Friday, January 15, 2016

Royale Series (Ang Simula)

Ano nga ba ang Royale Series?


Ito ay isang nakakatawang kwento ng mga indibidwal na akala mo ay walang koneksyon pero meron pala, noong isinulat ko ang series na ito hindi ko talaga naisip na magiging series siya. Mas trip ko kasing sumulat ng one shots lang kagaya ng hot bachelors sa wattpad, pero sa totoo lang may naisusulat na rin ako sa mga notebooks nga lang na soon ilalagay ko rin dito sa virtual world. Ganyan ako kaadik magsulat pero iyong sinusulat ko noon may limitations walang rated espeegee kasi mga classmates ko lang and friends ang nagbabasa at ayokong mag-iba ang tingin nila sa akin dahil sa wild ang aking imagination (insert spongebob's imagination here). Masaya na ako kapag nakakapagsulat ako at nababasa nila at napupuri pero noong makagraduate na ako ng college I stop writing.

Dahil mas nagfocus ako sa tunay na karera ng buhay, naghanap ng trabaho dahil medyo nakakahiya naman kasi kung aasa ka lang sa mga magulang mo hindi ba? Pero talagang calling ko na ang pagsusulat dahil hindi ako makontento sa pagbabasa lang, lahat ng binabasa ko kulang kahit gaano pa siya kakompleto may kulang pa rin and then I start writing again maybe to fill in the gaps, iyong kulang. And right after I wrote the bachelor series ay sinulat ko ang kwento ni Claude and Belle.

May tatlong version ang kwentong iyan ng 'I hate that I love you'. Iyong unang sulat ko hindi ko gusto ang flow ng story, iyong second naman hindi ko type ang introduction and then third one ay pangit ang ending walang espegee... kaya nagsulat uli ako, pinagjoin forces ko na ang tatlong nasulat ko and there I created my first long love story consist of ten chapters sa wattpad. Hindi ko nga expected na may nagbabasa nga ng gawa ko dahil after noon ay hindi na uli ako nagsulat pa, nakakareceived pa rin ako ng notification sa email ng mga comments ng bachelor series at sa Hate that I love You, kaya ayon nainspire na akong sumulat ng sunod-sunod hanggang sa magresign AKA AWOL ako sa dating trabaho ko at naging kung anuman ako ngayon.

Ang Pangalan ng Serye

Noong una ay walang pangalan ang seryeng iyan, nakafocus lang siya sa mga taong paikot-ikot at konektado ang buhay and then one one of my constant reader and critic OrangeZinnia once mentioned na Royale Series daw ang kwento dahil sa naka-focus sa Royale Restaurant ang kwento ng mga characters, para ba siyang tagpuan o meeting place ng halos lahat ng character kaya napagdesisyunan kong Royale nalang. Royal dapat pero para maiba kaya ginawa ko siyang 'Royale' with an 'e' kaya nga ang laki ng utang na loob ko sa kanya. Yay! Mabuhay!


1 (mga) komento:

  1. Naaadik talaga ako sa'yo, Inang! I mean sa stories mo! Hahaha. Now I know... kung paano sila nabuo.

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang