Tuesday, January 19, 2016

Racing With Cupid on wattpad




I am just waiting for the right time to repost Racing with Cupid back sa wattpad. I don't know okay lang naman na hindi na ipost ang story kasi napublished na siya but I want it back. Hinintay ko lang talagang matapos ang contract ko with LIB publishing para in case may main concern pa rin. Nangyari na ang dream ko at okay na sa akin iyon hindi na kailangan ng marami pa. I was asked by my readers kung may napublished na ba ako alam niyo ba ang sinasagot ko lalo na sa personal message sa watty? Palagi kong sinasabi na wala kahit na merong Racing With Cupid.

Bakit nga ba iyon napublished? Sa totoo niyan hindi ko rin alam kung bakit iyon napublished dahil sa tingin ko naman hindi talaga iyon alam niyo na pwedeng isabay sa mga napapublish nila. Ganito kasi iyon, sinulat ko ang Racing with cupid noong nasa busog na busog ang puso ko sa sulat ni Sonia Francesca alam kong kilala niyo siya, third year high school pa lang ako noong nabasa ko ang mga gawa niya before that kay Martha Cecilia ako adik na adik lalo na iyong Kristine Series niya it is really one of the best. Tago ko lang na binabasa ang mga gawa ni Ms. C kasi nga medyo espeegee siya and I was hello high school back then. Akala ko ay wala ng makakapantay sa kanya sa puso ko and then accidentally nasali sa binili kong coloring book para sa kapatid ko na nasa elementary pa ng mga panahon na iyon at dahil na-swipe na siya kaya hindi ko na siya kailangan pang bawiin pa kasi nakakahiya and then since I am into pocketbook kaya binasa ko siya and wow, I was amazed dahil ang galing niya.

Masasabi ko na super galing talaga ni Ms. Sonia ang kwento kasi niya alam mo iyong hindi masyadong deep pero nakakatuwa talaga siya, it shows women empowerment and I can sense her intelligence kaya naging stalker niya ako. I want to be like her, I want to write stories na magaan lang sa puso pero ramdam na ramdam mo pa rin siya. IYong tipong ang sarap sa feeling habang nagbabasa ka kasi ang witty ng mga characters lalo na iyong mga babae doon, palaban at kung anu-ano pa. Sa kanya ko napatunayan na hindi mo kailangang sumulat ng kwentong may espegee para lang magustuhan ng mga mambabasa kasi nga purong love story lang siya with lessons.

And since I am a frustrated writer kaya nagsimula na rin akong sumulat with her style, iyong grupo-grupo lang, iyong masaya lang at hindi kailangan na may churvaness. Sa notebook lang ako nagsusulat dati, before her existence to my life nagsusulat na ako pero hindi katulad ng style niya. I start to write pero side pa rin iyong stories na nakasulat sa bondpaper iyong tipong pang-anime ang style ng stories. May sinulat akong ganoon eh noong high school ako alam niyo ba kung saan na iyon? Hindi ko rin alam kasi nga kung sinu-sino na ang bumasa at kung kani-kaninong kamay nakarating ang sulat kong iyon and right now hanggang sa ala-ala ko nalang siya.

And then I reached college and there, I start to write Praia's story, hanggang simula lang ako eh after that ay hindi ko na tinatapos hanggang sa dumating ang point na natapos ko na talaga siyang isulat. Wala pa ngang title ang story eh naka-save lang siya sa PC ko at sa memory card ng cellphone ko dati. Hanggang sa matapos ako ng college at nagdesisyon na kumuha ng Doctors of Veterinary Medicine sa VSU sa Leyte. Yup, nagpunta ako doon ng mag-isa and experience how to be independent and I am quite happy with my achievements. Doon ko pinabasa ang mga gawa ko sa mga ka-roommates ko and somehow felt happy because of the positive feedback. IYong kwentong nabasa niyo hindi pa talaga ganoon ang line up ng story just pure fun lang siguro iyon at hindi ko pa kilala ang wattpad ng mga panahon na iyon.

Kailan ba iyon? 2011 pa yata iyon noong makagraduate ako ng college and I was nineteen young old back then at nagpunta sa lugar na nasa pagitan ng bundok at karagatan, dahil sa maganda din ang lugar kaya nakapagsulat ako ng iba pang stories and yes may story din dapat ang boss ni Praia doon na si Jayerre with a police officer pero hindi ko na itinuloy at nawala na siya sa isip ko, nawala kasi ang notebook na pinagsulatan ko ng kwento. ANd then time came when I decided to venture my first career and quit my second course and became a call center agent. Okay naman siya pero katulad nga ng sabi nila kapag hindi mo ka-line ang work mo you will never feel the satisfaction at palaging may kulang. And then wattpad came into my life bilang isang reader, I created my first watty just to read lang and then start transferring my Racing With Cupid doon together with my other innocent and decent love stories may mga pangteenager pa nga. Nakilala ko ang wattpad dahil sa isang co-worker her name is Vienna.

Alam niyo iyong sobrang adik mo na sa pagbabasa kaya nagpapanggap ka nalang na may sakit para makapag-absent at hindi na bumangon? Nagawa ko na iyan, addict ako sa mga werewolf stories. Una kong binasa ang mga one shots na may pambatang theme hanggang sa maging mature na and then writing innocent like stories seems so boring na. And since ayoko munang magsulat ng mahahaba so I decided to created the iamyourlovelywriter account to post something that I didn't expect na maisusulat ko. It was beyond my expectation as in super unexpected talaga. At iniwan ko rin naman iyon agad-agad dahil nga sa ayokong makabasa ng feedback first time kong magsulat ng story na may espeegee kay Cash at Ally pa. Bumalik ako sa myshedengirl account ko and continue what I started but things got boring.

Doon nagsimula ang booklat which is counterpart yata ng wattpad sa Philippines nagkataon naman na hindi ko maaccess si watty at that time so I transferred my Racing with Cupid there. Paramihan ng reads ang peg doon pero unlike sa watty na umaabot sa millions pinakamarami na yata iyong three thousand reads noong mga panahon na nagstastart sila dahil aminin naman natin super loading and buffering ang site dahil nga sa kasisimula pa lang at mas gamay ko na rin ang wattpad.

Iniwan ko ang story nina Praia and Clev doon until when I came back ay marami ng reads, masaya na iyon 1k na reads sa booklat at sobrang daming published wattpad books na rin. And then I received an email telling me na ipapublish ang Racing with Cupid. Alam niyo iyong hindi ako naniwala pero pinagtripan ko ring sagutin ang nagsend sa akin ng email hindi ko siya kilala eh. MAlay ko bang tunay at walang stir ang email na iyon hanggang sa nakareceived na ako ng mga kung anu-anong mga papeles kaya naisip ko baka tunay ito kaya nagprint screen ako at ipinost ko sa fb atleast anuman ang mangyari may back up ako.

And there, I received the cheque payment ipina-encash ko tapos binili ko ng pagkain at kinain namin ng family ko at sa mga co-teachers ko. Waley ba? Hahahaha, iyon eh mas peg ko ang pagkain. And then lumabas na racing with cupid, medyo nakakahiya siya eh kasi alam mo iiyong nagsisimula ka ng magsulat ng medyo may espegee na kwento at babasahin mo iyong una mong naisulat na super innocent feeling mo mas nakakahiya iyon kasi parang hindi na ako kung magsulat.

And then I start to incorporate how Sonia writes her stories and added a bit of Martha C, hanggang kalaunan ay nakalimutan ko na kung paano sila nagsulat, nakalimutan ko na iyong way of writing ni Mss SF habang tumatagal, nakalimutan ko na kung paano magsulat si Martha C habang tumatagal para bang nagkaroon ng bagong identity iyon ako na nagsusulat. INaamin ko naman na maraming grammar errors, naging call center agent ako pero hindi naman perfect ang grammar ko noong mga panahong iyon eh, mas gamay ko ang magsulat ng purong Filipino keysa sa English lang talaga. At mas tumatama ang grammar ko kapag nagsasalita na ako keysa sa nagsusulat nako-conscious kasi ako kapag nagsusulat ng ganoon. Hindi din ako nag-eedit at mas lalong bihira lang ako nagbabackread, may tendency kasi na kapag nagbaback read ako ay naiiba ang takbo nbg utak ko at binabago ko ang lahat kaya post nalang ako agad saka nalang ako mag-eedit kapag may nagcomment na wrong spelling hahaha, ppero hindi ko na rin pinapakialaman naiisip ko naman matatalino ang mga readers ko kaya alam na nila ang ibig sabihin ng ibig kong ipahiwatig.

So, ayun nga naging book na ang racing with cupid at para na akong nanalo sa lotto. Iyong feeling na may nahawakan ka ng pangarap mo ang sarap ng feeling ng ganoon kahit alam mong hindi mo pa talaga deserve na magkaganoon. Hanggang sa dumami ang readers ko they were asking kung saan mabibili ang RWC hindi ko rin alam eh basta ko nalang siyang nakikita na pakalat-kalat. Kaya naisip ko ibalik nalang siya pero naghihintay pa lang ako ng time may takot pa rin naman ako sa batas mahirap kayang kalaban iyan kaya naghintay akong mag-expire ang kontrata ko sa kanila. After RWC hindi na ako nagpass ng manuscript hindi ko pa feel eh, parang ayoko muna.

May kulang pa ako, hindi pa ako buo ika nga nila iyong feeling na may mailalabas ka pa at hindi ko pa nailalabas iyon? Hanggang ngayon feel ko pa rin iyon, I want to be an effective and efficient writer and author. At saka hindi naman basehan sa dami ng nailathala mong akda ang pagiging isang magaling na manunulat, hindi ako nagsusulat dahil gusto ng mga readers ko nagsusulat ako dahil gusto kong may mapatunayan sa sarili ko reads or without reads I want to improve at hindi mangyayari iyon kung wala akong gagawin. Paao ka mag-iimprove kung hanggang salita ka lang kailangan din ng gawa and right now I am on the process of improving myself ang my skills.

Huwag hayaan ang isang tagumpay ang magsabi na nasa pinakaitaas ka na dahil baka hindi mo namamalayan paglingon mo may mas mataas pa palang bundok na kaya mong akyatin. DOn't stop with one success, let your success succeed all your previous successes.

Sa madaling sabi ibabalik ko na ulit sa wattpad ang racing with cupid kaya sa hindi pa nakakabasa ay pwede na niyong mabasa at sa mga may book na, thank you sa pagtangkilik and happy reading.


PS: Para itong isang mahabang authors note.



0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang