Monday, February 29, 2016

Blogserye: Black Magic 12


12
          NAGISING siya ng may marinig na katok mula sa labas ng kanyang pintuan at ng idilat niya ang kanyang mga mata ay agad niyang hinanap ang kanyang cellphone para tingnan kung anong oras na. Pasado alas otso na pala ng umaga, pupungas-pungas na tumayo siya sa kanyang kinahihigaan at binuksan ang pintuan. Base sa paraan ng pagkakakatok ng pinto alam niyang ang kapatid niya iyon.
            “Kisig bakit?” she rubbed her eyes to see her brother clearly.
            “May bisita ka sa ibaba ate, maligo ka muna para hindi masyadong nakakahiya.” Kinamot niya ang tiyan niya at kunot-noong tumingin sa kapatid.
            “Sino ang bisita ko? Si Nico?”
            “Hindi ko alam pero puntahan mo na.”
            “Kung sinuman siya sabihin mo maghintay kamo okay?”
            Nagthumb up sign lang ito, naligo naman siya at nag-ayos at ng babain niya ang bisita niya ay nagulat siya ng makilala iyon. Hindi niya inaasahan na makita uli ang taong iyon after six years!
            “Hi.” Kiming bati nito sa kanya sabay abot ng bouquet of flowers and a teddy bear. Kumunot lang uli ang ulo niya at napakurap. “Good morning.”
            Pumalatak siya sa bumati sa kanya ng good morning, kinuha niya ang bouquet of flowers at pabirong hinampas sa mukha ng lalaking bisita.
            “Pambihira ka talaga Ong, intsik ka nga. Ang ag among bumisita.” Palatak niya na ikinatawa naman ng kanyang bisita. “Kumusta ka na Earl?” hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa mundo at kung kailan siya heartbroken ay saka naman nagsisibalikan ang mga gagong ex na minsan ay bumigo sa kanya.
            “Heto mabuti naman, ikaw kumusta ka naman?”
            “As you see maganda pa rin anong ginagawa mo dito?” pabalik na tanong niya, pinaupo agad niya ito. Kilala naman ito ng kanyang pamilya dahil halos two years din silang magkasintahan nitong si Earl kaso nakahanap nga ng ibang babaeng mamahalin.
            “Pag-uwi ko galing sa Taiwan ay ikaw agad ang unang ipinahanap ko Yumi, gusto ko kasing humingi ng tawad sa nangyari dati. Hindi ko naipaliwanag ng maayos,”  tumitig ito sa kanya. “Alam mo naman na purong intsek ako hindi ba?” tumango siya. “Balak nina mommy at daddy na ipakasal ako sa ibang babae dahil pabagsak na ang negosyo nila. Hindi ako pumayag dahil mahal na mahal kita Yumi kaso hindi ko kayang ipagsabay ang pag-aasikaso ko sa negosyo ng pamilya para hindi na nila ako ipakasal sa iyo at ang relasyon natin. I am sorry dahil masyado pa akong mahina ng mga panahon na iyon pero pinangako ko sa sarili ko na kapag okay na, kapag malakas at matapang na ako ay babalikan kita at susuyuin kitang muli. This time okay na ang pamilya ko.”
            Napakurap siya ng maraming beses sa narinig niya mula dito, gusto niyang matawa sa sinabi nito kasi nakakatawa naman talaga.
            “Pambihira kayong mga lalaki kayo ano? Pagkatapos niyo akong iwanan ay sabay-sabay naman kayong bumabalik with the same line. Seriously, ano bang meron sa universe ngayon?” hindi makapaniwalang tanong niya.
            “What do you mean?”
            “Remember my first boyfriend Nicolo? Kahapon nagkita kami at liligawan din niya ako para maging girlfriend niya and now you are here, at kung hindi ako nagkakamali katulad din ang intension mo sa kanya right?”
            “Oo, gusto kitang ligawan.”
            She sigh. “Paano ba iyan Earl sasabihin ko rin ito sa iyo, I don’t want to be unfair. Just like Nico hindi mo rin naman ini-expect na may gusto pa rin ako sa iyo hindi ba? Kayo ang nang-iwan and right now I have someone I like but unfortunately it’s a one-sided feeling. Ayokong magpaasa pero heto ang sasabihin ko sa iyo kung sinuman sa inyong dalawa ni Nico ang pwedeng magpa-ibig uli sa akin siya ang sasagutin ko.”
            “I accept the challenge.” Determinadong ani nito. Nag-usap muna sila ng tungkol sa nangyari sa buhay nito sa nakaraang mga taon. Hindi niya inaasahan na hindi pa rin ito nagbabago pero iyong feelings, wala na talaga. Ayaw niyang magsalita ng tapos baka kainin niya ang kung anuman ang sasabihin niya. Maybe this is God’s way of telling her that she needs to forget her feelings towards Howard kasi it’s not meant to be.
            Inihatid  niya ito sa bakeshop nila gusto daw kasi nitong bumili ng mga cakes kaya sinamahan nalang din niya. Dahil nauna siya dito at kausap niya ito kaya hindi niya namalayan na may lalabas sana ng pintuan kaya sumalpok ang katawan niya sa taong iyon. Agad niyang naamoy ang mabangong amoy na iyon, it’s a familiar scent and the warmth—napatingin siya sa kamay niyang nasa may dibdib ng lalaking iyon at sa palad na nakahawak sa kanyang palapulsuhan, habang ang isang braso naman nito ay nakapulupot sa kanyang beywang. They look like they are hugging.
            “Yumi, are you okay?” nag-aalalang tanong ni Earl.
            “Okay lang ako Earl.” Tumingin siya kay Howard. “Tumingin ka nga sa dinadaanan mo.” Asar na sita niya dito. May girlfriend na ito and he broke her heart. Tinabig niya ito para makapasok na siya sa loob.
            “Kuya Earl, nagkabalikan na ba kayo ni ate?”  salubong ni Makisig.
            “Hindi ba back to zero ako ngayon, manliligaw ulit.”
            “Ayos iyan kuya, iyong lagay eh kapatid ko iyan.” Pinandilatan niya si Makisig dahil huhuthutan na naman nito si Earl.
            “Walang problema pero iyong isang manliligaw ng ate mo.”
            “Si kuya Nicolo, patay tayo diyan paLAGAY din ang loob ko sa kanya kuya eh kaya the bestman win nalang.” Pumasok siya sa counter upang ibigay kay Earl ang mga orders nito. Magbabayad na sana ito ng biglang sumingit si Howard sa linya at ibinagsak ang tray na may lamang mga tinapay.
            “Kung maglalandian lang kayo unahin mo munang ipunch itong orders ko late na ako.” Supladong wika ni Howard.
            “Makisig ikaw na-.”
            “Bakit mo ipapasa sa kapatid mo ang trabaho mo?”
            “I am busy and Makisig is not.”
            “Mas lalo akong matatagalan kaya ipunch mo na.” wala siyang nagawa kundi ang ipunch ang mga binili nito sa inis niya ay nagpunch siya ng isa pang balot para mas mapamahal ito.
            “Six hundred.” Nagbigay naman ito ng isang libo at halos baliin na ang palad niya dahil sa bigat ng kamay nito. “Sukli mo.” At dahil mas lalo siyang nainis sa inaakto nito kaya puro barya ang isinukli niya dito. Mali pala ang ginawa niya dahil ang bruho hinawakan ang palad niya para ilipat ang mga barya sa palad nito. At matagal nitong binitiwan iyon bago pasimpleng hinaplos ang likod ng kanyang palad at kinuha ang pinamili nitong mga tinapay. Siya naman ay nagulat sa ginawa nito, o baka naman sa isip niya ay iyon nga ang ginawa nito pero hindi naman pala iyon ang tunay na intension ng lalaki.
            “Ang dami mong boys ate bad iyan.”  Bulong ni Makisig.
            “Shut up.” She hissed.


<3 <3 <3
TBC

PS: Photo CTTO

Sunday, February 28, 2016

Blogserye: Black Magic 11


11
          IBINABA niya ang tasa ng tsaa sa mesa habang tinitingnan ang magandang pet shop ng kaibigan niyang si Vanessa. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na magtake muna ng day off mula sa kanyang trabaho, hindi muna siya nag-aaccept ng mga orders dahil wala siya sa mood kaya heto masaya siyang binibisita isa-isa ang kanyang mga kaibigan. At si Vanessa nga ang kanyang stop over ngayon.
            “At base sa nalaman ko heartbroken ka ngayon kaya ka nagkaroon ng time para sa amin.” Komento ni Van hindi na siya nagreact sa sinabi nito guilty din kasi naman siya sa sinabi nito. “Mukha ngang hindi maganda ang lagay ng puso mo.”
            “I am okay.” she smiled at Vanessa. “Nandito lang ako dahil gusto kong maghanap ng pet.” Pagdadahilan niya dito, mukhang hindi pa nasabi ni Pamela ang tungkol sa kahihiyan na nangyari sa kanya kahapon sa flower garden. Atleast dito safe pa siya.
            “Wala na akong turtles.”
            “Ayoko na  ng pagong nilalayasan lang ako eh.” Pilit niyang pinasigla ang boses niya pero ang totoo niyan ay gusto lang niyang maiyak. Saka na kapag  mag-isa nalang siya, sobra na ang iyak niya kay Pamela kahapon okay na iyon.
            “Hindi mo kasi binabantayang mabuti, ilang pet na ba ang nawala mo. Pagong, hamster, rabbit, lovebirds, baka naman gusto mo ng reptiles ulit ngayon. Wala pa akong crocodile bawal iyong ibenta pero may mairerecommend ako.”
            “Ano?”
            “Fish, gold fish. Nakakawala ng alalahanin ang mga isda and sure akong hindi ka mahihirapang alagaan sila at pwede pang ipangdisplay sa bakeshop niyo pampaswerte.”
            “Titingin lang muna ako saka na ako magdedecide kung ano ang aalagaan ko ngayon.” Tumayo na siya upang iwasan ang mga mata ni Vanessa, she is trying to read her thoughts. Papunta na sana siya sa estante ng mga isda ng may maliit na bagay na humarang sa daraanan niya muntik na siyang mapamura at ng tingnan niya iyon ay isang cute na cute na tuta ang nandoon… isang teacup maltese, puting-puti pa ang kulay.
            “Ang cute mo naman.” She gently pick up the canine and stare at its big black and round eyes. “Van, may owner na ba ito?” tukoy niya sa aso.
            “Wala pa pero hindi pa siya for sale, kailangan pa siyang ilactate ng nanay niya at kailangang lumaki-laki muna siya bago ang lahat.”
            “I love it, I already love this little beast.” Kahit papaano ay nakaramdam siya ng saya habang tinititigan ang tuta. “Magkano ito?”
            “Para sa iyo dahil friend kita bibigyan kita ng discount, eight thousand nalang.”
            “Ang mahal naman akin nalang ito for free.”
            Lumabi lang si Pamela. “Business is business.”
            “Ang dugas mo talaga hindi ba pwedeng five hundred pesos?”
            “Lugi naman ako sa iyo.”
            “O sige huling tawad, seven hundred?”
            “Ibebenta ko nalang siya sa iba.”
            “Sige na nga eight thousand kaya ko sigurong pag-ipunan iyon kapag okay na siyang bilhin.” She cuddled the cute puppy, it’s innocent and cute stares melt her heart’s pain all of a sudden.
            “Baka layasan ka lang niyan.”
            “No! I mean aalagaan ko siya this little beast will be my baby na and I’ll name.” tiiningnan niya ang kasarian ng tuta, it’s a male. “I will name him Ho--.” Balak sana niyang bigyan ng pangalan ang aso na kapareho ng pangalan ng lalaking iyon pero baka isipin naman ng taong iyon masyado siyang fall na fall dito. “Yuhan nalang, little Yuan I will be your mommy na grow up ka agad  para pwede na kitang mabring sa house natin.” She kissed its nose and Yuhan licked her in return. “He likes me Van, he likes me.”
            Ngumiti lang ito sa sinabi niya. “Good for you then.”
            “At least someone likes me.” Mahinang bulong niya dito.

            IT’S early in the morning when she decided to buy some eggs for their bakeshop, pasado alas sais pa lang ng umaga ng naglalakad siya sa kalye ng village nila ng pagliko niya ay biglang may dumaan sa harap niya mabuti nalang at nakahinto agad siya or else she’ll be doomed and her eggs. Napatingin sa kanya ang dumaan sa kanyang harapan pagkatapos ay ngumiti.
            “Mayumi!”
            Nagulat man siya ay agad din siyang nakabawi, “Nicolo? Ikaw na ba iyan?” hindi makapaniwalang tanong niya sa first boyfriend niyang nang-iwan sa kanya para lang sa career nito. Dapat ay magalit siya sa lalaki pero wala na siyang maramdaman kahit na kaunting galit at sakit tulad ng una niyang naramdaman niya dito noon. “How are you? It has been ten years right?”
            Umayos ito ng tayo at saka ngumiti sa kanya, she was eighteen when he courted her. Agad naman niya itong sinagot, dalawang taon lang ang tanda nito sa kanya  at kagagraduate lang nito sa kursong Nautical engineering at dahil seaman ang tatay nito kaya gusto din nitong makasampa sa barko. And from the looks of it he looks good and still handsome like before, however she remembered the boy but she can’t remember the feeling anymore.
            “Yeah, ten years.” Para itong nalungkot bigla. “Yumi, pasensya na pala sa nangyari noon.” Hingi nnito ng paumanhin sa kanya.
            “Naku, okay lang iyon. Noon hindi ko maintindihan pero ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit mas pinili mong umalis. Kumusta na may asawa ka na ba?” sumilay ang gwapong ngiti sa labi nito sa tanong niya sabay iling.
            “Wala pa eh may gusto kasi akong balikan.”
            “Really?” Who?”
            “Ikaw.” Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito kasabay ng malakas na tawa.
            “Joker ka pa rin pala Nico, ikaw talaga. Ang tagal na noon hindi mo naman siguro inaasahan na ikaw pa rin ang nasa heart ko ano? Uso din kaya ang salitang move on.” Pabiro niyang ani dito but that’s true wala na siyang maramdaman na kahit ano dito. Napalitan ng lungkot ang mukha nito.
            “Sayang naman pero hindi pa naman siguro huli ang lahat hindi ba? Manliligaw ako I still have three months bago ako sumampa uli sa barko, liligawan kita ng tatlong buwan at kapag hindi kita mapapasagot ay susuko na ako.”
            “Hala, desido talaga ang lolo mo ah.” Naisip niyang kung determinado ito baka sakaling makalimutan niya ang nararamdaman niya kay Howard. “Okay, I’ll give you a chance but it doesn’t mean ay sasagutin na agad kita ito ang sasabihin ko sa iyo para aware ka, may iba na akong gusto pero may girlfriend na siya. Kapag nakaya mong ibalik ang feelings ko sa iyo tapos ay mawawala ang feelings ko sa new found love ko sasagutin kita.”
            “Iyon lang ba? Sisiw, papalitan ko lang pala iyong taong iyon sa puso mo.” Kinuha niya ang tray sa mga kamay niya. “Sisimulan ko na, ihahatid kita sa pupuntahan mo.”
            “Uy, salamat malaking tulong iyan sa akin. Pero hindi ba may lakad ka para ka kasing nagmamadali kanina.”
            Ngumiti ito sa kanya. “Nalaman ko kasi na dito ka nakatira at may bakeshop kayo bibili sana ako ng tinapay.”
            “Galawang Nicolo ka talaga.” Tumawa ito sa sinabi niya at kahit siya ay ganoon din. Naglalakad na sila papunta sa bakeshop habang nag-uusap, masaya siyang malaman na okay na pala ang takbo ng buhay nito. Sa ilang taon na pagsampa nito sa barko ay may naipundar na itong bahay, sasakyan at business. Huling sampa na pala nito sa barko para tapusin ang kontrata nito three months from now. Napadaan sila sa may basketball court ng biglang dumaing si Nico. Pagtingin niya ay napansin niyang hawak nito ang ulo nito at may gumulong na bola sa may paanan niya.
            Bumukas ang gate ng court at ganoon na lamang ang pagtahip ng kanyang dibdib ng masilayan si Howard, linggo nga pala wala itong pasok at wala na naman itong suot na pang-itaas. Pero hindi na ito single kaya back off na siya.
            “Masakit ba pare? Pasensya ka na napalakas ng bato.” Hindi naman ito sincere sa paghingi ng tawad kaya mas lalo siyang nakaramdam ng inis dito. Kinuha niya ang bola at saka ibinato dito.
            “Pwede ba Howard kung maglalaro kayo ayusin niyo, may court nga eh bakit lalabas ang bola? Hindi naman yata kayo marunong maglaro ng basketball.”
            “Okay lang ako Yumi.” Mabait talaga itong si Nicolo pero siya hindi na siya mabait, beastmode na siya.
            “Tayo na nga sa bahay Nico ang aga-aga may naninira ng araw.” Masungit na pahayag niya, hinawakan niya ang palad ni Nico at hinila iyon palayo sa court sabay irap ng matindi kay Howard.

<3 <3 <3
TBC

PS: Cute photo CTTO

Blogserye: Black Magic 10

10

          TINITITIGAN lang niya ang kaibigan niyang abala sa pag-aayos ng mga bulaklak sa flower garden nito, hinihintay niyang matapos ang ginagawa nito dahil ng dumating siya doon ay busy ito sa kliyente nito kaya naghintay nalang din siya. Masyadong mabusisi ang ginagawa nitong bouquet kaya hinayaan nalang din niya itong makapagtrabaho.
            Nang sa wakas ay tapos na ito ay mabilis siyang umayos ng upo ito naman ay inililigpit ang lahat ng mga kalat nito at bumaling sa kanya.
            “So, anong problema?” segunda agad nito.
            “Grabe siya oh, problema agad? Hindi ba pwedeng namimiss lang kita?” Pamela just raised a brow and flipped her perfectly long straight hair and snort at her.
            “Come on girl hindi mo ako maaalala kung wala kang problema.” Lumabi siya sa sinabi nito at saka niyakap ang kaibigan.
            “Eh naman eh.” Panimula niya at gaya ng inaasahan niya ay nahampas siya nito ng isang stemmed rose mabuti nalang at wala ng tinik kaya hindi siya nagalusan. “Someone kissed me and I think I am falling for him na.” pag-amin niya dito, mahirap para sa kanya na aminin ang bagay na iyon. Malakas ang apog niya sa pagharap sa mga lalaking dumadaan sa buhay niya kaya lang kapag nagkakafeelings na siya ay siya na mismo ang umaatras nakakatakot kasi ang ganoong klaseng pakiramdam.
            Itinulak siya ni Pamela upang tapusin ang ginagawa nito. “Problema ba iyon? As if naman bago iyan sa iyo, pero infairness the last time you told me about falling inlove college pa tayo and now it has been years already. Sapat na siguro ang oras na iyon para mahanap mo ang sarili mo at pwede ka ng mag-open sa iba.”
            Napapadyak siya sa sinabi nito. “Hindi kasi iyon Pamela eh, alam mo iyong hinalikan lang niya ako dahil nainis siya sa akin. And not only that, the first time we met binuhusan niya ako ng kape and he told me over and over again that my pastries sucks hindi naman di ba? Ilang buwan ko na ring pinapakain ang lalaking iyon ng pastries ko pero hindi talaga effective.”
            “Hindi na effective ang black magic?”
            Siya naman ngayon ang umismid, “Black magic is not real, kayo talaga ni Vanessa ang nagpauso niyan kaya parang baliw ang mga customers na gustong bumili sa mga gawa ko.”
            “So, hindi nga effective ang gayuma?”
            “Wala nga sabing gayuma dahil kung meron man matagal na sana siyang inlove sa akin, pero waley eh, palagi niyang sinasabi na my pastries sucks and my nanay is way better than my works. Alam mo ang sakit-sakit lang sa heart eh.” Hinampas pa niya ang kanyang dibdib para i-emphasize dito na masakit talaga sa dibdib ang mga nangyayari sa buhay niya.
            Tinitigan lang siya nito at saka umiling lang sa naging sinabi niya. “Wala eh, wala kang swerte tanggapin mo na lang ang reality of life na hindi ka niya magugustuhan.”
            “Pero bakit hinalikan niya ako?” pasigaw na tanong niya.
            “Sabi mo nga naiinis siya sa iyo.” Mas lalo siyang nainis sa sinabi nito.
            “But still hindi iyon dahilan kung bakit niya ako hinalikan, maybe he have feelings for me too.” Ani niya.
            “Sinabi ba niya? Ayaw nga niya sa mga pastries mo para na rin niyang sinabi na hindi ka talaga niya gusto.”
            Napapukpok siya sa mesa na nasa tabi niya. “Nakakaasar ka naman eh friend mo ako dapat ilift mo ang spirit ko. Ang hirap ng sitwasyon ko ngayon dahil may feelings na ako for him and he kissed me, kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko. Naisip ko nga may hidden feelings siya sa akin kaya inaasar lang niya ako.”
            Nagkibit-balikat lang ito sa sinabi niya. “You and your wild imagination my dear friend.” Tumawa ito sa kanyang sinabi. “If you like him, go for him, if you don’t want to like him gaya ng dating gawi iwasan mo siya hanggang sa makalimutan mo na ang feeling mo sa kanya.” Tumingin uli ito sa kanya. “Or na-fa-fall ka pa lang ba o bagsak ka na?”
            “I like him, iyon lang.”
            Sa kung anong puwersa na meron ang inang kalikasan, napalingon siya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang papasok sa loob ng flower garden ni Pamela. Mabilis siyang nagtago sa ilalim ng mesa ng kaibigan nag-sign lang siya na huwag itong magpahalata na may kasama ito. Kung anu-ano ang ginawa niyang signal dito mabuti nalang at nagets agad nito ang kung anuman ang gusto niyang sabihin.
            “Good afternoon sir, welcome to flower garden how can I help you?” magiliw na bati ni Pamela sa lalaki, napahawak siya sa dibdib niya at  nagdarasal na sana ay hindi nito marinig ang lakas ng tibok ng puso niya.
            “A bouquet of red roses please.” Boses nga iyon ng binata and worst sobrang lakas na ng tibok ng puso niya, hindi na niya mawari kung ano ang naririnig niya. Pero para kanino ang red roses nito?
            “Special?”
            “Yes, please.” Narinig niya ang mga yabag ng mga tao sa paligid niya, pero mas malakas pa rin ang puso niya. She held her breath for a while and exhaling little by little.
            “Para sa girlfriend niyo po ba ito sir?”
            “Yes.” Mabilis na sagot ng binata—mali—may girlfriend na eh, hindi na ito binata kasi taken na. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig niya mula dito. Iyong puso niya parang hindi na gumagana, para siyang tinusok ng patalim sa dibdib niya ng ilang ulit. Ang sakit lang, naramdaman na niya ang ganitong sakit noon. Noong hiwalayan siya ng kanyang second boyfriend dahil may mahal na itong iba… pati rin iyong first boyfriend niyang nakipaghiwalay sa kanya sa mismong graduation niya dahil mas pinili nito ang trabaho nito sa ibang bansa. And now, this is the third time she felt the same pain ang nakakatawa lang hindi dahil pa nga niya ito naging boyfriend.
            May narinig na naman siyang nagbukas ng glass door ng Flower garden. “Howard—oh—wow, is this for me?” boses iyon ng isang babae. Gusto niyang lumabas para alamin kung maganda ba ito at sexy pero hindi siya makagalaw and besides kung lalabas siya baka siya lang din ang mapahiya.
            “Sweetheart let’s go.” Humalukipkip siya sa ilalim ng mesa ni Pamela, sa loob-loob niya sinasabi niya sa sarili niya na okay lang siya… na wala siyang pakialam dahil hindi naman sila friends ni Howard. Ano naman ngayon kung may pagbibigyan ito ng red roses na ibig sabihin ay love, ano naman ngayon kung sweetheart ang tawag nito sa babaeng pagbibigyan nito? Ano naman ngayon kung may girlfriend na siya, siguro sapat na iyong dahilan para tumigil na siya hindi ba.
            She opened her eyes and was greeted by Pamela’s concerned face, she just smiled at her bestfriend.
            “Na-fa-fall ka pa lang ba?” tanong nito sa kanya, umiling siya sa tanong nito dahil alam niyang iyon ang tamang sagot. “You love him already.” Hinila siya nito palabas sa mesa nito pero hindi siya gumalaw, nanatili lang siya doon kahit anong pilit nito. “Hayan ka na naman eh, heartbreak lang iyan Yumi what’s new sanay ka na diyan. At least this time hindi mo naging boyfriend, ano naman ngayon kung hinalikan ka niya uso na iyan ngayon makakamove on ka rin.”

            Suminghot lang siya at humikbi sa harap nito, dinama niya ang puso niya baka kasi wala na iyon doon… baka kailangan niyang buuin iyon. Pumipintig pa naman kaso, parang sugat-sugat na. Sino ba kasi ang nag-utos sa kanya na makaramdam ng ganito? Sino ba ang sisisihin niya kundi ang sarili niya... what should she do? Distance is must.


<3 <3 <3
TBC

PS: Photo  CTTO

Saturday, February 27, 2016

Blogserye: Black Magic 9


9
          “KAKAININ ka na ba ng lupa bakit ang tahimik mo?”
            “Ikaw ang nasaniban ng mabait na ispiritu bakit ang daldal mo?” balik na tanong niya kay Howard ng naglakad na sila pabalik sa kani-kanilang mga tahanan. Sa pagkakaalam niya ay pareho lang sila ng daraanan mas mauuna nga lang itong makarating dahil mas malapit ang block nito doon habang siya ay sa medyo malayo pa.
            “Madaldal talaga ako.”
            Nagkibit-balikat lang siya. “Sabagay, professor ka nga hindi ba?”
            “Meron ka ba ngayon bakit ang sungit mo.”
            Kumibot lang ang bibig niya. “Wala akong dalaw ngayon.” Inis na sagot niya dito.
            “Kung wala kang dalaw ngayon pwede kitang dalawin para hindi ka naman masyadong kawawa.” Sinulyapan lang niya ito, kung hindi lang siguro niya ito masyadong kilala baka isipin niya pumipick-up line na ito sa kanya pero hindi nga siya nito gusto hindi ba? Hindi siya naiinis dito mas naiinis siya sa sarili niya dahil sa nararamdaman niya dito, ang bottomline ay nakakainis ito dahil pinaparamdam nito sa kanya ang mga damdaming dapat ay hindi maramdaman dito. Why so cruel Howard Enriquez? “Nasaan ang sense of humor mo Precious Mayumi?”
            Pinameywangan niya ito at huminto siya sa harap nito like a boss. “Kargahin mo nga ako Howard.” Kung saang bahagi ng mundo siya humugot ng lakas ng loob hindi niya alam dahil kung nagulat ito sa utos niya mas lalo naman siya. Naghihintay na nga siyang pagtawanan nito pero hindi niya iyon narinig sa labi ng lalaki sa halip ay bumuntong-hininga lang ito at napailing sabay yuko.
            “Come on, dali na.” turo nito sa likod nito, pasasampahin siya nito sa likod nito.
            “Really?” manghang tanong niya.
            “Yes, faster.” hindi siya gumalaw dahil nagulat pa rin siya sa mabilis na  pagpayag nito. “Yumi gusto mo bang kargahin pa kita na parang sako ng bigas? Kung tinatamad ka palang maglakad sana sinabi mo sa akin I should have borrowed a bike then. Mahirap ka palang tamarin nagiging suplada.”
            Malakas na hinampas lang niya ito sa balikat nito, gusto niyang maiyak sa ginawi nito. Gusto nga niyang mainis ito sa kanya para hindi na siya magpapakabait dito pero ito naman ang gumagawa ng paraan para malusaw ang inis niya at tuluyan na talaga itong magustuhan. Pambihira talaga! Mabilis siyang sumampa sa likod nito she even heard him groaned in pain when she intentionally kick him at the back.
            “Oopps, aksidente lang.” inilibot niya ang kanyang braso sa leeg nito.
            “Nananadya ka na Yumi.”
            “Aksidente nga iyon eh.” Depensa niya sa kanyang sarili.
            “Pasalamat ka talaga at ifjeiwndsd dahil kung hindi itatapon kita sa tiyan ng  nanay mo.” Tumayo na ito habang bitbit siya. He secured her legs around his body and start walking.
            “Pakiulit may hindi ako narinig eh.”
            “No thanks.”
            “Sungit mo talaga.” Hindi ito umimik kaya tumahimik nalang siya pero nakaisip pa rin ng kapilyahan kaya inilapit niya ang labi sa may teynga nito. “Masakit ba?—ay kabayow naman.” Hiyaw niya ng muntik na siya nitong mabitawan mabuti nalang at nakakapit agad siya.
            “Yumi!” sigaw nito sa pangalan niya ng makabawi. “Don’t do that.”
            “Ang alin?” inosenting tanong niya.
            “That! Huwag mong ilapit ang labi mo sa teynga ko.” Pinasadahan niya ang may bandang ibaba ng teynga nito ng kanyang hinlalaki and she felt him shaking. Naging malaki ang ngisi niya sa naging reaksyon nito. “Yumi!”
            “Chill Howard, chill lang. May kiliti ka pala diyan.” Tumatawang tukso niya dito. Inilingkis niyang mabuti ang braso niya sa may leeg nito pagkatapos ay inilapit ang bibig niya saka kinagat ang teynga nito. Hindi naman malakas pero tuluyan na siya nitong nabitawan at tatawa na sana siya pero hindi niya nagawa dahil sa sunod na ginawa nito…
            Doon lang niya napatunayan na dapat ay hindi niya biruin ng ganoon si Howard dahil nagiging monster ito. Kasalukuyan kasi nitong inaangkin ang labi niya, okay lang sana kung nasa tagong bahagi sila ng kalye eh nasa gitna pa sila ng daan at rinig na rinig niya ang busina ng mga sasakyan at ang mga pito ng mga dumadaang mga tao. Pinilit niyang itulak ito pero humigpit lang ang paghawak nito sa likod ng kanyang ulo at kinakagat na nito ang labi niya sa panggigigil kaya hindi kataka-takang may malasahan siyang malansang bagay sa labi niya. He bit her lips and it bleeds… pero masarap itong humalik ah.
            “Ate isang choco-KISSes tart nga.” Napa-igtad siya ng marinig ang sinabi ni Makisig, bigla kasi niyang naalala ang nangyaring halikan nila ni Howard kahapon. Napahawak siya sa labi niyang may sugat dahil sa panggigigil nito sa kanya. “Ate ang orders ko.” Kunot-noong untag ni Makisig sa  pagdedaydream niya. Agad naman niya itong binigyan ng hinihingi nito.
            “Anak, saan nga iyong mga French KISS  pastries na idedeliver ko sa Ocean hotel?” tanong ng tatay niya. Hayon na naman ang salitang iyon!
            “Yumi, iniwan ko ang mga chocolate kisses sa labas ng ref iyon muna ang gamitin mo okay?” narinig niyang sigaw ng nanay niya kaya hindi na niya napigilan ang sarili niya at napatili siya ng malakas, she closed her eyes and remembered the kiss they shared. Nagtatakang tiningnan naman siya ng kanyang mga magulang.
            “Anong problema mo ate?”
            “Huh?” she fought herself not to blush. “Pagod lang siguro ako hindi ko na madigest ang lahat ng utos niyo.”
            “Magpahinga ka muna Yumi kami nalang ng nanay mo ang bahala dito.” Agad siyang umiling sa sinabi ng ama, she is at work hindi niya pwedeng dalhin ang mga problema niya sa trabaho. Kaya lang ng pagtingin niya sa labas ay agad niyang namataan si Howard na papasok ng bakeshop, may kasama itong kaibigan nito na nakabasketball jersey din.
            “Sige Tatay, iidlip muna ako ng sandali. Thank you!” hindi na niya hinintay ang sasabihin ng mga ito dahil nagtago agad siya. Bahala na si batman, huwag muna ngayong magkita ang landas nila, baka hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Magpapractice muna siya ng kanyang lines.


<3 <3 <3
TBC

PS: Photo CTTO

Thursday, February 25, 2016

Blogserye: Black Magic 8


8
          PARANG déjà vu lang ang lahat, nakaupo na naman siya sa parehong table ng coffee shop na iyon. Dapat ay umalis agad siya pagkadeliver niya sa mga cakes and pastries na inorder ng mga ito kaya lang natempt na naman siyang magpahinga. And just like before nag-iisa na naman siya at nakamasid sa mga tao sa kanyang paligid. And smile silently when she remembered what happened to her when she was here a long time ago. Dito siya unang naligo sa kape mabuti nalang at hindi na iyon masyadong mainit. Dito din niya unang nakita si Howard and now even if he hates her she still likes him dahil kung hindi dahil dito hindi siya mas gagaling sa larangan niya. His hatred towards her pastries pushed her to her limit to do her best. Sana nga lang ay hindi na siya muling maligo sa kape ngayon.
            “Alone?”
            Napasinghap siya sa gulat ng marinig ang pamilyar na boses na iyon, her eyes widened when she eyed a cup of coffee on his hands. Inilapag nito ang tasa ng kape sa mesa kaya mas naging alert siya kapag siya nabuhusan ng mainit na kape magwawala na talaga siya, umuusok pa naman iyon.
            Umupo ito na para bang magkasama lang sila. “Sasamahan na kita kawawa ka naman mukha kang tanga dito.” Ngumisi lang ito sa kanya making her breathe hitched.
            “K-kapag ako binuhusan mo ng mainit na kape ulit hindi na talaga kita mapapatawad.” Medyo gumaralgal ang boses niya dahil hindi niya napigilan ang pagbuhos ng takot sa kanyang dibdib habang nakatingin sa kapeng hawak nito. Nawala ang ngisi sa mukha nito at napatingin sa kapeng hawak nito na umuusok pa. Tumikhim lang ito at saka tinawag ang parating na waiter at ibinigay sa waiter ang kape nito.
            “Hindi na kita mabubuhusan ng kape.” Nakahinga naman siya ng maluwang sa sinabi nito, kung alam lang nito kung gaano kagaan sa pakiramdam ang ginawa nito. Iniusog lang niya ang kanyang mocha frappe na hindi pa niya nababawasan.
            “Iyan nalang ang inumin mo hindi ko pa nagagalaw iyan pati ang straw hindi ko pa nagagamit.” Ani nalang niya. Tumayo ito dala ang straw na ibinigay niya pero bumalik din agad na may hawak ng dalawang straw. May dalawang straw sa mocha frappe nila kung kanina lang ay narendahan pa niya ang puso niya ngayon ay parang tatalon na iyon sa kinalalagyan nito at nagtago sa kanyang bituka. If this is what butterfly in the stomach means for goodness sake… nakakatakot ang ganito.
            “Let’s share.” Oh.my.gulay. Hindi nga siya nagkamali sa kanyang unang naisip, they are going to share the same drinks. This is a dream come true kahit na sa previous relationship niya ay hindi siya nagpapashare ng gamit lalo na sa pagkain at mas lalo na sa drinks pero kay Howard… nababaliw na ang buong utak niya pati na rin ang puso niya. Masama na yata talaga ang tama niya sa binata, how could it be? “Huwag kang maarte.”
            Hindi naman siya maarte, kinakabahan lang. “Hindi ako maarte.” Ang tanging nasagot lang niya.
            “Don’t tell me-.” He cut his own words and look at her intently making her think that he might have read her thoughts. Baka sa isip nito ay iba na ang tumatakbo. “Na-a-awkward ka sa pagseshare ng drinks?” a sly smile appear on his lips. “Isa lang ang ibig sabihin ng na-aawkward Yumi, you like me.” Diretsang sabi nito, pambihira nabasa nga nito ang kung ano ang nasa isip niya. No!
            “You are too full of yourself mister.” Napainom tuloy siya ng mocha frappe ng wala sa oras, she doesn’t want to prove a point to him talaga lang biglang nanuyo ang kanyang lalamunan sa sinabi nito. Defensive ba siyang masyado.
            “What not to like me Yumi?” talaga ang lalaking ito sobrang yabang.
            “Kahit gaano ka kagwapo if you don’t like my cakes and cookies, how can I like you? How can I like someone who doesn’t even appreciate my works, I put my heart and my soul plus my time baking those things and yet you don’t like it.” She played with her straw and smile at Howard who seems to be taken a back by her words. “Don’t worry kahit magkagusto ako sa iyo in the near future hindi kita kukulitin dahil alam ko naman hindi mo rin ako magugustuhan.”
            She likes him for Godsake but she needs to accept the reality na kung hindi nito nagugustuhan ang bagay na gusto niya malamang ay hindi rin siya nito magugustuhan. How  can you like a whole person when you don’t like a part of it?
            “Sir, nandito na po ang orders niyong black-bottomed Nutella swirl mini cheesecakes.” Nawala ang pagsesenti niya ng marinig niya ang waiter na naglapag ng apat na mini cheesecakes sa harap nila na order daw nito.
            “Thanks.” He dismissed the waiter and look at his order. Napakurap siya, hindi ba nito alam na siya ang gumawa ng dessert na iyon? Baka malason ito… he is about to eat it when she stopped him but she was too late dahil nilamon nalang nito ang buong cheesecake. Napaawang nalang ang labi niya ng mabilis nitong naubos ang gawa niya at base sa mukha nito parang sarap na sarap pa ito.
            “Gusto mo ng cheesecake?” takang tanong nito sa kanya.
            “N-no.” sasabihin ba niyan siya ang gumawa ng kinakain nito? “M-masarap ba?”
            Tumango lang ito. ‘Yeah, it taste good. Hindi naman ikaw ang gumawa nito hindi ba?” agad siyang umiling, sinabi nitong masarap ang gawa niya therefore she concluded na hindi talaga ang mga pastries niya ang pangit sa panlasa nito kundi siya mismo na gumawa niyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya kung matutuwa ba siya dahil masarap pala ang gawa niya at nagustuhan talaga nito o iyong katotohanan na ayaw talaga nito sa kanya kaya hindi nito magawang i-appreciate ang gawa niya.
            She shouldn’t feel this kind of pain, it’s abnormal. Bakit siya masasaktan sa katotohanang iyon… dahil nga reality sucks too it really hurts big time.
            “Hindi ako gumawa niyan but at least you like it.” Kiming ngumiti lang siya dito. 


<3 <3 <3
TBC


PS: Photo CTTO

Tuesday, February 23, 2016

Blogserye: Black Magic 7


7

          “Sige na ate Yumi ikaw na ang gumawa ng cake ni kuya alam kong magiging perfect ang kanyang nalalapit na birthday.” Kanina pa nangungulit sa kanya ang kaklase ni Makisig na si Hannah, palagi itong umoorder sa kanya ng mga cakes and pastries. At heto nangungulit na naman itong igawa niya ng cake ang kapatid nito.
            “Is that a surprise?”
            “Of course not, kapag sinurprise ko iyon sigurado akong ipapakain niya ako sa pating.”
            “Dapat siya ang mag-order sa akin at hindi ikaw.” Pinisil niya ang tungki ng ulong ng batang babae. Dahil dalawa lang naman sila ni Makisig na magkapatid kaya natutuwa siya kay Hannah. Palagi itong kasama ni Makisig, they are part of a barkada. Akala nga niya ay may something sa dalawa pero wala siyang nafeel na sparks sa dalawa kaya ipinagkibit-balikat nalang din niya. And besides kilala niya ang nagugustuhan ng kapatid niya at kilala din niya ang nagugustuhan ng dalagitang kaharap dahil na rin sa mga orders nito na may pangalan ng lalaking gusto nito.
            “Eh mahiyain si kuya ko sure akong lulubog uli ang atlantis kapag iyon pumunta dito.” nacurious na talaga siya sa kapatid nito palagi nalang nitong binabanggit ang lalaking iyon pero hindi pa niya ito kailanman nakikita.
            “Is your brother gay?”
            “Hindi ah!” malakas itong napapukpok sa counter. “My brother is not a pig, hindi siya bakla.” At ginaya pa nito si Nora Aunor. “Kidding ate hindi nga gay si kuya ang dami na kaya niyang naging girlfriends before pero kinakantahan ko nalang sila ng to all the love he loves before. Kaya sure akong hindi gay ang kapatid ko.”
            Kumunot lang ang noo niya. “Sorry naman akala ko kasi gay, paano ba naman kasi kung idescribe mo siya sa akin ganito… mahilig siya sa sweets at sa  kung anu-anong pastries, karamihan sa  mga lalaki ayaw ng matatamis dahil sa calories. At nahihiyang magpakita, bakit naman siya mahihiya? Maganda ka naman kaya sigurado akong gwapo din ang kuya mo.”
            “Super.” Super strong na sagot ng dalagita. “As in super gwapo ni brother dear kuya and he is not gay. Fair naman na magkagusto si kuya sa mga gawa mo kasi masasarap naman at tapos malay mo naman na ang gusto talaga ni kuya ay iyong may gawa hindi iyong ginawa.” Kung pwede lang sigurong matanggal ang kilay niya ay baka nasa tuktok na ng mt. Everest sa mga oras na iyon.
            “Alam mo Han, iyang kuya mo torpe ano? Twenty seven years old na ako at kung like niya ako baka time na rin na magparamdam siya malay mo naman bagay pala kami and then we have same feelings din. Hindi na ako bumabata kapag naunahan siya ay huwag kamo siyang magsisisi ang ganda ko pa naman.” Biro niya sa dalagita pero may halong katotohanan iyon. Baka kasi kapatid na nito ang ka-forever niya tapos totorpe torpe, kailan pa ito magkakalakas ng loob kapag tagtuyot na at kahit na anong dilig ay hindi na mamumukadkad?  Gusto din niyang mamukadkad ‘no.
            “Naghihintay lang ng tamang panahon, in due time.”
            “Baka naman dyutay nalang ang oras ko kapag dumating ang due time na iyan. Sabihin mo sa kanya bilisan niya dahil malapit na akong mangulubot dito baka hindi na niya matikman ang kagandahan at kakinisan ng kutis ko.” Tumawa lang ito sa sinabi niya.
            “Pambihira ka talaga ate kahit kailan ka talaga pinapatawa mo ako--.” Sabay silang napatingin sa bumukas na pinto at agad na bumakas ang magandang ngiti sa kanyang mga labi ng makilala ang bisita niya. Napapansin niyang halos araw-araw ay bumibisita na ito sa bakeshop nila and he never fails to make her day extra special.
            “Ay may gwapo.” Malakas na bulalas ni Hannah ng makita ang bagong customer nila. “Anong atin kuyang gwapo? Iyong paninda o ang tindera?” kumunot ang noo niya ang kalma-kalma kaisng kausapin ni Hannah si Howard, well sabagay masyadong ma-PR din ang batang ito. Hindi ito pinansin ng lalaki kaya napasimangot nalang ang pobreng dalagita at bumaling sa kanya.
            “Naku ate yumi, pa-order na nga lang ng bagong gawa mong no-bake chocolate milk bar.” Narinig niya ang order ni Hannah pero ang mga mata niya ay nakatingin kay Howard na abala sa  pagpili ng cakes na nakahilera. Kumuha siya ng order ng dalagita pero nakasulyap pa rin sa binata. Nakatitig lang ito sa mga desserts na nandoon.
            “Alin dito ang hindi mo gawa?” tanong nito sa kanya sabay turo sa mga display pastries. Somehow natanggap na rin niya na talagang wala itong gusto sa mga pastries niya pero pinipilit pa rin niya itong pakainin.
            “Sa upper portion lang ng display ang gawa ko the rest kay nanay na.” sagot na lamang niya.
            “Ay ate Yumi, ang sarap talaga nitong choco mint mo. Mas masarap pala kapag no-bake kasi hindi nakakaumay iyong tamis sayang at uubusin ko na ito.” Malakas na wika ni Hannah.
            “Akala ko ba dadalhan mo ang kuya mo niyan?” ngumisi lang si Hannah.
            “Hindi na kailangan baka lalong mainlove sa iyo iyon eh mahirap na at iba pa namang gumalaw ang kapatid kong iyon pagdating sa babaeng type niya. Baka hindi na talaga makagalaw-.” Nahinto lamang ito sa pagsasalita ng halos ipukpok na ni Howard ang tray na may lamang tinapay sa ibabaw ng counter.
            “Punch it.” Utos nito sa kanya.
            “Naku Howard, relax-relax din kapag may time masyado kang high blood.” Nailing na komento niya, dahil ang mata niya ay nasa counter na kaya ng kunin niya ang mga ipupunch niya ay iba ang nahawakan niya. “Ay, sorry.” Kamay pala nito ang nahawakan niya and she hates to admit it but the moment she touched his hands ay may iba siyang naramdaman. “Bakit ang lamig ng kamay mo?” tanong nalang niya trying to divert her attention to anything but the tingling sensation she felt awhile ago.
            “Sobrang lamig dito sa bakeshop niyo.”
            “Hindi kaya gwapong kuya.” React agad ni Hannah, “Mainit nga eh I can feel the heat.” Hindi naman ito pinansin ng lalaki pero tila ba okay lang iyon sa dalagita at busy sa pagkain ng choco mint nito.
            “Four hundred two pesos lang po.” Untag niya. Binigyan naman siya ni Howard ng buong isang libong papel at pagbukas niya ng counter ay napakamot siya dahil wala pala siyang barya puro buong papel din. “Wait lang kukuha ako ng barya.” Nag-excuse siya sa dalawa at pumasok sa office nila para kumuha ng baryang panukli dito. Kaso pagbalik  niya ay wala na ang lalaki. “Saan na si Howard?”
            “Masakit yata ang tiyan ate Yumi kaya ayon umalis na, keep the change nalang daw.” Nakaramdam siya ng panghihinayang dahil hindi niya naibigay ang no-bake chocolate mint na ginawa niya para ipatikim dito.
            “Sayang naman.” Naibulalas nalang niya.
            “Ay ate, pa-order nalang ng no-bake choco mint, nakakaawa kasi si kuya alam kong malulungkot iyon dahil hindi niya matitikman ang gawa mo.” Napatingin siya sa dalawang piraso na nasa counter.
            “Pero-.”
            “Sige na ate please.” She sigh, how can she resist this girl?
            “Fine, sa iyo na ito pero huwag mo ng bayaran iyong sukli nalang ni Howard ang kunan natin ng pambayad.” Kumindat lang siya dito habang binabalot ang order nito. Sayang talaga at hindi nito nakain, next time gagawa siya at ipapakain na niya talaga sa lalaking iyon.

<3 <3 <3
TBC


NOTE: I don't own the pictures, credits to the real owner.



About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang