Friday, October 30, 2015

iamyourlovelywriter: Hot Bachelor Series




As the author 'iamyourlovelywriter' these are the first stories I wrote in my wattpad account. Actually iyong story ni Cash at Alleysha lang talaga. Isang story lang, one shot. May nauna na akong wattpad account, iyong mga gawa ko doon pambata, I don't know hindi ko pa siguro discovered ang kakayahan kong makapagsulat ng medyo matured na story. May restrictions pa ako but then when I created iamyourlovelywriter account ang sabi ko sa sarili ko 'sige, try lang. Isang bese lang.' SPG ang unang story na nagawa ko under my name, sabi ko rin sa sarili ko hindi naman ako kilala ng mga tao kaya okay lang din. Ginawa ko ang account ko para makapagbasa ako ng mga werewolves stories at mga stories na medyo adult na. It doesn't mean na nagbabasa na ang isang tao ng ganoon ay 'ano' na, minsan kasi sa mga stories na ganyan ang theme sila pa iyon may matinong story plot. At ito rin ang mga stories na hindi ko ma-add sa lib ko sa dati kong account dahil marami akong friends at kakilala doon. I want to be discrete in reading such stories kasi kapag may nakaalam ijujudge ka kaagad.



And then when I posted it na, para lang magkalaman ay hindi ko na siya pinakialaman ulit. Hindi ko na siya binasa pa, nanatili lang ang story doon na wala akong pakialam. Wala pa talaga akong pakiala sa kwentong wattpad noon basta makabasa lang ako. Hanggang sa mapansin kong dumarami na iyong reads at ng buksan ko ulit ay napansin kong may mga comments na rin. And then it fuel my drive to write another one shot, yes, one shot lang talag at hindi iyong pangmahabang story.



After two one shots ay nagstart na akong magsulat ng isang mahabang story, iyong pampocketbook ang style kasi nga wala lang, trip ko lang at sa susunod na blog post ko naman iyong kwentong iyon. After I finished my long story ay sinulat ko naman iyon last installment ng Hot bachelor series and from then hanggang sa dito na, hindi mo lang mamamalayan marami na pala sila. It's really nice to be back to where I started...



So, here are na summary of each stories:




Hot Bachelor Series 1 : Second Chance

Mga Bida: Alleysha at si Cash Ventura

Si Alleysha ay isang simpleng babae, she is an architect, hindi mayaman at pinapagamot ang kapatid niyang si Sabrina Celine na may sakit sa puso. Si Cash naman ang typical na anak mayaman, gwapo, at babaero. May problema si Ally sa pagpapa-opera sa kapatid niya at kailangan niya ng pera kaya nilapitan niya si Joanna ang bestfriend niya para humingi ng tulong. She is willing to sell herself to someone para lang sa pera, and with a twist of fate, ang lalaking napagbentahan niya sa kanyang sarili ay si Cash. Who happened to be her ex na nakipagpustahan sa mga kaibigan nito para paglaruan lang siya, at hindi agad siya nito nakilala dahil sa laki ng pagbabago sa kanyang hitsura. After that night when 'it' happened ay tinago niya iyon sa kanyang sarili, pretended like walang nangyari. But again, another twist of fate dahil nagtagpo ulit ang landas nila sa kompanya ng kapatid ni Joanna and Cash then he realized who she was. But the poor guy, nalaman niyang mahal na niya ang dalaga.. and then the end? Basa nalang kayo.





Hot Bachelor Series 2 : Making Love

Mga bida: Joanna and Yale Imperial

Joey and Yale love each other so much when they were young, pero siniraan ng iba si Joey na malandi daw ito at linoloko nito si Yale behind his back. Naniwala si Yale, at naghiwalay sila sobrang nasaktan si Joey at hindi siya nito pinaniwalaan. She wanted to move on pero paano siya magmomove on kung kaibigan ng kapatid niya si Yale at kapag magkaharap sila ay palagi nitong pinapamukha sa kanya ang kasalanan na hindi naman niya ginawa. She just kept her silence dahil napapagod na siyang magpaliwanag, nanahimik nalang siya. Hanggang sa may mangyari sa kanila, and Yale realized na hindi pala siya niloko ng dalaga, na isya ang hindi nagtiwala...




Hot Bachelor Series 3 : Sweetest Trap

Mga bida: Yurika and Dwayne Monterde

Yuri is a teacher, she's living a decent life while Dwayne is the perfect guy whom she's inlove with silently. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila ni Joanna kapag nalaman nito na mahal niya ang kapatid nito. Tinago lang niya iyon dahil ayaw niya ng gulo. Dumalo siya sa binyag ng anak ni Ally at Cash and there she observed na medyo kakaiba ang treatment ni Dwayne sa kanya, para bang inaakit siya nito. One night from work, nakita niya si Dwayne na lasing at nagmamaneho, tatawagan sana niya si JOey pero tinapon nito ang cellphone niya and insisted na sa bahay nalang niya ito magstay. Isang maling desisyon ang pagpayag niya dahil nadala siya sa pang-aakit nito, alam niyang mali pero may nangyari sa kanila and when she woke up he's gone... and that broke her heart. HIndi na niya ito nakita pa hanggang sa marinig niya mula sa bibig nito na ayaw nitong patali, and shocking is buntis siya. Hindi siya pwedeng mabuntis ng walang ama dahil sa trabaho niya pero ano pa ba ang magagawa niya?





<<3 <<3 <<3 iamyourlovelywriter





0 (mga) komento:

Post a Comment

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang