Sunday, January 17, 2016

Personal Favorites Stories I wrote

As a writer masasabi ko may mga personal favorite tayo sa mga sinusulat natin and yes, may sarili din akong mga paborito. Magsimula tayo sa Royale Series...


Landon and Amber's story is one of my early favorite, I don't know why pero may panghatak talaga sa akin ang story na may bata and Jair there was so adorable muntik ko na siyang kidnappin kaso naalala ko hindi pala siya nag-eexist sa tunay na buhay kaya ayon nanatiling plano ang aking plano.


Next ay sina Summer at ang taong bato, I like the characters. Isang bubbly na girl at isang taong bato, iyong tipong hinahabol ng babae si girl and she was taken for granted. I like the half part of the story and some scenes sa last part, siguro sa gitnan bahagi may hindi ako na-emphasize kaya medyo hindi ako contented. Kapag nagkatime ako at nagsimula ng mag-edit I might add some scenes and delete some as well, gusto ko hanggang sa huli strong ang personality ni Summer eh. But I still like the flow of the story lalo na sa proposal and I may say iyon na yata ang pinakatrip kong proposal ng mga boys ko, ang unique kasi eh. I so love Rechie behbhe.




And this one, I do love this story. Sa kwentong ito nagsimula akong maglaro ng mga characters sa story, in short ginamit ko na sa wakas ang utak ko. An experiment story gusto ko kasi unique, gusto ko unexpected na expected at nagustuhan ko rin ang reactions ng mga readers. They are guessing here and there, it's like playing with everything. A story with a mind twisting game.



I love Bree and Yxell here, ang cute kasi nilang dalawa. Light lang kwento kaya mas type ko.


Grabe din ang ininvest kong emotion sa dalawang ito and then I started adding a love triangle na akala mo ay seryoso pero hindi pa rin pala. I am going to work on it na in the future, iyong paglalagay ng love triangle na seryoso hindi ko kasi siya trip eh I am not into third parties kasi naiinis ako sa kanila.



Here, sila ang characters na hindi ko malimutan kasi close to my heart ang story ni Dane. May friend kasi akong nasa sitwasyon niya although hindi kasing lala ng sa kanya na kailangan pang tanggalin si baby para siya mabuhay exagg lang akong masyado. My friend now is okay, love na love niya ang baby niya kasi first and last niya iyon eh... nag-undergo na siya ng chemo at matagal din niya bago nayakap ang anak niya dahil kailangan niya pa munang magpagaling ng husto. That nanay and tatay na tawagan... idealism eh.




Crischelle and Caleb baby were my faves as well, ang dami kasing nagreact dito na akala mo ay world war na hahahaha, naalala ko pa kung paano nila patayin sa fb at comment si Caleb kawawa naman. Pero here, sa kwentong ito medyo nag-overboard ako sa espeegee scenes I don't know pero kahit ako hindi ko matanggap na sinulat ko tlaaga iyong first encounter nila ni Caleb, iyon sa bar... ay ewan basta. And then bias ko si Caleb. CalebxInang


Sa one shots naman iyong, Lucy found hers ang pinakagusto ko. Grabe, nagsisimula pa lang akong magsulat ng kwento niya ay umiiyak na ako hanggang sa matapos, masyado akong affected. Kasi naman kilala natin siyang kontrabida and all of a sudden ay nakilala natin siya ng husto at kung ano ang pinagdaanan niya and then everything fall into pieces... nakukulangan ako sa ending pero hdindi ko na siya kayang galawin because i already love it the way it is.



And Twin Tricks, love ko rin ang story ni Jair and Xyxy pero mas love ko ito. I love the twins, I love their smart mouth and I just love them. I love how it started and I love how it ends, especially the ends and their special chapters.







As for now these are my favorites but who knows marami pa pala akong maidadagdag dito. Kayo ano ang paborito niya?
Good night babies!!1


Nagmamahal,
Inang

6 (mga) komento:

  1. whenever po na gusto ko pong magdrama, I always read Chrome's , Summer's, Hyjea's, Zyrene's, Crishelle's and yelena's! ahihihi ... i love the twins!

    ReplyDelete
  2. Sa mga story ni Inang, love ko ang story ni Dane, ang love life ng parents ng kambal na sina Paris at London. Though I feel like crying sa last part ng story ng Twin tricks. And kina Caleb. Love love talaga!

    ReplyDelete
  3. Wow ang gaping mo po ms iamyourlovelywriter ako po favorite Kong lahat ng gawa nyo pero ang pinakatumatak po sa puso t isipan ko at ang Spg hehehe joke young Kay Dane at twin tricks po

    ReplyDelete
  4. i really love the story of dane falling for him kinikilig kasi ako tawagan nila nanay at tatay saka ang sweet nila hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko yung story nila :) kaya lang nakulangan ako sa anak hehe mas masaya kasi kapag maraming anak tas ganun pa yung endearment nila pero okay ito parin ang fave ko hehe p;)next is black magic sarap ng mga desserts feeling ko kapag binabasa ko ito nakakain ko yung mga gawa ni yumi :)

    ReplyDelete
  5. i really love the story of dane falling for him kinikilig kasi ako tawagan nila nanay at tatay saka ang sweet nila hanggang ngayon kinikilig pa rin ako kapag naaalala ko yung story nila :) kaya lang nakulangan ako sa anak hehe mas masaya kasi kapag maraming anak tas ganun pa yung endearment nila pero okay ito parin ang fave ko hehe p;)next is black magic sarap ng mga desserts feeling ko kapag binabasa ko ito nakakain ko yung mga gawa ni yumi :)

    ReplyDelete
  6. Favourite ko ang Kay Yelena at kay Naome,pati ang kay Ashley kasi para sa akin sila ang pinakamatapang,nakaya nila lahat ng problema.Gusto ko rin yung Black magic,excited na ako sa susunod na mangayayari sa life ni Yumi

    ReplyDelete

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang