Sunday, January 24, 2016

RACE TO LOVE (WRITING SOON)




"I thought I just cared for you, later do I know I already fall for you... deep and hard."


She vowed to love her first love.

He got his heart broken when he let his first love go.


When things become chaotic, when she was pushed to the edge, when he was forced to make a very important decision... will they find themselves entwined with fate? Will they able to walk on the same pavement and free each other from their painful past? How will they able to race towards love when they are still trapped from the memories of yesterday?



Very Soon... after ZBS
<3 <3 <3 IAMYOURLOVELYWRITER

Tuesday, January 19, 2016

Racing With Cupid on wattpad




I am just waiting for the right time to repost Racing with Cupid back sa wattpad. I don't know okay lang naman na hindi na ipost ang story kasi napublished na siya but I want it back. Hinintay ko lang talagang matapos ang contract ko with LIB publishing para in case may main concern pa rin. Nangyari na ang dream ko at okay na sa akin iyon hindi na kailangan ng marami pa. I was asked by my readers kung may napublished na ba ako alam niyo ba ang sinasagot ko lalo na sa personal message sa watty? Palagi kong sinasabi na wala kahit na merong Racing With Cupid.

Bakit nga ba iyon napublished? Sa totoo niyan hindi ko rin alam kung bakit iyon napublished dahil sa tingin ko naman hindi talaga iyon alam niyo na pwedeng isabay sa mga napapublish nila. Ganito kasi iyon, sinulat ko ang Racing with cupid noong nasa busog na busog ang puso ko sa sulat ni Sonia Francesca alam kong kilala niyo siya, third year high school pa lang ako noong nabasa ko ang mga gawa niya before that kay Martha Cecilia ako adik na adik lalo na iyong Kristine Series niya it is really one of the best. Tago ko lang na binabasa ang mga gawa ni Ms. C kasi nga medyo espeegee siya and I was hello high school back then. Akala ko ay wala ng makakapantay sa kanya sa puso ko and then accidentally nasali sa binili kong coloring book para sa kapatid ko na nasa elementary pa ng mga panahon na iyon at dahil na-swipe na siya kaya hindi ko na siya kailangan pang bawiin pa kasi nakakahiya and then since I am into pocketbook kaya binasa ko siya and wow, I was amazed dahil ang galing niya.

Masasabi ko na super galing talaga ni Ms. Sonia ang kwento kasi niya alam mo iyong hindi masyadong deep pero nakakatuwa talaga siya, it shows women empowerment and I can sense her intelligence kaya naging stalker niya ako. I want to be like her, I want to write stories na magaan lang sa puso pero ramdam na ramdam mo pa rin siya. IYong tipong ang sarap sa feeling habang nagbabasa ka kasi ang witty ng mga characters lalo na iyong mga babae doon, palaban at kung anu-ano pa. Sa kanya ko napatunayan na hindi mo kailangang sumulat ng kwentong may espegee para lang magustuhan ng mga mambabasa kasi nga purong love story lang siya with lessons.

And since I am a frustrated writer kaya nagsimula na rin akong sumulat with her style, iyong grupo-grupo lang, iyong masaya lang at hindi kailangan na may churvaness. Sa notebook lang ako nagsusulat dati, before her existence to my life nagsusulat na ako pero hindi katulad ng style niya. I start to write pero side pa rin iyong stories na nakasulat sa bondpaper iyong tipong pang-anime ang style ng stories. May sinulat akong ganoon eh noong high school ako alam niyo ba kung saan na iyon? Hindi ko rin alam kasi nga kung sinu-sino na ang bumasa at kung kani-kaninong kamay nakarating ang sulat kong iyon and right now hanggang sa ala-ala ko nalang siya.

And then I reached college and there, I start to write Praia's story, hanggang simula lang ako eh after that ay hindi ko na tinatapos hanggang sa dumating ang point na natapos ko na talaga siyang isulat. Wala pa ngang title ang story eh naka-save lang siya sa PC ko at sa memory card ng cellphone ko dati. Hanggang sa matapos ako ng college at nagdesisyon na kumuha ng Doctors of Veterinary Medicine sa VSU sa Leyte. Yup, nagpunta ako doon ng mag-isa and experience how to be independent and I am quite happy with my achievements. Doon ko pinabasa ang mga gawa ko sa mga ka-roommates ko and somehow felt happy because of the positive feedback. IYong kwentong nabasa niyo hindi pa talaga ganoon ang line up ng story just pure fun lang siguro iyon at hindi ko pa kilala ang wattpad ng mga panahon na iyon.

Kailan ba iyon? 2011 pa yata iyon noong makagraduate ako ng college and I was nineteen young old back then at nagpunta sa lugar na nasa pagitan ng bundok at karagatan, dahil sa maganda din ang lugar kaya nakapagsulat ako ng iba pang stories and yes may story din dapat ang boss ni Praia doon na si Jayerre with a police officer pero hindi ko na itinuloy at nawala na siya sa isip ko, nawala kasi ang notebook na pinagsulatan ko ng kwento. ANd then time came when I decided to venture my first career and quit my second course and became a call center agent. Okay naman siya pero katulad nga ng sabi nila kapag hindi mo ka-line ang work mo you will never feel the satisfaction at palaging may kulang. And then wattpad came into my life bilang isang reader, I created my first watty just to read lang and then start transferring my Racing With Cupid doon together with my other innocent and decent love stories may mga pangteenager pa nga. Nakilala ko ang wattpad dahil sa isang co-worker her name is Vienna.

Alam niyo iyong sobrang adik mo na sa pagbabasa kaya nagpapanggap ka nalang na may sakit para makapag-absent at hindi na bumangon? Nagawa ko na iyan, addict ako sa mga werewolf stories. Una kong binasa ang mga one shots na may pambatang theme hanggang sa maging mature na and then writing innocent like stories seems so boring na. And since ayoko munang magsulat ng mahahaba so I decided to created the iamyourlovelywriter account to post something that I didn't expect na maisusulat ko. It was beyond my expectation as in super unexpected talaga. At iniwan ko rin naman iyon agad-agad dahil nga sa ayokong makabasa ng feedback first time kong magsulat ng story na may espeegee kay Cash at Ally pa. Bumalik ako sa myshedengirl account ko and continue what I started but things got boring.

Doon nagsimula ang booklat which is counterpart yata ng wattpad sa Philippines nagkataon naman na hindi ko maaccess si watty at that time so I transferred my Racing with Cupid there. Paramihan ng reads ang peg doon pero unlike sa watty na umaabot sa millions pinakamarami na yata iyong three thousand reads noong mga panahon na nagstastart sila dahil aminin naman natin super loading and buffering ang site dahil nga sa kasisimula pa lang at mas gamay ko na rin ang wattpad.

Iniwan ko ang story nina Praia and Clev doon until when I came back ay marami ng reads, masaya na iyon 1k na reads sa booklat at sobrang daming published wattpad books na rin. And then I received an email telling me na ipapublish ang Racing with Cupid. Alam niyo iyong hindi ako naniwala pero pinagtripan ko ring sagutin ang nagsend sa akin ng email hindi ko siya kilala eh. MAlay ko bang tunay at walang stir ang email na iyon hanggang sa nakareceived na ako ng mga kung anu-anong mga papeles kaya naisip ko baka tunay ito kaya nagprint screen ako at ipinost ko sa fb atleast anuman ang mangyari may back up ako.

And there, I received the cheque payment ipina-encash ko tapos binili ko ng pagkain at kinain namin ng family ko at sa mga co-teachers ko. Waley ba? Hahahaha, iyon eh mas peg ko ang pagkain. And then lumabas na racing with cupid, medyo nakakahiya siya eh kasi alam mo iiyong nagsisimula ka ng magsulat ng medyo may espegee na kwento at babasahin mo iyong una mong naisulat na super innocent feeling mo mas nakakahiya iyon kasi parang hindi na ako kung magsulat.

And then I start to incorporate how Sonia writes her stories and added a bit of Martha C, hanggang kalaunan ay nakalimutan ko na kung paano sila nagsulat, nakalimutan ko na iyong way of writing ni Mss SF habang tumatagal, nakalimutan ko na kung paano magsulat si Martha C habang tumatagal para bang nagkaroon ng bagong identity iyon ako na nagsusulat. INaamin ko naman na maraming grammar errors, naging call center agent ako pero hindi naman perfect ang grammar ko noong mga panahong iyon eh, mas gamay ko ang magsulat ng purong Filipino keysa sa English lang talaga. At mas tumatama ang grammar ko kapag nagsasalita na ako keysa sa nagsusulat nako-conscious kasi ako kapag nagsusulat ng ganoon. Hindi din ako nag-eedit at mas lalong bihira lang ako nagbabackread, may tendency kasi na kapag nagbaback read ako ay naiiba ang takbo nbg utak ko at binabago ko ang lahat kaya post nalang ako agad saka nalang ako mag-eedit kapag may nagcomment na wrong spelling hahaha, ppero hindi ko na rin pinapakialaman naiisip ko naman matatalino ang mga readers ko kaya alam na nila ang ibig sabihin ng ibig kong ipahiwatig.

So, ayun nga naging book na ang racing with cupid at para na akong nanalo sa lotto. Iyong feeling na may nahawakan ka ng pangarap mo ang sarap ng feeling ng ganoon kahit alam mong hindi mo pa talaga deserve na magkaganoon. Hanggang sa dumami ang readers ko they were asking kung saan mabibili ang RWC hindi ko rin alam eh basta ko nalang siyang nakikita na pakalat-kalat. Kaya naisip ko ibalik nalang siya pero naghihintay pa lang ako ng time may takot pa rin naman ako sa batas mahirap kayang kalaban iyan kaya naghintay akong mag-expire ang kontrata ko sa kanila. After RWC hindi na ako nagpass ng manuscript hindi ko pa feel eh, parang ayoko muna.

May kulang pa ako, hindi pa ako buo ika nga nila iyong feeling na may mailalabas ka pa at hindi ko pa nailalabas iyon? Hanggang ngayon feel ko pa rin iyon, I want to be an effective and efficient writer and author. At saka hindi naman basehan sa dami ng nailathala mong akda ang pagiging isang magaling na manunulat, hindi ako nagsusulat dahil gusto ng mga readers ko nagsusulat ako dahil gusto kong may mapatunayan sa sarili ko reads or without reads I want to improve at hindi mangyayari iyon kung wala akong gagawin. Paao ka mag-iimprove kung hanggang salita ka lang kailangan din ng gawa and right now I am on the process of improving myself ang my skills.

Huwag hayaan ang isang tagumpay ang magsabi na nasa pinakaitaas ka na dahil baka hindi mo namamalayan paglingon mo may mas mataas pa palang bundok na kaya mong akyatin. DOn't stop with one success, let your success succeed all your previous successes.

Sa madaling sabi ibabalik ko na ulit sa wattpad ang racing with cupid kaya sa hindi pa nakakabasa ay pwede na niyong mabasa at sa mga may book na, thank you sa pagtangkilik and happy reading.


PS: Para itong isang mahabang authors note.



Sunday, January 17, 2016

Personal Favorites Stories I wrote

As a writer masasabi ko may mga personal favorite tayo sa mga sinusulat natin and yes, may sarili din akong mga paborito. Magsimula tayo sa Royale Series...


Landon and Amber's story is one of my early favorite, I don't know why pero may panghatak talaga sa akin ang story na may bata and Jair there was so adorable muntik ko na siyang kidnappin kaso naalala ko hindi pala siya nag-eexist sa tunay na buhay kaya ayon nanatiling plano ang aking plano.


Next ay sina Summer at ang taong bato, I like the characters. Isang bubbly na girl at isang taong bato, iyong tipong hinahabol ng babae si girl and she was taken for granted. I like the half part of the story and some scenes sa last part, siguro sa gitnan bahagi may hindi ako na-emphasize kaya medyo hindi ako contented. Kapag nagkatime ako at nagsimula ng mag-edit I might add some scenes and delete some as well, gusto ko hanggang sa huli strong ang personality ni Summer eh. But I still like the flow of the story lalo na sa proposal and I may say iyon na yata ang pinakatrip kong proposal ng mga boys ko, ang unique kasi eh. I so love Rechie behbhe.




And this one, I do love this story. Sa kwentong ito nagsimula akong maglaro ng mga characters sa story, in short ginamit ko na sa wakas ang utak ko. An experiment story gusto ko kasi unique, gusto ko unexpected na expected at nagustuhan ko rin ang reactions ng mga readers. They are guessing here and there, it's like playing with everything. A story with a mind twisting game.



I love Bree and Yxell here, ang cute kasi nilang dalawa. Light lang kwento kaya mas type ko.


Grabe din ang ininvest kong emotion sa dalawang ito and then I started adding a love triangle na akala mo ay seryoso pero hindi pa rin pala. I am going to work on it na in the future, iyong paglalagay ng love triangle na seryoso hindi ko kasi siya trip eh I am not into third parties kasi naiinis ako sa kanila.



Here, sila ang characters na hindi ko malimutan kasi close to my heart ang story ni Dane. May friend kasi akong nasa sitwasyon niya although hindi kasing lala ng sa kanya na kailangan pang tanggalin si baby para siya mabuhay exagg lang akong masyado. My friend now is okay, love na love niya ang baby niya kasi first and last niya iyon eh... nag-undergo na siya ng chemo at matagal din niya bago nayakap ang anak niya dahil kailangan niya pa munang magpagaling ng husto. That nanay and tatay na tawagan... idealism eh.




Crischelle and Caleb baby were my faves as well, ang dami kasing nagreact dito na akala mo ay world war na hahahaha, naalala ko pa kung paano nila patayin sa fb at comment si Caleb kawawa naman. Pero here, sa kwentong ito medyo nag-overboard ako sa espeegee scenes I don't know pero kahit ako hindi ko matanggap na sinulat ko tlaaga iyong first encounter nila ni Caleb, iyon sa bar... ay ewan basta. And then bias ko si Caleb. CalebxInang


Sa one shots naman iyong, Lucy found hers ang pinakagusto ko. Grabe, nagsisimula pa lang akong magsulat ng kwento niya ay umiiyak na ako hanggang sa matapos, masyado akong affected. Kasi naman kilala natin siyang kontrabida and all of a sudden ay nakilala natin siya ng husto at kung ano ang pinagdaanan niya and then everything fall into pieces... nakukulangan ako sa ending pero hdindi ko na siya kayang galawin because i already love it the way it is.



And Twin Tricks, love ko rin ang story ni Jair and Xyxy pero mas love ko ito. I love the twins, I love their smart mouth and I just love them. I love how it started and I love how it ends, especially the ends and their special chapters.







As for now these are my favorites but who knows marami pa pala akong maidadagdag dito. Kayo ano ang paborito niya?
Good night babies!!1


Nagmamahal,
Inang

Friday, January 15, 2016

Zalpha Bri Sorority Boys Interview ni Inang! Part I

Interview with the ZBS boys:


1. What is love?

Heinz: Love is my wife and our children
Colton: Love is like a rosary full of mystery… nah, love knows no boundaries and my wife and our baby.
Rye: Love is… the first person whom you think in the morning and the last one before you sleep.
Warren: D.R.R.C
Inang: Ano iyon?
Warren: *Ngiti* (Hinimatay si author)
Caleb: C.C.C.S
Warren: Gaya-gaya! Walang originality!
Hendrix: Love is when you arrest the most wanted criminal --- (cellphone ringing, excused himself and answered it)
Inang: Mukhang may case na naman si Hendrix
Caleb: Kaso nga iyan, namumutla na eh. (Bumalik si Hendrix namumutla pero nakangiti pa rin)
Hendrix: Love is when you were arrested by the most beautiful woman in the world alias your wife.
Ashton: Wow, scripted sinong nagbigay ng script na iyan?
Hendrix: Si Ainsley.
Ashton: Under. Ako naman, exposure ko na ito. Love doesn’t exist because the heart’s main purpose is to pump blood in order for us to survive what gives us the idea of love are the hormones that we—crap! Nahawa na ako sa asawa ko, namimiss ko na si Gette puntahan ko muna siya baka may umaligid na naman doon. Magsasaing na rin ako para labing-labing na agad pag-uwi niya. (Tinanaw na lang si Ashton na mabilis na umalis at sumakay sa kotse nito.)
Inang: Under din.
Cael: Uhm… ako na ba?
Inang: Yup (mukhang mahiyain) what is love?
Cael: (Namumula at hindi makatingin sa mga mata)
Xancho: Naku inang, hindi iyan mahilig sa tao. Si Monique lang kaya siyang kausapin ng eye to eye.
Cael: Love is (sa mahinang boses) sacrificing your own happiness for her safety. Excuse. (sabay takbo at pumasok sa bahay na mukhang hihimatayin na)
Xancho: Yes, ako na. Love is watching your fish--- (May dumaan na babae, maganda, sexy, mahaba ang buhok, nakauniform ng teacher) Monica my fishypie halabyu! (Hindi pinansin ng babae kaya sinundan agad ito.)
Inang: (Napatingin sa isang tahimik lang at lalapitan sana niya pero sinamaan siya ng tingin) The End!



<3 <3 <3
Hanggang sa susunod na interview!

Zalpha Bri Sorority Knights in shining Shoes (LOL)

Numbered Child Series (COMING SOON)

Zalpha Bri Sorority Series (Series 1 to 10)


Teaser:
Masyadongmaganda.com is typing…..
Masyadongmaganda.com: Hi, pogee.
HeinzChua: Get lost Zyrene.
Masyadongmaganda.com: Paano mong nalaman na ako ito? This is supposed to be a secret account! (gasps)
HeinzChua: Your profile pic is your picture.
Masyadongmaganda.com: (blushing) naman eh.
HeinzChua: Stop bothering me.
Masyadongmaganda.com: I LOVE YOU TOO! (mwah)

Zyrene is playful, with her red hair on the loose she can always find a way to escape from the harsh reality of life. She is hopeless romantic, she loves the thought of love and she also loves the ideas of princes and princesses and of course happy ever after. She longs to have one and would love to have one.
And here Heinz Chua came into picture, the perfect prince charming sa kanyang wicked fairytale. Handsome, rich, matalino, mabango, tahimik, snob and did she already mentioned snob? Kaya nga crush niya ito eh, secret crush nga lang.
But as they said, there is no such thing as fairytale and happy ever after because the man whom she thinks is a prince is actually a jerk in disguise. That’s why for her, Heinrich A.K.A Heinz Chua is just a secret crush--- love?




Teaser:



Nasanay na si Karylle na mama lang niya ang kasama niya, nasanay siya na nakikita niya na puro babae ang nakapaligid sa kanya. At nasanay na siya sa mga pagbabago sa buhay niya. Nasanay na rin siyang kutyain dahil sa kanyang hitsura at nasanay na siyang pagsalitaan ng hindi maganda. Nasanay na rin siyang lumaban lalo na kapag naaapi na siya at mas lalong nasanay na siyang gumanti sa mga nang-agrabyado sa pamilya niya. Kaya nga naging pulis siya dahil pakiramdam niya secured siya.



Ang hindi lang siya sanay ay ang sagipin ng lalaki kaya nga ng minsan ay may sumagip sa kanya sa halip na pasalamatan ay tinarayan lang niya ito. Lalo pang nadagdagan ang galit niya ng makilala ang nakapagligtas sa kanya… it’s no other than the guy who used to call her names way back high school. Her personal tormentor, ang dengue sa buhay niya. He called her baboy and she called him lamok, everything is perfect since they are hating each other na.



Ang problema nga lang ay nasasanay na rin siya na palagi itong nasa tabi niya kapag nangangailangan siya ng tulong. Masasanay din ba siya sa sakit na mararamdaman niya kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit ito nakipaglapit sa kanya? Will she captured his heart before he captured hers and beat it into pieces?






Teaser:



She was lost, there are dreams haunting her every night. Dreams that she can’t remember when she wakes up, everything is chaotic. And it seems like a big part of her life is missing and she can’t point out what is it. She even end up crying all of a sudden… isang malaking palaisipan na hanggang ngayon ay hinahanapan pa rin niya ng kasagutan.



And then he came, Tryker ‘Rye’ Altamirano came into her life who blow right in front of her face that he robbed her virginity. Will she believe him when she doesn’t even remember who he really was? Will she trust him when every time she sees him she could feel her heart breaking? Who he really is? Will he fill in her lost memories?





Teaser


Masaya na si Diana sa buhay niya, she’s free at walang lalaki sa buhay niya. May phobia kasi siya sa hawak ng mga lalaki, it’s an extreme phobia that when they touches her ay nawawalan siya ng malay.


Akala niya ay mapapanatili niya ang kapayapaan sa buhay niya, pero hindi pala. Dahil sa kasamaang palad nagkaroon ng problema ang ninang slash tita na nagpalaki sa kanya. Naisangla ng mga ito ang bahay at hindi na nabayaran pa, at ang nakabili ng lupa ay walang iba kundi si Warren Cuevas. Sinugod niya ito sa opisina nito para bilhin muli ang bahay nila, hindi pwedeng mawala iyon lahat ay kaya niyang ibigay para lang doon.


Kaso hindi niya inaasahan na ang lalaking nag-alok sa kanya ng kasal ay ang lalaking gustong kumuha ng bahay nila. Agad na umusbong ang galit niya dito lalo na noong tumanggi itong bilhin niya ang bahay sa halip, may proposition pa ito. Magpapakasal sila at gagawa daw sila ng baby bago nito ibigay ang gusto niya.


How can she agree with his proposition kung hawak pa lang nito sa kanya ay nawawala na ang kanyang ulirat? O kaya naman ay mawala din ang pusong pinakaiingatan niya? Will he allow him to dig her deeper, will he accept her past, her darkness? Will he able to pull her out from the darkness she has been running away? Is it his longing touch can cure her?






Teaser:





May mga sekretong kahit na ano mong pilit na itago ay may makakaalam at makakaalam din. Isang sekretong ayaw niyang malaman ng kahit kanina dahil alam niyang magbabago ang pagtingin ng mga kaibigan niya sa kanya.



Ano ba ang sekretong iyon?



She's been in love with his brother's wife, her friend... hindi naman niya alam na mangyayari iyon basta ang alam niya nagmahal lang siya ng palihim. And now that the woman whom she loved was married to her brother, she can feel the pain everytime she saw them happy together.



Caleb discovered her secret and used it for his game. A game where he makes her fall for him and dropped her like a hot potato when he doesn't need her anymore. He fixed her so that he can break her again into tiny particles na maging siya hindi na alam kung paano buuin iyon.



If loving a man means like this, shed rather choose a woman instead.






Teaser:

Lahat ng bagay ay may simula at may katapusan, pero paano niya tatapusin ang isang bagay na nasimulan na niya kung masyado ng malaki ang naging pinsala? Paano niya tatapusin ang isang bagay na alam niyang marami ng napahamak?

Paano niya ililigtas ang mga mahal niya kung siya mismo, sa sarili niya hindi niya kayang iligtas? How can she managed to be happy when everything around her speaks danger? How can she feel safe when her freedom was taken by her from the day she realized that the word freedom does exist?

Paano siya ililigtas ng mga tao na malapit sa kanya kung siya mismo sa sarili niya takot ng maligtas? Paano siya magiging masaya? Paano siya magmamahal?
Paano kung kahit saan man siya magpunta, kahit ano pa ang gawin niya the memories of her past will forever hunt her present and her future.

She will be a forever…

NUMBERED CHILD.

Codename: G.E.T. 730



19 1 22 5 13 5 16 12 5 1 19 5






Teaser:

Sinamaan niya ng tingin ang lalaking kaharap niya, ito lang yata talaga ang lalaki sa mundo na hindi apektado sa kanyang katarayan.

"Ikaw lang yata ang babaeng hinding-hindi ko magugustuhan, you are nothing but a-."

"Bitch? Yes, that's I am and I am also thankful na hindi mo ako magugustuhan-." Natigilan siya at napatingin kay Hendrix. "Ulitin mo nga ang sinabi mo."

"Alin?"

"Iyong hindi mo ako magugustuhan."

"Hindi kita magugustuhan."

"Good. Now, bilang pagtanaw mo ng utang na loob sa akin gagawin mo ang gusto ko." Kumunot lang ang noo nito. "I want you to make me fall for you, make me fall in love with you so deep that it would hard for me to move on and when I am already dead over heels with you break me apart. I am giving you all the rights in the world to break me apart, tore my heart in your own way. Kung gusto mong makabayad iyan ang gawin mo but never fall in love with me Hendrix Anderson just make me fall for you and kill my heart."

"Are you crazy?"


She smiled at him. "Damn crazy."








TEASER:

When you are hurt... just cry.

When you are too much in pain... just smile.

When you fall in love with someone who hurt you... don't cry, it's your choice then... just smile... give your most beautiful SADDEST SMILE.






Teaser:

Jack 'n poy. Bingo. Lucky nine. Mahjong. Sabong. Horse racing.
Meeting. Talking. Knowing. Stalking. Talking. Falling. Loving. Hurting. Crying. Leaving.

Iyan ang laro ng buhay, kailangan may nakataya, kailangang may matalo, kailangang may manalo para masabi nating nagtagumpay tayo. Alam natin kung kailan magsisimula pero sino ang may alam kung hanggang saan ang hangganan? Sa bawat simula may katapusan, sa bawat katapusan may simula.

Pero hanggang saan kayang tapusin ang isang bagay na hindi naman sinimulan? When can we end a thing that haven't started yet? Hanggang saan ka pwedeng makipaglaro kung ang nakataya naman ay ang kaligayahan mo o ang kaligayahan ng mga mahal mo? Ano ang pipiliin mo buhay mo o buhay ng mga mahal mo? Handa ka na bang tumaya?



Handa ka na bang matuto sa mga sugal ng buhay?



Ikaw anong maitataya mo?










S-0-O-N

One shots of IAMYOURLOVELYWRITER




A. PAIGE'S FOREVER

TITLE: Paige’s Forever

“Will you allow me to be your happiness?”

“You are already my happiness”

“Forever?”

TEASER:

PAIGE VENTURA- Gloomy, scary, mysterious, ugly? That’s how they call her.

She is a mystery-horror writer and eldest of three siblings of the Ventura clan. A prominent family known because of their contribution to Philippine arts. Her mother is famous painter. Her father is a world-renowned musician. Her sister Kelly is an aspiring actress at the age of 24 and her youngest sister Nicole is a singer at 20. She is slightly introverted and loved to be alone. A person who doesn’t believe in love. She is hiding a painful past that leads her to what kind of person she is right now. Will Hunter’s presence to her life can change her views.

HUNTER CLAY SY- A bright person with a sunny disposition in life. A successful business owner at the age of 30. He is single but always not available. He happens to be the cousin of Kelly’s boyfriend Connor. He is someone who believed in his self more than God. He is treated like a royalty by woman, except Paige who doesn’t even want to see him in the first place.

At first he doesn’t really like Paige because of her scary personality. He even teased her because of how she looks and her cold treatment. He loves seeing her in pain with his words. But is he really the right guy whom Paige can lean on? Can he erase Paige’s sad past and be able to re-create her back again?




B. CHASING YOU

College themed story, love story of course


C. LOVING MISS BRIDGE


D. LUCY FOUND HERS
-> She is the kontrabida from Royale Series 11, may sarili din siyang story :-)


E. OLIVE'S NOT SO FAIRY TALE LOVE STORY
-> She is the kontrabida from Marked Series 11, and yes may story din siya.

F. THEY FOUND LOVE IN... TETRIS BATTLE
Pang-high school love story siya, galing sa dati kong account tapos inilipat ko sa IAYLW account.

G. I LOVE MY BESTFRIEND'S BOYFRIEND'S BESTFRIEND
Pang-high school love story siya, galing sa dati kong account tapos inilipat ko sa IAYLW account.

H. ONE MORE TIME

I. FIRST LOVE... LAST LOVE

J. THE SEARCH IS OVER :-)




TBC....

Independent Works II of IAMYOURLOVELYWRITER



Teaser:


What will you do if the person you love the most hurt you?


What will you do if the person you loathe the most came back?


What will you do if the person you don't want to see is just right infront of you?


What will you do if the world turn upside down and now he wants you back?


but



What is your assurance that what did now is for real or another bit of his game?


Will you try TO LOVE AGAIN?







Teaser:

Third only want one thing from her and that is his niece.

Crescent only want one thing from him and that is her life's peacefulness.

But he will never give her what she wants until she gives him what he needs. The world will be their battle arena... their ring of a never ending clash. He will do everything just to break her apart and for her to give up.


Or will he give up instead?



Independent Works of IAMYOURLOVELYWRITER



WAITING TO LOVE YOU

COVER MADE BY: Minah Jae

Catchline:
"I tried to wait but waiting too long is too much for me so I stopped."


Teaser:
Xyler Faith is a control freak and she wants to have control on everything she has. She doesn't want to be dictated and her family knew it. Pero paano kung dumating ang isang araw na may magmamando sa kanya kung ano ang kailangan niyang gawin... another control freak... sa katauhan ni Jair Gilmore ang lalaking hindi niya alam kung kinamumuhian ba siya dahil kapag palagi silang magkasama palagi itong nakakunot ang noo sa kanya.


Will she be that little girl again who follows his every order? Will she be that hopeless in love teenager who got her heart broken when he left? Will she be that submissive woman who is hopelessly waiting for a feeling?







TWIN'S TRICS

CATCHLINE:

What we want, we get. Get it?


TEASER:

Tahimik na ang buhay ni Aleeyah kasama ang mga anak niya, pinilit niyang kinalimutan ang mga masasakit na nangyari sa kanya noon. Sinigurado niyang hindi na magkukrus muli ang landas ng lalaking ama ng kanyang mga anak at ang lalaking nagpaalis sa kanya sa buhay nito.

She promised she will devote her life to her twins, to give them everything. Kaya lang hindi nangyari ang mga plano niya dahil muling nagkrus ang landas nila ng lalaking nanakit sa kanya. Now, her twins were eager to be with their father. How can she tell them that their father doesn't want to do anything with her, na ayaw nito sa kanya?

Paano niya maililigtas ang puso niya sa taong bumasura nito?


<3 <3 <3 One of my readers send this to me, I love this cover by the way....


Marked Series 8: Just Like That

Marked Series 8: Just Like That




Catchline:

“Just like that I fell for you, and just like that you failed to catch me.”


Teaser:

Peace of mind is what Nao wants. Umalis siya sa limelight upang magsimula ng bagong
buhay. Pero paano niya makukuha iyon kung sa paglipat niya ng bagong pahina ng
buhay niya ay nakasunod pa rin ang isang bangungot na pilit niyang iniiwan mula
sa kanyang nakaraan. Nao’s life seems so perfect, with the face, body and brain
everyone is eyeing her with envy. But neither have they known that behind that
face is a past she is trying to hide and she would love to forget.

Allyxander Miguel Ventura is everybody’s dream catch and the only man she would never
desire because she definitely know that he isn’t good for her. Para itong
asukal sa kape niya, naakadiabetes, para itong taba sa adobo niya nakakahigh
blood, para itong radiation nakaka-cause ng cancer. At para itong kutsilyo na
handang hiwain ang puso niya… because he is Miggy Ventura a man who doesn’t
know what love is. He is her own self-destruction bomb, because just like that
he can break her apart.

Marked Series 7: Fall for him

Marked Series 7: Fall for him



Catchline:

“Fall for him, let him catch you even if that means it will break you apart.”
Teaser:
“Hate me, love me I don’t care all I want is the child you are carrying inside your womb.”

“This is not yours.” Mahinang sabi niya.

“Four weeks, one month ago I know it’s you I slept with Dane. I have a proof.” Ngumisi lang ito and reveal something she is looking for a while now. “One night and one proof sweet, I have your mark and I’ll keep it until you bear in your mind that you are mine and mine alone.”

Paano niya ireresist ang charm na dala ng isang Ruther Jake San Jose? Paano niya sasabihin dito na hindi ito pwedeng mahulog sa kanya kahit dala-dala niya ang anak nito sa kanyang sinapupunan? Paano niya sasabihin dito na kahit gusto niya ay hindi pwede… dahil ayaw niyang masaktan ito? Paano nalang kung darating ang panahon na aalis siya, makakaya ba niya?

Marked Series 6: A deal with the devil

Marked Series 6: A deal with the devil




Catchline:


"You can never hate the one you love Yvonne, you can say that you hate me but your heart and your body will always tell you how much you want me and you love me. That's the price of dealing with a devil."



TEASER:

Yvonne is already contented with her work not until she made a deal with her boss, the CEO, the handsome devil himself Reigan Buenaflor. Siya yata ang napagbalingan ng pangpa-power trip nito. He might look an angel but he is a devil inside. He keeps on pestering her about changing the way she dress, what's wrong with wearing an old fashion glasses, her hair in neat bun, and longsleeves and slacks? It's normal but for him, she is abnormal.

How can she resist the temptation of killing her devil boss when the outcome of the deal she made with him is something she isn't expecting. Is she ready to leave him... or will she stay even if she isn't wanted?

Marked Series 5: My Baby's Mommy

Marked Series 5: My Baby's Mommy




CATCHLINE:

"The moment you brought my baby to my life you also brought yourself to me. You don't have any choices at all, you need to be my baby's mommy and my wife."


TEASER:


Dale is living the life a bachelor of his age would love to have. He is rich, he have women, he can do whatever he wants, he can have anything he wants and then when he thinks that life is already perfect someone came unexpectedly. One morning he heard some knocks on his doorsteps and when he opened it he just found staring at a woman whom he wouldn't expect to see carrying a baby on her arms.


At mas lalong nagulo ang mundo niya sa narinig niyang sinabi nito.


"Anak mo ito kaya panagutan mo ito."


What the hell! He never slept with her dahil mapapatay siya ng mga kaibigan ng kapatid niya kaya impossibleng maging anak niya ang batang dala nito. He doesn't even know how to be a father!


But fate has it's own way of playing tricks because he just found himself falling to his baby's mother... a woman he bound not to fall forever.

Marked Series 4: Unrequited Love

Marked Series 4: Unrequited Love






Catchline:

Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, because for me a smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches. You will always be an unrequited love.


TEASER:

Ano ba ang mas masakit? Iyong linoko ka? Iyong pinaasa ka? O, iyong pagmamahal na hindi ka linoloko, hindi ka pinapaasa dahil hindi rin niya alam? That's unrequited love.

She loved him ever since the world created, but he loves her bestfriend ever since the world created. He went abroad, he left her wounded, he is back... with a knife that is slowly slicing her heart into pieces again because he loves no one else still but her bestfriend who already love somebody else.

Hanggang kailan siya ngingiti kung ang totoo sa bawat ngiti niya ay ang luhang tinatago niya ever since the world created?

Marked Series 3: Breathing to Smile

Marked Series 3: Breathing to Smile



Catchline:

It sucks how you managed to creep into my life, make me feel how blessed I am. It sucks how you made me depend on you and it sucks knowing that I am BREATHING TO SMILE just for you.


TEASER:

She will always be that runaway princess, the coward angel, the fiery fairy...

He will always be that King who rule the world, the possessive lion, the arrogant jerk...

She runaway from home dahil sa isang problema na ayaw niyang harapin pa kaso sa katatakbo niya may nabangga naman siyang isa pa. Hanggang saan matatapos ang problemang kailangan niyang harapin? Paano kung ang susunod na mabibingwit niya ay hindi lang sakit sa ulo ang hatid sa kanya kundi pati na rin sakit sa puso? Makakaya pa ba niyang harapin ito?

Marked Series 2: You're my ever after

Marked Series 2: You're my ever after



"You don't need my mark just to prove that you are mmine because the moment my heart starts to beat for you, I know already You're my ever after."


TEASER:


Sa tingin ng lahat ay siya ang cold hearted, na siya ang manhid, na siya ang masama dahil hindi niya napapansin ang pagpapalipad hangin ni Albie sa kanya.


But they don't know what happened. They don't know what happened in between the years. They don't know how she endured the pain of loving someone na alam niyang hindi seryoso sa kanya.

Pero ano ba talaga ang nangyari?

Bakit ganoon na lang ang pagtutulak ni Allyxandreia kay Albie?

May chance pa bang maghilom ang sugat ng kahapon at masabi niyang You're my ever after kung may bahagi ng puso niya na natatakot na maniwala sa mga salitang binibitiwan nito?

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang