 1
 

INILIBOT niya ang buong paningin sa buong paligid only to find out na siya lang pala ang nag-iisang nakaupo sa mesa ng buong coffee shop. Curse this day, bakit ba kailangang ang sweet ng mga tao ngayon at nakadisplay pa talaga. Dapat talaga ay pinakinggan nalang niya ang nanay niya ng sabihin nitong huwag nalang siyang umalis dahil madedepress lang siya. And true to her words she is indeed very depressed right now. Pakiramdam kasi niya ay nag-iisa lang siya, well she is really alone, mag-isa, nag-iisa at malamang mag-iisa nalang.

Ano pa ba ang kulang sa kanya?

Siya si Precious Mayumi Katarman, dalawampu at pitong taong gulang, hindi katangkaran pero nag-uumapaw naman sa kagandahan. Nagkaroon na ng dalawang boyfriends pero single na ngayon. She is a very good pastry chef, pinagkakaguluhan na nga kung tutuusin.

She is almost perfect pero bakit single pa rin siya? Nasaan ang hustisya sa katulad niyang magaganda at sexy? Bakit pitong taon na ay hindi pa rin siya nagkakaboyfriend uli, bulag na ba ang lalaki sa buong mundo ngayon at hindi siya makita? This is insane. Her biological clock is already ticking and everyone in the family is pushing her to her limits.

Tiningnan niya ang labas ng coffee shop na nasa kanilang village, gusto niyang mapasimangot ng makitang kahit na iyong nagtitinda ng tempura ay may love life, pati na rin iyong asong walang hiyang nakipagpalitan ng kaluluwa sa babaeng aso, ang babastos hindi man lang nahiya sa kanya. Nakapangalumbaba nalang siya habang tinitingnan ang iPad niyang may maraming messages sa messenger. Galing sa kanyang magagaling na kaibigan na nang-indian sa kanya kaya siya mas lalong nadepressed.

“Hi.” Bati ng isang boses na minsan lang niya marinig kaya napakunot ang kanyang makinis na noo at binalingan ang isang lalaki sa harap niya. Nakakunot ang kanyang noo dahil medyo nasilaw siya sa init ng araw at sa gandang lalaki nito, pero hindi nga masakit sa mata ang ilaw kaya parang sisilaban na niya ito sa paniningkit ng kanyang mga mata. “May nakaupo ba dito?”

            Itinuro ng gwapong lalaki ang silya sa harap niya, umiling siya kapag nagsalita kasi siya siguradong barado lang ito sa kanya.
            
         “Hindi ba ikaw iyong bunso ni tita Celis, iyong masarap magbake ng cake?” tanong nito, nakikita na niya ang lalaking ito sa village nila. Kapag napapadaan siya sa basketball court o kaya naman ay napapadaan siya sa bahay nito pero ngayon lang sila nagkausap ng ganito katagal.
             
             “Yes.”

            “Hmn. Paupo muna dito ha puno na kasi ang mga table.” Tiningnan niya ang bawat isang mesa na tinutukoy nito. “Hindi ka naman siguro magagalit, Mayumi.” Tumaas ang dalawang kilay niya.

            “How did you know my name?” ngumiti ito kaya lumabas tuloy ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi nito, flashing his perfectly white teeth. 

            “Kilala ko ang nanay mo she’s my favorite person in the world.” Umiinom ito ng cold coffee habang nakatingin sa kanya. “Do you know me Yumi?” the guy smiled again and she almost hit him with her knuckles because of that smile… it makes her panties shred on its own, such a very dangerous smile eh.

                Ito na ba si Mr. right? Ito na ba ang love of her life? Ito na ba ang icing sa ibabaw ng cupcake niya?  

Umayos siya ng upo upang kahit papaano ay magkaroon siya ng good impression sa lalaking gwapo na may tantalizing smile. Kinakabahan na siya, ang lakas na ng heartbeat niya, ito na yata ang kanina pa niya pinagdadasal sa mga pastries na ginagawa niya. This is the sign, thank you Lord!

            “No, I don’t know you.” Mahinhin na sagot niya, hindi siya nagpapacute ayaw niyang magpacute dahil cute na siya. “Do I know you?” kanina pa siya nagpipigil ng ngiti dahil nakakahawa naman talaga ang ngiti ng lalaking gwapo.

            Pero tila nagbago ang ihip ng hangin dahil sa biglang nawala ang ngiti sa mga labi nito at napalitan ng kakaibang aura. Bigla tuloy uli siyang kinabahan, nawala ang friendly guy kanina at napalitan ng dangerous killer aura. Tumayo ito at biglang ibinuhos ang kape sa tasa nito sa ulo niya na ikinapanlaki ng kanyang mga mata.


            “Your pastries sucks.” He snickers and he turn his heels away from her, para siyang napako sa kanyang kinauupuan habang ang mga couples naman sa loob ng coffee shop ay napatingin sa kanya. Iyong iba natatawa sa hitsura niya iyong iba naman ay nagtataka. Pero siya, sobrang napahiya. Anong problema ng lalaking iyon?




<<3 <<3 <<3
TBC

7 (mga) komento:

  1. Hala!!! Baliw ung lalaki. Hindi lng alam ung name nya sinabi na agad un.... Tsk tsk tsk.

    ReplyDelete
  2. Yaays! 'Your pastries sucks' pa daw ending ana nacrush diay to :p torpe lang

    ReplyDelete
  3. hahaha baliw ano kaya un, uupo mag papakilala tapos bubuhusan ng kape..? lakas lng ng trip.

    ReplyDelete
  4. Lakas ng trip ah, ungentleman baka insecure sa beauty ni mayumi haha.

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang