Thursday, October 22, 2015

iamyourlovelywriter: RACING WITH CUPID - the creation



It has been a dream that I was knew, never in my wildest dreams na matutupad ang isa sa mga pangarap ko at iyon ay ang magkaroon ng sariling published book. As a girl that I was, babae pa rin naman pero hindi na bata, nasa early adulthood na, it was always a dream for me to see one of my stories in papers. Sa katunayan ay matagal ko ng nilibing sa limot ang pangarap ko na iyon, ang makapagsulat at mas tamang harapin ang kasalukuyan. Yes, hindi na ako bumabata at kailangan ko nbg humarap sa reyalidad ng buhay na hindi lahat ay parang sa pocketbook lang.






Noon gusto kong magkaroon ng kwentong pampocketbook, I tried to make one for myself but hindi nagtagumpay kasi alam kong mas morbid pa ang kwentong pag-ibig ko kung saka-sakali, at saka impossible din na magkaroon ako ng sarili kong kwento. Hindi pang-heroine type ang hitsura ko, sa tingin ko maganda ako no questions asked dahil kapag may nagtanong ay gigilitan ko ng leeg. Let's just say I'm just a little ordinary than average. Writing is one of the best outlet for me to express my emotions. Sa tunay na buhay hindi naman ako maingay, hindi ako masalitang tao unless kilala ko na talaga kayo. Kaya kong hindi magsalita ng ilang araw at mas madaldal ako sa social media gaya ng facebook, twitter and wattpad.






And here's wattpad... a dream site where I can post my write ups, my own stories. I posted Racing with cupid which I wrote way back college. Sa notebook lang ito noong una at hindi talaga abogada si Princess Aina AKA Praia, isa siyang rich daughter ng isang Japanese businessman. Puro dapat siyang haponesa na pinalaki ng yaya na pinay kaya magaling magtagalog at gusto ang kultura ng mga Pilipino kaya nagdecide siyang pumunta sa Pinas. Pagdating niya sa Pinas ay hinanap niya ang kanyang yaya na nagkataon na may anak na nagkaroon ng mayamang foreigner na asawa. They met at doon niya nakilala si Clev na kapitbahay ng yaya niya... putol pa nga ang kwento dahil hindi ko natapos.






Nang mauso ang laptop ay nagsimula na akong magtype at ilipat sa soft copy ang mga sulat ko, tinapos ko ang story... ang title pa nga ng story ay "racing in love". Nang matapos ko ang story ay tambay muna siya hanggang sa magka-wattpad ako. I posted it there out of fun lang, ayokong mawala ang story kaya at least may copy ako. I changed the story line, I changed the title, hanggang sa mauso ang booklat, nagpost din ako doon dahil gusto ko lang matry. Nauso ang mga published books mula sa watty, tuwang-tuwa ako dahil napapublished ang mga fave wattpad stories ko and I can finally buy a copy. Ganoon naman yata basta booklover ka kahit ilang beses mo ng nabasa ang kwento gusto mo pa rin ng copy. And I received a message from LIB asking me if gusto ko ba ipublished ang Racing with cupid. Pumayag agad ako since it's a dream come true nga, and months later napublished nga siya. I was so happy, overwhelmed at parang hindi totoo but it's really real kasi nasa kamay ko na siya.





It didn't generate much reads compare to other stories na may million rates and thousand of votes, but it's a dream come true for me. Nasabi ko sa sarili ko mangarap ka lang at matutupad din iyon and there... I dreamed, I waited for the right time, it happened. I didn't stopped writing even until now kasi passion ko siya, hindi na ako nagpapublished. HIndi na ako nagsend ng manu kasi para sa akin ang isa ay sapat na at saka ayokong mabasa ng mga students KO ang gawa ko dahil medyo rated espeegee ang mga iyon. Enough na sa akin na may isa, sa ngayon kasi hindi ko na siya pangarap. May iba na akong pangarap at iyon ay... ang humubog ng susunod na presidente na tatayo sa bandila ng Pilipinas.






Sa mga nakabasa na nito, may extra chapters po siya. Hanapin niyo lang sa wattpad ko... iamyourlovelywriter.








<3 <3 <3

iamyourlovelywriter

0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang