Monday, June 8, 2020

Black Magic 7 - Sparks : 11 - DIAMOND


11 – DIAMOND
            “NAPAG-ISIPAN mo na ba ang sinabi ko, Tiarra?” Salubong ng kanyang ina pagbalik niya sa sala. Napabuntong-hininga siya dahil akala niya ay matatapos na ang kalbaryo niya dito.
            She took a deep breath. She can’t let her brother and father defend her from her mother all the time. “I am not interested po.” Sabay na napatingin sa kanya ang ama at ang kapatid. “Sorry, I am going to refuse. I am still twenty-eight and I am old enough to make my own decisions.”
            “You can’t make your own decision, kaya nga nandito kami para tulungan ka.” Insist ng ina niya.
            “I am not desperate enough, Mom.” She said to her mother. “Kusa po akong lalapit sa inyo kung mangangailangan po ako ng tulong. I can decide on my own, kung hindi man umabot sa standard niyo ang mga desisyon ko pasensya na po kayo. I am doing this for myself and not to please you. I’m sorry I can and will never reach your standard as a mother.” iyon ang unang pagkakataon na sinagot niya ang kanyang ina kaya hindi nakapagtatakang maging ito ay nagulat. Maski siya ay nagulat din sa kanyang sinabi. It was really unexpected. “Matanda na po ako at sana maintindihan niyo na kaya ko na pong alagaan ang sarili ko. At sana maintindihan niyo na ang dahilan kung bakit ako lumalayo sa inyo ay dahil ayokong tinutulak niyo ako sa mga bagay na gusto niyo na hindi kinokonsidera ang nararamdaman ko.” Humugot siya ng malalim na hininga. She never felt this brave kaya lulubusin na niya bago pa man iyon maubos.
            “Habang lumalaki po ako ay mas lalong bumababa ang self-confidence ko sa pakikiharap sa mga tao dahil palagi niyo pong sinasaksak sa utak ko na hindi ako sapat at pakiramdam ko ay isa akong malaking pagkakamali para sa inyo. I’m sorry I’m useless and I’m sorry for being born as your daughter.”
            Napayuko siya habang pilit na kinakalma ang kanyang sarili. Nahihirapan siyang huminga dahil sa haba ng kanyang mga sinabi at ayaw din niyang tingnan ang mga magulang dahil ayaw niyang mabasa ang disappointment sa mukha ng mga ito pero hindi niya babawiin ang kanyang sinabi.
            “I can change myself because I want to and not because you want me to.” Dugtong niya. “Nandito ako sa harapan niyo because there are people who supported me without forcing me to do so.” Well, partly, she was forced to meet her parents by her brother and Rexon but she can’t feel any pain from their actions. Marahil sa paraan ng pagtutulak ng mga ito sa kanya, they weren’t forceful, it was a step by step process and there’s no set expectations for her to meet. Sabi nga ni Rexon, maganda man o hindi ang ending ng paghaharap nila, at least she tried and that’s already a step. “I’m sorry ngayon lang ako nagkalakas ng loob na magsalita.”
            “E-excuse me.” Ang ina naman niya ngayon ang tumayo. “Magpapahinga muna ako.” At pumanhik na sa silid nito. Naiwan silang tatlo sa sala, naramdaman niya ang paghagod ng kapatid sa kanyang likuran at ang mahihinang tapik nito sa kanya. Tiningnan niya ito at bakas sa mukha nito ang saya sa kanyang ginawa.
            “You did a great job.” Puri nito sa kanya.
            Napasulyap siya sa kanyang ama. “I’m sorry Daddy.” Lumapit ang ama sa kanya at hinila siya patayo at niyakap siya ng mahigpit.
            “I miss you, Tiarra. Patawarin mo rin sana ako anak dahil hindi ako naging mabuting ama sa iyo. Kung sana ay kinausap kita noon sana ay hindi tayo umabot sa ganito, sana ay hindi ka umalis ng bahay at nagtago.” Hinaplos nito ang kanyang buhok. “I can’t change the time.” Malungkot na ani nito.
            “Paano na po si Mommy?”
            “Hayaan mo muna ang Mommy mo na makapag-isip. Your mother really loves you so much and she just want the best for you. May mali sa paraan ng pagpapalaki namin sa iyo, akala namin ay magkatulad kayo ni Timothy pero nagkamali kami. Dalawa ang anak namin, dalawang magkaibang tao, at dalawang magkaibang ugali.” Marahang ngumiti ang ama sa kanya pero bakas pa rin ang lungkot sa mga mata. “Your mother will realize it sooner at sana kapag naging okay na siya ay buksan mo ang puso mo sa kanya. She’s still your mother.”
            “I never closed my doors, Dad. I’ll wait for her and at the same time I’ll continue changing---.” Umiling siya sa kanyang sinabi. “I’ll continue to improve myself for you to be proud of me, I am doing this because I want to and not because I was forced to do so. This is a long process kaya sana hindi rin kayo mainip sa paghihintay sa akin.”
            Siya na mismo ang yumakap sa ama. “Give my hugs to Mom, too. See you soon.” Hinalikan siya nito sa noo bilang pamamaalam.
            Lulan na sila ng sasakyan ni Timothy at nagmamaneho na rin ito palabas ng kanilang bahay. “How does it feel?” tanong nito sa kanya.
            “Good. I feel good.” Ngumiti siya dito. “Thank you, Kuya.” Malaki talaga ang utang na loob niya sa kapatid.
            “Don’t thank me, it’s my responsibility to help you since I’m your brother.” There is a hint of animosity on his voice. “I need to do it faster dahil may palagay akong may aagaw na sa iyo mula sa akin.” Nagsalubong ang kanyang kilay nang marinig ang huling sinabi nito.
            “Aagaw?”
            “Maraming kapitbahay natin ang nagpaparinig sa akin na interesado sila sa iyo. Sa tingin ba nila ay papayag akong makalapit sila ng ganoon kadali sa iyo?” bigla tuloy sumagi sa kanyang isip ang mukha ni Rexon. Gusto sana niyang itanong kung kasali ba ang lalaki sa nagpaparinig na interesado sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin upang hindi mapansin ng kuya ang pamumula ng kanyang pisngi. She shouldn’t flatter herself. “The price is very high.” Nahampas niya ng wala sa oras ang kapatid.
            “Huwag mong sabihin na ibebenta mo rin ako?”
            Natatawang umiling ito. “Ibebenta? That’s a cheap word, sister. Isusubasta kita, the higher the price the better.” Inis na kinurot niya ito sa braso, tinawanan lang siya ng kapatid.
            “You are crazy.”
            “But if you already like someone, hindi ko itutuloy ang bidding.”
            Mas lalong nag-init ang kanyang pisngi sa narinig niya. Hindi na maalis ang gwapong mukha ni Rexon sa kanyang utak. She’s really helpless. She already like someone but she can’t say it yet. She needs to re-check her feelings first. Baka nagugustuhan kasi niya ito dahil malapit ito sa kanya. She can’t risk her newly found friendship just for this feeling.
            “I’ll like myself first.” That’s the safest answer she can give to her brother.
            Tumango naman ito tila nagustuhan ang narinig mula sa kanya. “Malapit ng matapos ang dalawang linggo mong pagtatrabaho sa Café. May iba ka pa bang plano?” Matapos? Ilang araw nalang ay matatapos na nga ang usapan nil ani Rexon at babalik na ang waitress na pinalitan niya pansamantala. Dapat ay maging masaya siya pero hindi ganoon ang kanyang nararamdaman. Nag-enjoy siya sa ilang araw na pananatili niya doon at hindi niya naisip na malapit na pala iyong matapos. “You look sad.”
            “I enjoyed there.”
            “Gusto mong magtayo din tayo ng coffee shop?”
            “No!” mabilis niyang sagot dito. “Gusto ko ang mga tao sa café, they are friendly.”
            “Mga tao?” She rolled her eyes when she realized that her brother is trying to fish some information. “Mga?”
            “Yeah. There’s Marquis, Arra, Steven and more.”
            Naka-pokerface lang ang kapatid tumango-tango. “How about Rexon?”
            “I also like him.” Mabilis niyang sagot huli na nang ma-realized na baka may mahalata ang kapatid niya. “He-he’s like you. He’s kind to me.” She immediately added. Tumango-tango lang ito at hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon nito. She’s lying that’s why she’s a bit defensive. “Huwag kang gumawa ng isyu, Kuya.”
            “I’m not saying anything.” Mas malala pa nga iyon keysa sa pang-aasar nito. “You can start working in the main store.”
            Umiling siya. “I don’t like it there, hindi ba pwedeng katulad pa rin ng dati?”
            “You are going to trap yourself inside your room?”
            “Not that, I am not going to do that anymore.”
            “So, it wouldn’t be bad if you work in the main store. You can train our new designers and you can even meet new friends.” Napakagat siya ng labi at biglang napanguso. Walang mali sa gusto ng kapatid niya pero handa na ba siya? “You can still have flexible schedule, I won’t forced you to go to the office five days a week.”
            “Pwede ko bang pag-isipan muna?”
            “Sure, take your time.” Working in the main store is another step she needs to conquer. Kailangan niyang patunayan sa kanyang sarili na malakas siya.
            “Uhm, kuya.”
            “Yes?”
            “Pwede ba tayong dumaan sa Summer Café?” hindi ito tumugon sa kanyang tanong. “I want to drink iced caramel.” Isang maliit na tango lang ang ibinigay nito sa kanya. She smiled to herself, she also wanted to see Rexon. Gusto niya itong makausap tungkol sa nangyari sa kanya nitong araw na ito.

            ISANG maliit na ngiti ang ibinigay ni Tiarra nang makita si Rexon kinabuksan. Ngumiti din ito nang makita siya. Pagpasok niya sa coffee shop ay nadatnan niyang pinapagalitan nito si Marquis at iilan sa mga staff ng shop. Tahimik na nakikinig kay Rexon ang mga bata. She’s really amazed how Rex can managed to discipline these teenagers. Inaamin niyang minsan ay sumusobra ang kakulitan ng mga ito. Though they are doing their job pero paminsan-minsan ay umaandar talaga ang katigasan ng ulo ng mga ito.
            Nang makita siya ng mga pinagagalitan at bumaling ang atensyon ni Rex sa kanya ay tila nakahinga ang mga ito ng maluwang. Sa tingin nga niya ay kulang nalang lumuhod ang mga ito sa kanyang harapan.
            “Hello.” Bati niya. “You all look so lively.” Gusto niyang matawa sa kanyang sinabi dahil alam niyang hindi ganoon ang nararamdaman nina Marquis.
            “Go to work.” Utos ni Rexon sa mga kausap nito habang naglalakad papalapit sa kanya. Bago pa man nagsialisan ang mga ito na parang mga langgam ay tinawag niya si Marquis at ibinigay ang hawak na ecobag.
            “Gumawa ako ng lasagna, kainin niyo mamayang breaktime ninyo.” Ngumisi ng malaki si Marquis at pasimpleng nginisihan ang kapatid nito bago yumakap sa kanya.
            “Thank you ate Tiarra.” Dahil nasanay na siya sa presensya ng binatilyo kaya hindi na siya na-e-estatwa kapag hinahawakan nito. “You are really an angel.”
            “Marquis.” Malamig na tawag ni Rexon sa kapatid nito.
            “Aye! Aye! Captain.” Mabilis din na tumakbo papunta sa counter si Marquis para bigyan sila ng oras na mag-usap ni kapatid nito.  
            “Hi.” Masiglang bati niya kay Rexon. Nakakunot pa rin ang noo nito at tila ba may gustong sabihin pero hindi nito magawa. Saka niya naalala na may isa pa pala siyang bitbit. Mas maliit na container iyon na may lamang lasagna. “I heard from Marquis that you like lasagna. Maaga akong nagising kanina dahil maaga din akong nakatulog kahapon kaya gumawa ako.” Ibinigay niya dito ang paperbag. “I separated it from the others baka ubusan ka nila. Malakas kumain ang mga tauhan mo dito.” unti-unting nawala ang pagkakakunot ng noo nito at kinuha ang paperbag mula sa kanya. He isn’t smiling but she can sense it, he’s very pleased.
            “Thanks.” Masaya na siya sa naging ekspresyon nito.
            “Sumaglit kami ni kuya dito kahapon pero hindi na niya ako ginising dahil nakatulog ako--.” Natigilan siya ng hawakan nito ang kanyang palad. Hindi lang siya ang tila tumigil ang mundo dahil ang mga kalapit na costumers na nakakakita sa kanila ay tila namangha sa ginawa ng lalaki.
            “Let’s talk inside the office.” Mahinang tumango lang siya dahil nakalimutan na yata niya kung paano mag-isip. Pagpasok nila sa opisina ay inalalayan siya nitong umupo sa sofa.
            “Uhm… Wo-work muna ako.”
            “Hindi pa masyadong marami ang costumers.” Sabi nito pero naaalala pa niya ang kakasabi lang nito sa labas kanina na dito sila mag-uusap dahil marami ng costumers. “Let them do the hardwork today, nagiging pabaya na sila sa trabaho nila. Rest first.”
            “Masyadong mahaba ang pahinga ko, I doubt it kung makakatulog agad ako mamayang gabi.” She’s telling the truth. Masyadong na-drained ang kanyang energy kahapon kaya hindi nakapagtatakang naubos ang energy niya at sobrang haba ng kanyang tulog. “But, I really want to thank you Rex.” She smiles sweetly at him. “Kung hindi dahil sa iyo ay baka hindi ko magawang kausapin ang mga magulang ko.”
            Bahagya itong tumango. “I heard from Timothy.”
            “Eh? Nag-usap kayo ni kuya? When?”
            “Kahapon, noong dumaan kayo dito. He’s about to wake you up but I told him not, you looked really tired.” Sa likod ng kanyang utak ay gusto niyang i-murder ang kapatid. How dare him? Dapat siya ang nagku-kwento kay Rexon! Pero may bahagi ng kanyang puso na lumulutang na sa alapaap dahil sa sinabi nito. Is it really okay to fall in love with someone whom you’ve only known for days? Pakiramdam kasi niya ay hindi tama pero pakiradam din niya ay mas hindi tamang hindi tanggapin ang nararamdaman niya.
            She’s not that dumb. Sigurado siya sa kanyang nararamdaman para dito at sa mga oras na iyon, kung pagbabasehan niya ang malakas na pagpinting ng kanyang puso, ang nakakatuwang non-existence na kabag sa kanyang sikmura, ang kagustuhang makita ito at marinig ang boses nito, ang biglaang pagkawala ng kanyang energy kapag nagdidikit ang kanilang mga balat… hindi ba ito simtomas na may nararamdaman na nga siya dito? She’s in love!
            “It’s not because of me, Tiarra.” Putol nito sa katahimikan na namagitan sa kanilang dalawa. “It’s because of you. You’ve changed yourself and broke your barrier. Walang ibang tao na makakapag-utos sa iyo na gawin ang bagay na iyon unless you really wanted to. You stepped forward, you did it on your own.”
            “I did it because of you.” Mahinang sabi niya dito. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
            “As much as I love to take the credits, but I won’t. After this week, you’ll be on your own. I’ll be out the picture.” Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mga labi sa sinabi nito. “I can’t keep you here forever.” But I want to! Gusto sana niyang magprotesta. “Tiarra, you are a lovely butterfly.” Butterfly? “You were once a scared and fragile caterpillar when I first saw you, that was your first stage. Habang nagtatrabaho ka dito at nakikihalubilo ka sa mga tao, you slowly changed and improved yourself, that’s the second stage. Pagkatapos ng linggong ito, you’ll be out from your cocoon. You’ll be a successful butterfly who is not afraid to do things you really want to do.”
            “But I’m happy here.”
            “You can’t stay here.” Unti-unting nawala ang masayang pakiradmam na nararamdaman niya kanina sa sinabi nito at tila napapalitan iyon ng kakaibang lungkot na noon lang niya naramdaman. “I won’t trapped you here.” Hinuli nito ang kanyang mga mata. “You have wings so you need to fly, I can’t clip you here.” Siya lang ba ang nakakapansin pero tila nahihirapan si Rexon na sabihin sa kanya ang mga salitang iyon.
            Gusto niyang mainis at magalit dito but she can’t refute. Tama si Rexon, tama ang lahat ng sinabi nito sa kanya. Gusto niyang manatili dito dahil masaya siya na kasama ang lalaki pero hindi dito ang mundo niya. Not in that dark room she called heaven, not here… not yet here. Humugot siya ng malalim na hininga at binigyan ito ng maliit na ngiti. Naiintindihan niya ang gusto nitong sabihin. She needs to prove something for herself, she will.
            “I understand, Rex.”
            This time she will become diamond. She’ll shine the brightest among all other gemstones and become unbreakable. By then, she’ll be brave enough to chase the man she loves and when that time comes, she’ll do everything just to have him by herself forever. Wait for me, Rex.



TBC AND PHOTO CTTO



<3 <3 <3
A/N: So, natapos na ang five-day webinar namin last week. Firs time kong maging speaker, pumayag lang ako dahil through online naman siya at hindi ko nakikita ang mga participants ng eye to eye. Diyos ko, kung actual talaga iyon ay baka umiyak muna ako bago ko ipupush ang sarili kong gawin ang dapat ay trabaho ko. The anxiety is real. My bestfriend na psychology major, siya ang nagpupush sa akin na lumabas sa aking safezone. Palagi kong sinasabi sa kanya na I'm okay sa kung saan ako ngayon and I dont have to push myself further. But there are things talaga na kailangan mo na itulak ang sarili mo sa limit and this is not for other people but for yourself, for you to be better.

Habang nagse-seminar kami ay nagtext naman iyong adviser ko sa thesis at tinanong kung okay na ba ang revisions dahil open na ang online thesis defense proposal (tama ba ang order ng mga salitang ginamit ko?). Alam niyo iyong hindi ko pa natatapos ang revisions ay hiningan na niya agad ako ng updated in the middle of the seminar? Anxiety and panic attack is real talaga. Pero naging push iyon sa akin na tapusin kaagad ang trabaho ko. I hate cramming since student pa dahil parang hindi nare-retain ng utak ko ang pinag-aaralan ko and I don't really like that. Pakiramdam ko kasi sinayang ko lang ang oras ko sa ganoon. Gusto kong kapag nag-aaral ako ay maaalala ko silang lahat since gusto kong maging doctor dahil pre-med ang course ko kaya siguro naging ganoon ang mindset ko. Nadala ko na siya hanggang sa trabaho, ayoko ng mabilisang trabaho dahil feeling ko ibabalik lang ng professor ko dahil hindi tama ang mga ginagawa ko and worst, wala na akong time na itama pa dahil nga deadline na.

Iyon ang nararamdaman ko noong ipinasa ko ang revisions ko, yes, natapos siya pero parang kulang pa. To think chapter 1-3 lang iyon pero 76 pages na ang number of pages niya... huhuhuhu... so, naglalabas lang talaga ako ng hinaing ko dito since wala akong masabihan dahil nasa bahay lang naman ako. At kapag sinabihan ko si mader-dear ay baka sabihan lang niya ako ng, "Dahil iyan sa kapapanood mo ng mga kung anu-ano at pagbabasa mo ng mga kung anu-ano, sa halip na gawin mo iyan ay inuna mo pa iyong iba." So, dito nalang dahil kasalanan ko naman talaga. heheheheheeh

Sorry for the long a/n. Love you all babies!

LOVE,
INANG


Sunday, May 24, 2020

Black Magic 7 - Sparks : 10 - CITRINE



10 – CITRINE
            NAPAYAKAP si Tiarra sa hawak na stuff toy na binili niya kanina habang tinititigan ang nakakatandang kapatid na madilim na madilim ang mukhang nakatitig din sa kanya at sa kanyang kasama. It’s past eleven in the evening already, iyon ang pinakamatagal na paglabas niya sa kanilang bahay simula noong natuto siyang iwanan ang kanyang lungga.
            “Uhm, Kuya…”
            “Pumasok ka na sa loob Tiarra.” Seryosong utos ng kanyang kapatid. Minsan lang niyang makita ang ganoong mukha ng kapatid kaya sigurado siyang hindi siya pwedeng makipag-usap dito ng chill-chill lang. “Kakausapin ko lang muna si Rexon.” Bigla siyang nakaramdam ng kaba para sa lalaking kasama.
            “Don’t worry, mag-uusap lang kami ng kuya mo.” Ibinigay ni Rexon ang mga paperbag sa kanya. He slightly tapped her shoulder assuring her that everything will be okay. 
            “Matulog ka na, masyado ng gabi.” Narinig niyang utos ng kanyang kapatid sa kanya. Pumasok na siya ng bahay at pumanhik sa kanyang silid. Mula doon ay binuksan niya ang bintana at sinilip ang dalawa sa ibaba. Hindi niya marinig ang usapan ng kapatid at ni Rexon kaya mas lalo siyang kinabahan sa posibleng nangyayari. Wala naman sigurong balak na magkasakikatan ang dalawang iyon, right?
              Ilang minuto ang tinagal ng pag-uusap ng dalawang lalaki sa ibaba nang makita niyang papalabas na ng kanilang bakuran si Rexon. Binuksan niya ng malaki ang bintana, tumingala naman ito bago pumasok sa kotse at kumaway sa kanya. Ngumiti at kumaway din siya dito habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
            “Ehem… ehem…”
            “Ay, kalabaw!” nagulat na umalis siya sa may bintana nang marinig ang malakas na pagtikhim ng kanyang kapatid na nasa may pintuan na ng kanyang silid. “Ku-Kuya, anong ginagawa mo dito?” natatarantang tanong niya dito.
            “Bawal na bang silipin ang kapatid ko ngayon?”
            “Hi-hindi naman, nagulat lang ako. Anong pinag-usapan niyo ni Rexon?” tinitigan siya ng Kuya niya ng matagal. Akala niya ay sasagutin siya nito pero umayos lang ito ng tayo habang nasa magkabilang bulsa ng suot nitong pantalon.
            “Matulog ka na.”
            “Kuya--.” Napanguso siya dahil mabilis itong nakalabas ng kwarto at sinara ang pintuan. She’ll just ask Rexon tomorrow. Napangisi siya habang naaalala ang mukha ng lalaking buong araw niyang kasama at isinubsob ang mukha sa kanyang unan. “Rexon…” biglang tumunog ang kanyang cellphone at binasa ang pangalan ng nagsend sa kanya ng message.
            Good night and sweet dreams. Mula iyon kay Rex. Pinukpok niya ang unan sa hindi maipaliwanag na saya na kanyang naramdaman ng mga sandaling iyon. Tila may kumikiliti sa loob ng kanyang sikmura na umabot hanggang sa kanyang talampakan.
            Para siyang tangang nakatitig sa kanyang cellphone at iniisip kung ano ang mga tamang salita na ire-reply niya dito. Hanggang sa hindi niya namalayan na tinamaan na pala siya ng antok at nakatulog.
            “Oh my God! Anong oras na?” napatingin siya sa alarm clock na nasa kanyang side table. It’s already past seven in the morning. Mabilis siyang tumayo at tiningnan ang sarili, nakatulog siya ng hindi nakakapagbihis. “Cellphone.” naalala niya ang huling text na natanggap niya kagabi mula kay Rexon na hindi niya na-reply-an dahil nakatulog siya. “Darn it!”  
            Nagmamadali siyang pumasok sa banyo para maligo at mag-ayos. Kailangan pa niyang ihanda ang kanilang almusal bago siya pumunta sa Café. Pagkababa niya ay nadatnan niya ang kapatid sa sala na umiinom ng kape at nagbabasa ng newspaper.
            “Mabuti naman at gising ka na.” sinulyapan siya nito. “Kumain muna tayo ng breakfast bago umalis.” Nagdugtong ang kanyang kilay sa sinabi ng kapatid.
            “Aalis?”
            “May pupuntahan tayo, kinausap ko na kagabi si Rexon na hindi ka pupunta sa Café dahil may kailangan tayong puntahan.” Mas lalong kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.
            “Puntahan? Saan ba tayo pupunta?”
            “I’m hungry, cook our breakfast.” Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak ng kanyang kapatid. Gusto sana niyang tumanggi pero iyon ang unang beses na isasama siya ng kapatid sa kung saan kaya imposibleng tumanggi.

            TAHIMIK na nakamasid lang si Tiarra sa mga tanawin at lugar na nadadaanan ng kotse kung saan sila nakasakay. There’s an awkward silence between them and she doesn’t want to break that silence. Natatakot siya sa sa posibleng mga tanong ng kapatid niya sa kanya baka hindi niya ito masagot ng maayos.
            Kinuha niya ang kanyang cellphone at muling tinitigan ang text ni Rexon sa kanya na hindi niya nasagot. Won’t he think it weird when she replied his text late? She can just apologize for not replying and apologize for not personally telling him that she can’t go to the café.
            Good morning, pasensya ka na hindi na ako nakapag-reply last night. Nakatulog agad ako at hindi ako nakapagpaalam na hindi papasok today.
            Sent.
            Ang lakas ng kabog ng kanyang puso habang nakatitig sa kanyang cellphone screen. Kung pwede lang na tumili at magsisigaw sa loob ng sasakyan ay ginawa na niya.
            “Why do you look so happy?”
            “Huh? Ha?” mabilis na niyakap niya ang cellphone. Baka kasi agawin nalang nito iyon bigla at mabasa ang text niya. “Wala.”
            Nagdugtong ang dalawang kilay nito. “You are hiding something?”
            “Wala.” She toned down her voice. “Saan ba tayo pupunta?”
            “Hindi mo ba maalala ang dinadaanan natin?” Umiling siya. “Really?” nagkibit-balikat lang siya dahil kahit anong gawin niyang halukay sa kanyang utak ay hindi niya maalala ang daan na iyon. She’s not good with directions. Nagvibrate ang kanyang cellphone at nang kanyang silipin ay pangalan ni Rexon ang nakatatak doon.
            Mabilis niyang binuksan ang text message at binasa ang message. Your brother told me yesterday, keep safe. Call or text me if you aren’t comfortable.
            She immediately hit the reply button. Thank you and I will.
            Narinig niyang napabuntong-hininga ang kanyang kapatid at nang tingnan niya ito ay naiiling lang ito. Hindi rin maganda ang ekspresyon ng mukha ng kapatid niya.
            “What’s wrong?” she asked.
            “It’s not ours.”
            “Ang alin?”
            “The necklace.” Napahawak siya sa kwentas. “You bought it?”
            Mabilis siyang umiling. “Someone gave it to me.”
            “Someone?” May halong pagdududa sa boses nito. “Who?”
            “Bakit kailangan mo pang malaman?” inis na tanong niya dito.      
            “So, I can blacklist that someone forever for not patronizing our product.” Nag-isang linya ang kanyang mga labi.
            “A friend.” Mabilis niyang sagot. “Hindi mo siya kilala.”
            Nagdugtong ang kilay ng kausap. “A friend? Hindi ko kilala? I am wondering who, I know you have limited number of friends and I know all of them. Sino sa kanila?”
            “You don’t know hi—her.” Muntik na siyang madulas doon, ah.
            “Him? Her?” Kanina pa siya nabubuwisit sa kapatid niya. Halatang gusto nitong malaman kung sino ang nagbigay sa kanya ng kwentas. She can’t tell her brother that it’s from Rexon or else baka iba ang isipin nito. “A him? Or, a her?”
            “Her.” She lied.
            “Her? Who?”
            “Kuya, bakit ba ang kulit mo?” inis na tanong niya dito. “Basta hindi mo siya kilala, she’s not from the village.” Nagkibit-balikat siya at inis na napatingin sa daan. Narinig niya ang mahinang pagtawa ng kapatid at nang mag-stop ay may kinuha ito sa compartment ng sasakyan.
            “Here.” Kinuha niya ang maliit na velvet box at binuksan ang laman. “That’s the new stud earrings you design a week ago.” She smiled when she saw the yellow citrine gemstone. The color is really uplifting. “Wear that, I think you need that one now.”
            “Huh? Why?”
            “It will look good on you.” She shrugged her shoulders and wear the stud earrings. Hindi iyon masyadong halata lalo pa at natatakpan ng kanyang mahabang buhok. “We are here.” Napasulyap siya sa malaking gate na nasa kanilang harapan at malakas na napasinghap.
            “Why are we here?” natatarantang tanong niya dito.
            “They want to see us, today is their anniversary.” Nagdugtong ang kanyang kilay. “Did you forget?”
            “But I don’t celebrate it with them, I am going home.” Binuksan niya ang pintuan ng kotse para lumabas pero mabilis siyang napigilan ng kapatid.
            “Come on Tiarra, just today. Just for today and if you are still not comfortable, we can go home after the lunch.”
            She clenched her fists. “You promise?”
            “I promise.” Bumukas ang gate kaya dali-daling umabante ang kapatid para makapag-park ng maayos. Matagal na siyang hindi dumadalo sa mga pagtitipon na ginagawa ng kanyang mga magulang lalo na kung may mga bisita. Noong lumipat siya ng bahay ay ilang beses siyang tinawagan ng kanyang parents, sinasagot naman niya ang mga iyon, pero hindi siya kailanman pumayag na dumalo sa mga parties.
            Napatingin siya sa buong paligid. Walang mga sasakyan na naka-park, ibig sabihin ay sila-sila lang ang nandoon. Sabay na silang bumaba na magkapatid, hinintay niya ang kuya niya na may kinuhang mga boxes sa trunk na sa palagay niya ay mga regalo para sa kanyang mga magulang.
            “Let’s go inside.” Hinawakan niya ito sa braso at alam niyang ramdam nito ang panlalamig ng kanyang mga palad. “Everything will be okay.” He assures her. The weird thing is, she can’t really calm down.  Kung dati ay mabilis siyang napapakalma ng kuya ngayon ay tila may hinahanap siya.
            “Timothy and… Tiarra? Is that you my dear?” salubong ng kanyang Mommy. Maganda pa rin ang ina kahit na may edad na ito, madisiplina at maalaga ito sa katawan kaya name-maintain nito iyon. “You look like me when I was in your age. Finally, I saw some changes. This is a miracle--.”
            “Mom.” May halong paninita sa boses ng kanyang kuya. “Where’s Dad?”
            “He’s in the living room.” Akmang hahawakan siya ng ina nang umiwas siya at nagtago sa likod ng kanyang kapatid. Sumunod lang siya sa kuya niya, ayaw niyang maiwan kasama ang kanyang ina.
            “Dad?”
            “Timothy, finally you are here. Did you bring your sister?” she popped out from her brother’s back to see her father. “Tiarra? Is that really you?” bahagyang tumango siya sa ama bilang pagbati. Ilang taon din niyang hindi nakita ang kanyang mga magulang kaya hindi rin niya alam kung paano haharapin at kausapin ang mga ito. Magdadalawang-linggo pa lang siyang nakakalabas ng bahay at sa iilang tao pa napapalagay ang kanyang loob. “You are so beautiful, Tiarra.” A warm smile appeared from her father’s lips and the longingness is visible on his eyes.
            Iyong anxiety na nararamdaman niya ay unti-unting bumaba ang lebel. “D-Dad.” Tawag niya dito. Hindi ito lumapit sa kanya siguro ay nararamdaman pa nito ang kanyang pagkailang pero hindi nawala ang mainit na ngiti sa mga labi nito para sa kanya.
            “It’s already lunch time, kumain na tayo.” Yaya ng kanyang ama. Nauna na ito sa kanila papunta sa dining area at doon nila nadatnan ang kanyang ina na abala sa paghahanda ng mga pagkain.        
            “Bakit nga po pala walang mga bisita?” tanong ni Timothy.
            “When you called and told us that you’ll bring your sister I forced your mother to make our anniversary an intimate family affair.” Sagot ng ama. “Pumayag naman siya.” nabasa niya ang relief sa mukha ng Daddy niya. She can’t blame her father, her mother loves being around with people and be surrounded with people. Sabi nga ng marami ay sa ina nagmana ang kanyang kapatid at siya naman ay sa ama. Introverted ang kanyang Daddy kaya sa mga party ay iyong mga kakilala at mga kaibigan lang nito ang kinakausap.
            “There you are people, let’s eat.” Marami ang mga pagkain na nakahain sa mesa at naghalo-halo na ang amoy doon. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagbaligtad ng sikmura habang lumalakas ng lumalakas ang kaba sa kanyang dibdib.
            “Dito ka na maupo sa tabi ko, Sis.” She won’t say no and she won’t sit anywhere unless its beside her brother. Lumapit sa kanila ang mga kasambahay, ang iilan sa mga iyon ay hindi niya kilala at iyong iba naman ay natatandaan pa niya ang mukha kaya binati niya ang mga naaalala niya.
            “Mabuti naman at naalala mo pa kaming bisitahin, Tiarra. Ilang taon na rin noong huli kang umuwi dito.” narinig niyang sabi ng kanyang ina.
            “Uhm…” sumulyap siya sa kapatid dahil ayaw niyang sabihin na hindi sinabi ni Timothy sa kanya na pupunta siya doon kaya hindi siya nakapagreklamo.
            “She wants to surprise you two pero sinabi ko rin para hindi na kayo magulat.” Her brother saved her. Kumuha na siya ng pagkain at inilagay sa kanyang plato katulad ng ginagawa ng mga kasama niya sa mesa.
            “Don’t eat that, Tiarra. Maraming carbs iyan baka tumaba ka na naman--.” She flinched and immediately drop her spoon and fork.
            “S-sorry.” Kung kanina ay nawalan na siya ng gana sa pagkain mas lalong hindi na niya gustong umupo doon. Her mother never changed.     
            “Kristal, hayaan mong kainin ng anak mo ang gusto niyang kainin. Matanda na si Tiarra hindi mo na siya dapat mandaran ng kung ano ang gusto niyang gawin.” That was the first time she heard her father defended her from her Mom’s controlling nature.
            “But I only want the best for her.” Reklamo ng Mommy niya sa kanyang ama. “If she eats too much, she’ll gain weight again. Gusto ko siyang ipagmalaki sa mga kaibigan ko kaya dapat i-maintain niya ang ayos niya.” Naikuyom niya ang kanyang mga palad.
            “Tama si Daddy, ‘My. Let my sister eat whatever she wants and besides she already knew what’s good and bad for her. She’s been cooking for the two us since we transferred and she’s been healthy since then.” Pagtatanggol ng kuya niya sa kanya. Bumaling ito sa kanya. “You eat, we are going home after lunch.” Tumango lang siya dito.
            “Hindi ba kayo magtatagal dito, Timothy? Tiarra?” malungkot na tanong ni Alex sa mga anak. “Dito na rin kayo matulog para makausap pa namin kayo ng matagal.” Hindi sila sumagot na magkapatid. Natapos ang kanilang pananghalian na hindi niya maintindihan ang lasa ng mga pagkain na kanyang kinakain.
            Nagpunta sila sa living room para makapag-usap-usap. Ang ama niya ang kumakausap sa kanya, ito ang tumatawag ng pansin niya kapag natatahimik siya. Una nilang topic ay tungkol sa negosyo at kung maayos ba ang lahat.
            Tumikhim ang kanyang ina na kanina pa tumititig sa kanya habang inuubos ang paborito nitong chamomile tea. “Tiarra, you are already twenty-eight. Wala ka bang balak na mag-asawa? Sa edad mo na iyan ay may asawa na ako at ipinanganak ko na rin ang kapatid mo. You are getting older you should think about your future. Kung wala ka pang nobyo ay walang problema doon, marami akong mga kaibigan na may mga anak na pwede mong mapangasawa. I can set a date for you.”
            Nag-isang linya ang kanyang mga labi. She really hates it when she’s pushed by her to do things she doesn’t want to do.
            “Excuse me.” Tumayo siya. “Restroom.” Bitbit ang kanyang cellphone ay nagtungo siya sa banyo at iniwan ang tatlo sa sala. Gusto niyang sumigaw sa inis nang maalala ang sinabi ng kanyang Mommy. She opened her cellphone and dialed Rexon’s number. Nagring iyon ng ilang beses pero walang sumagot.
            “He must be busy.” Naupo siya sa gilid ng bath tub at napabuntong-hininga. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pilit na kinakalma ang sarili. Her anxiety is killing her and her mother is adding the fuel of her despair. “I need to be strong.” Tumayo siya at nagpunta sa harap ng salamin. The light reflected the small gem attached on her stud earring. “Kaya pala sinabi ni kuya na kailangan ko ito.” Citrine restores one’s strength and faith in one’s self. It can also raise her self-esteem and overcome challenges.
            “You can’t be timid forever, Tiarra. You also need to speak up.” She said to her reflection. She made a series of inhale and exhale before she decided to face her fears. “My goodness.” Bulalas niya nang magvibrate ang kanyang cellphone at nang tingnan ang caller ay gumuhit ang ngiti sa kanyang mga labi. Mabilis niya iyong sinagot.
            “Hello?” kumabog ng husto ang kanyang dibdib nang marinig ang boses ni Rexon sa kabilang linya. “Tiarra? Are you okay? Pasensya na kung hindi ko nasagot ang tawag mo agad, I left my phone in the office.”
            “Ahh, sorry kung nadisturbo kita.”
            “No! I told you to call me whenever you want.” Whenever she wants? Base sa text nito ay kung kailan hindi siya komportable ay pwede siyang tumawag. Since, sinabi nitong whenever she wants pwede siguro niyang panghawakan iyon. “What’s wrong?” siya lang ba o naringgan niya ng pag-aalala ang tono ng boses nito.
            “I’m in my parents house.” Hindi ito sumagot sa kanyang sinabi mukhang may ideya na ito sa kung saan siya pupunta. Malamang ay nasabi na ng kapatid kagabi. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin ba niya ang mga nangyari.
            “I am relieved that you are brave enough to finally meet your parents after these years.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Tiarra, can I apologize?”
            Kumunot ang kanyang noo. “For what?”
            “I told your brother to bring you there.”
            “What?!” mas nagulat siya sa sinabi nito. “Why?”
            “Because I know you can. I told you you are quite brave for a timid woman and facing them is a very important step in improving your self-esteem. Nagawa mo silang harapin at kausapin, hindi man maging maganda ang kinalabasan pero sinubukan mo. I am very proud of you.”
            I am very proud of you. Iyon ang paulit-ulit na nag-e-echo sa kanyang utak hanggang sa bumaba iyon sa kanyang puso. She should hate him for pushing her to meet her parents but she understood his intentions. He even said he’s proud of her, she’s never been this happy.
            “Thank you, Rexon.” Magaan ang kanyang loob na pasalamat niya dito.
            “Let’s talk tomorrow?” tumango siya kahit hindi naman siya nito nakikita.
            “We will, uhm… good bye.” Ngumiti siya sa kanyang sariling repleksyon.
            “Bye. And by the way Tiarra, maganda pa rin ang boses mo kahit sa cellphone.” Napanganga siya sa sinabi nito at natagpuan ang sariling namumula ang pisngi habang sapo ang dibdib. He ended the call before she can say something. Posible bang mahulog ang loob mo sa isang tao na ilang araw mo pa lang nakikilala? Kung totoo iyon, she is falling for him and she knew she doesn’t want to be saved from the fall.
TBC
PHOTO CTTO


<3 <3 <3
A/N: Sa mga nakabasa na ng post ko sa FB, I would like to inform the readers of this story especially sa mga new readers at sa mga previous readers ko pa rin. As you can see, karamihan sa mga sinusulat ko ay series para hindi na ako mahirapan na maalala ang mga characters. Nahihirapan kasi akong maghanap ng mga names ng characters tapos kapag may new story akong naiisip ay nasasayangan ako sa mga extra sa previous stories na naisulat ko kaya sila na rin ang ginagamit ko. Among the series ay may dalawa akong stand alone stories, meaning, wala siyang stories at nasa approximately, 50 chapters. I was contacted by an editor from Dreame. May Dreame account na ako since dahil mahilig akong magbasa ng mga free novels, especially, iyong English na wolf-theme stories like Alpha, Omega, Mate and the like. Marami doon pero never akong nagpost ng story kasi nga loyal ako sa wattpad. They contacted me and asked me kung pwede ko bang ilipat ang Waiting on a Feeling (Jair and Xyler) and Twin's Tricks (Eon and Aleeyah) sa Dreame under a contract. I said, I'll give it a try since iyong dalawa lang naman ang ililipat ko doon. Soon, I will be removing those two stories sa wattpad. This is partly an experiment before ako magself-publish next year. Balak ko sanang mag-self pub after ng thesis ko para hindi ako ma-distract.
So, iyon lang naman. I'll go back watching my BL Thai stories.

LOVE,
INANG

Friday, May 22, 2020

Black Magic 7 - Spark : 9 - ROSE QUARTZ


9 – ROSE QUARTZ

            DAPAT ba na lumabas nalang siya ng Winter Café? Kanina pa hawak ni Rex ang kanyang kamay nang pumasok sila at awtomatikong napapatingin ang mga staff nito sa kanila. Mas maraming tao doon dahil na rin nasa mall.
            “Are you okay?” inilipat nito ang kamay sa kanyang beywang securing her. “Are you tired?” At first, she felt suffocated but when he securely wrapped his arm around her waist, she suddenly felt okay.
            “I’m fine.” Tinawag nito ang isang waiter doon at may sinabi dito.
            “Let’s go inside the office.” Mas maliit ang opisina nito dito pero malaki ang sa labas. Gaya ng pangalan ng café, winter din ang theme nito at talaga namang nakaka-relax sa mata ang pinaghalong white at blue, lalo na ang mga malalaking snowflakes. Kaya hindi rin nakakapagtakang marami ngang nagpupunta maliban na rin sa masarap ang mga coffee and cakes.
            “Kay Yumi din ba ang mga cakes dito?”
            Pinaupo siya nito. “Yes, they are our official partner ever since. Ang kapatid ko ang nag-aasikaso dito kaya lang ay may inaasikaso siya.”
            “How many branches you have?”
            “Summer, Winter, Autumn and Spring Café. We are trying to branch out to other places.” Winter Café is more modern than what they have in the subdivision.
            “You are really busy.”
            “My two sisters are helping me here, I’m not really that busy. Do you feel uncomfortable?”
            “Not when I’m with you. Nakaka-suffocate lang noong una dahil siguro matagal na rin akong hindi napapaligiran ng mga tao but I’m getting better.” May pumasok na waiter na may bitbit na pagkain na hindi mula sa coffee shop.
            “Let’s eat first.”
            “A-ako na.” siya na ang nag-asikaso ng mga pagkain. “Hindi naman ito mabigat.” Tinulungan niya ang waiter na ilapag ang mga pagkain sa mesa. “Thank you.” Aniya dito.
            “Tatapusin ko lang ito para maka-alis na rin tayo, pwede kang lumabas kung gusto mo pero hindi ka pwedeng umalis ng café ng hindi ako kasama.” Siya na rin ang naglagay ng kutsara at tinidor sa tabi ng plato nitong may laman na pagkain. Nagsimula na siyang kumain habang may tinatapos itong trabaho, habang ginagawa nito iyon ay hindi niya napigilan ang sariling hindi ito titigan at sulyap-sulyapan. He really looks so handsome and captivating especially when he’s working.
            “Hindi mo matatapos ang pagkain mo kung tititigan mol ang ako.” Mabilis niyang inilipat ang tingin sa pagkain dahil nahihiya siya sa pagkahuli nito sa kanya. “But I don’t really mind you looking at me.” Nasapo niya ang kanyang mukha dahil alam niyang pulang-pula na iyon.
            Mabilis niyang tinapos ang pagkain. “I’ll give them the dishes.” Hinuli naman nito ang kanyang braso.
            “Leave it here.” He is still wearing that naughty smile on his face. “Do you still want to eat something?”
            “Bu-busog na ako. Maglalakad-lakad lang ako.” Hinila niya ang kamay mula dito baka maramdaman nito ang unstable na tibok ng kanyang puso.
            “Did you bring your phone?”
            “Yes.” It took her a while before she finally decided to go out, na-trap siya sa pagtitig dito. Nang nasa labas na siya ay pasimple niyang sinampal ang magkabilang pisngi para ibalik iyon sa normal.    
             
            “NAKITA niyo ba ang babaeng kasama ko kanina?” iyon ang unang tanong ni Rexon paglabas niya sa opisina. Nagtaka siya dahil hindi ito agad bumalik and she didn’t even mind answering his calls. He’s trapped because of a video conference, he even excused himself from the meeting to check her.
            “Nandoon po Boss.” Itinuro ng isang staff niya ang pinakasulok na bahagi ng café. There he saw her in the middle of big shopping bags looking so depressed. “Kanina po ay naka-upo lang siya at tinititigan ang pintuan. Akala nga namin ay hindi niya nagustuhan ang design pero nagulat nalang po kami ng bigla siyang lumabas at pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik din po si Maam na may dalang mga paperbags.”
Lumapit siya kay Tiarra. “What are you doing here?” Halatang nagulat ito sa biglaang pagsulpot niya at nang tumingin ito sa kanya, she is wearing this cute depressing look as if she made a very bad decision that can ruin humankind. “What happened?” iniwas nito ang tingin sa kanya at napabuntong-hininga. Sinilip niya ang mga paperbags na nasa tabi nito, sinabi niya dito na sasamahan niya ito mamasyal sa mall pero mukhang hindi na niya kailangang gawin iyon. He felt a bit disappointed.
            “I… I’m stupid.” She heard him whisper. “I-I went out just for these and I think my brother will surely kill me. I almost maxed out my credit limit.” Napasubsob ito sa mesa. “I went out to be killed.” He can hear her whimpering and as much as he hates to admit it, she’s acting really cute while being depressed like this. Sinilip niya ang laman ng paperbag and was surprised to see the content. Hindi niya napigilan ang sarili at natawa. Nagtaas ito ng tingin at masama siyang tiningnan. Her face is red may be due to embarrassment.
            “Your brother will not go bankrupt because of this.” Gumalaw ito at hinila ang resibo at ipinakita sa kanya.
            “He will!”

            “HE will!” ang rason kung bakit siya lumabas ay dahil nakita niya sa fina-follow na social media na may mga bagong labas na stuff toys na naka-display. Normally, lumalabas lang siya kapag gabi at halos wala ng tao sa mall kaya nga nagdadalawang isip siya na lumabas but she’s really tempted knowing that the store only sells limited designs. She may be like this but hell with it, she really loves stuff toys, she likes cute stuff. She’s in the middle of her delimma when she heard him laughing. Tiningnan niya ito ng masama.
            “Sorry, I just can’t help it. You’re just so cute.” She pursed her lips because she really wants to say bad at him but she can’t. Why? Gwapo na ito naturally pero nang makita niya itong tumawa ay parang nag-ten times yata ang nararamdaman niyang attraction dito. Napabuntong-hininga nalang siya.
            “Weren’t you busy?” ibinalik niya sa paperbag ang resibo.
            “You are fine now?” balik nitong tanong sa kanya.
            “Yeah, I’ll just pay the bills with my own money. Balak ko sanang si kuya ang pagbayarin but I changed my mind.” Napansin niya ang pagsilip nito sa mga paperbags at bago pa man nito iyon makita ay mabilis na niyang tinakpan ang mga iyon dahil baka kung ano ang isipin nito sa kanya.
            “You muster your courage to go out alone just to buy these, you are pretty brave.” Nag-init ang kanyang pisngi sa sinabi nito. He sounds pretty amused, there’s not note of sarcasm on his tone. “Let’s put this in the office and let’s go outside.”
            “Ha? No! I mean okay na ako.” Pero hindi ito nakinig sa kanya at inutusan ang mga tauhan nitong kunin ang mga paperbags at dalhin sa loob ng opisina nito. “Teyka lang, hindi ba may meeting ka pa?” Ngumiti lang ito sa kanya.
            “Kanina pa tapos ang meeting.” Inilahad nito ang palad sa harap niya. “Let’s go.” Wala siyang choice kundi ang hawakan ang palad nito--- mali, may choice siya. Pwede naman siyang tumayo kahit hindi niya ito hawakan pero gusto niya ang pakiramdam na hawak nito. He makes her feel safe.
            Nasa labas na sila ng coffee shop nang mapansin na mas marami na ang tao sa paligid keysa kanina. Well, noong lumabas siya ay halos tinakbo na niya ang shop at wala siyang pakialam sa mga nakapaligid sa kanya ganoon din noong bumalik siya. But this time, wala siyang tiyak na destinasyon kaya napapansin na niya ang mga taong iyon. She felt Rex holding her tight telling her that she’s okay and she’ll be fine and she believes him.
            That’s what she thought because they ended up having a little argument for some petty things just like now.
            “Don’t look at me like that.” Nagkibit-balikat siya habang masamang nakatitig dito. “This is a just a piece of jewelry.” Tinaasan niya ito ng kilay. How can someone so gentle like him act like a stubborn bull? Nakatingin din sa kanila ang attendant ng shop, kanina pa sila nag-aaway pero hindi sila sinasaway nito. Ang balak sana niya ay pumasok sa isang jewelry shop na hindi pagmamay-ari ng kapatid. In short, a rival store and Rexon just pointed out to buy one for her.
            “Bakit mo ako bibilhan ng diamond ring?” kunot-noong tanong niya dito. He just shrugged as if it doesn’t really matter. Bitbit nito ang mga paperbags na hindi niya alam kung paano siya nito napilit na bayaran nito. Ang maliit na away nila ay kapag tinatanong nito kung gusto ba niya at sasabihin naman niyang ‘yes’ dahil nacu-cute-an siya ay binibili nito with or without her approval kapag hindi siya nakatingin. And when he asked her if she likes the diamond ring she almost said yes for pete sake! Kaya heto sila ngayon at hindi makausad.
            “Why not? It’s just a ring.” Wala ba talaga itong alam? “And it’s not so expensive.” Napaawang ang kanyang mga labi dahil sa sinabi nito habang napapatingin sa singsing. She’s a jewelry designer at alam niya ang quality ng mga bato at ginto na nakikita niya and there’s no such thing as not expensive when it comes to a diamond ring.
            “Sir, baka po nahihiya si Maam. Pwede niyo naman siyang i-surprise kapag nagpropose kayo sa kanya.” Nag-isang linya ang kanyang mga labi at binalingan ang attendant. Mas lalong sumakit ang ulo niya ng mapansin na pinag-iisipan ni Rexon ang sinabi ng babae.
            “You are mistaken Miss.” Aniya sa attendant na nakangiti lang sa kanila. “We are not here for that.” Lumapit na siya sa lalaki at hinila ang braso nito. “Let’s go out.”
            “But we didn’t buy one yet.” Anitong wala sa plano na umalis. He is still looking at the diamond ring. “I think the ring looks good on you.”
            “Kapag hindi ka tumigil diyan ay iiwanan kita dito.”
            “You really don’t like the ring?”
            Namula ang kanyang pisngi dahil sa pagtitimpi niya sa lalaki, sino bang makakaalam na ito lang pala ang makakaubos ng kanyang pasensya. Her brt. “It’s a diamond!” she hissed.
            “And? It looks good on you.”
            Tuluyan na niyang nasapo ang ulo. “Fine, fine, you get me anything except for that diamond ring.”
            Lumiwanag ang mukha nito sa kanyang sinabi at tila parang bula na naglaho ang inis na nararamdaman niya dito. He looks happy when she said it. Hindi niya alam kung ano ang binili nito hopefully ay hindi iyon mahal, ibabalik niya ang lahat ng ginastos nito sa kanya which means she needs to double time her work for her brother.
            “Done?” tanong niya.
            “Yes.” Halatang masaya ang loko. “Where do you want to go next?”
            “Back to your café shop. Mababaliw ako kapag kasama ka.” She heard him laughing.
            “You always argue with me, it’s easier to go with the flow.” Nahampas niya sa braso ang lalaki.
            “Baliw ka ba? Lahat nalang yata ng pasukan natin na shop ay may binibili ka you are worst than my brother. Hindi kita isasama kapag namili ako sa susunod.” Natigilan siya sa kanyang sinabi. “Nevermind what I said.”
            “Are you sure na babalik na tayo sa café? Maaga pa at may hindi pa tayo napupuntahan.” Tinaasan niya ito ng kilay.
            “I’m hungry and tired. Inubos mo ang energy at pasensya ko.” Hindi niya napigilang usal. Magaan talaga ang loob niya kay Rex kaya nasasabi niya ang mga gusto niyang sabihin. She hates to admit it but she did enjoy having him around her like this.
            “Tiarra? Tiarra Jane Rodriguez?” isang pamilyar at matangkad na lalaki ang biglang humarang sa kanyang daraanan. “Oh wow, it’s really you. Hindi na kita halos nakilala.” Bahagya siyang napaatras dahil hindi niya nagustuhan ang naging reaksyon niya sa lalaking lumapit sa kanya. “It’s me Marcial De Leon.” Of course! How can she forget that name? “Kumusta ka na?” she is about to run when she felt Rex’s presence beside her. Napansin din niya ang paglipat ng tingin ni Marcial mula sa kanya papunta kay Rex.
            “Are you okay?” tanong ni Rexon sa kanya. “Do you know him?”
            Mahina siyang tumango. “He’s a former classmate.” Maingat na hinawakan ni Rexon ang kanyang beywang para bigyan siya ng suporta.
            “Sorry, we don’t want to be rude but she’s really tired and hungry excuse us.” Isang maliit na tango lang ang ibinigay ni Marcial habang inaalalayan siya ni Rexon palayo dito. “Calm down.” May mainit na bagay na dumampi sa kanyang ulo na mas lalong nagpalakas ng tibok ng kanyang puso. Paano pa niya makakalma ang sarili sa ginawa nito? He kissed her forehead or hallucination lang niya iyon?  
            Tahimik na nakaupo siya sa couch na nasa office ni Rex habang nasa mga kamay ang isang baso ng lemonaide na ibinigay nito sa kanya. Halos nangangalahati na rin ang laman ng baso dahil kanina pa niya iyon nilalantakan. She’s okay now but she can’t still forget how he held her to make her feel at ease. She doesn’t want to make a fuss about it because he seems okay. Pagbalik nila sa opisina nito ay kumuha ito ng lemonaide tapos ay bumalik sa trabaho, mukhang may kaunting problema yata. She opened her cellphone and checked her emails when suddenly an unfamiliar mail pop up. Tiningnan niya ang date, two days ago na-send iyon. Masyado ba siyang busy para hindi mapansin ang mga iyon?
            Binasa niya ang e-mail. It’s an invitation for a reunion. Una si Marcial tapos ngayon ay reunion? Pupunta ba siya? Of course not! Never! She is about to delete it when someone suddenly grab her phone from her.
            “Reunion? Hindi ka pupunta?”
            “Rex, give it back.” Itinaas lang niya ang braso para kuhanin ang cellphone pero hindi siya nito pinansin.
            “You go.”
            “No, I’m fine--.”
            “That man we saw earlier was your classmate.” Nag-isang linya ang kanyang mga labi dahil totoo iyon. “Did he bully you before?” mas lalo siyang hindi nakapagsalita dahil hindi niya kayang i-deny iyon. No one asked her that question when she was young. Hindi rin nagtanong ang kanyang mga magulang, they assumed that she’s fine even if she shut herself inside her room. They thought it was a part of her teenage predicaments. Her brother didn’t ask her the question as well. “’So, he did.” Napatingin siya kay Rexon dahil biglang nag-iba ang tono ng boses nito. He still looks calm and collected but there’s something weird around him.
            “He is one of the reasons why I outcasted myself. He’s my first crush in high school and I told him what I felt unfortunately the feeling wasn’t mutual.” Naalala pa niya kung paano siya nito pinagtawanan dati at kung paano nito pinagsabi sa lahat na crush niya ito. Simula noon ay naging tampulan na siya ng tukso ng kanyang mga kaklase at sinasabi ng lahat na makapal ang mukha niya para magkagusto kay Marcial. It wasn’t her fault that she likes him, bago siya umamin ay mabait ito sa kanya at pinagtatanggol sa mga nambu-bully dahil na rin sa kanyang weight problems. Pagkatapos ng pag-amin niya ay dumistansya na ito sa kanya at kapag nagkakalapit sila ay lantaran din ang pag-iwas ng lalaki.
            “Do you still like that prick?”
            “Of course not!”
            “But he is the reason why you outcasted yourself.”
            “One of the reasons.” Pagtatama niya dito. “He’s the trigger, pero hindi na talaga ako malapit sa mga tao bago pa man mangyari ang lahat ng iyon. As you see I’ve been pressured by my parents to lose some weight when I entered high school. My mother was a model before and having a daughter was her dream. Gusto niyang sumunod ako sa yapak niya unfortunately I’m not like her. Kapag may mga events sa bahay at nakikita ako ng mga nakakakilala sa nanay ko ay sinasabi nila na kailangan kong gawin ito, kailangan kong bawasan ito, and before I knew it I’m already drowning with their expectations. And I met that guy, mabait naman siya sa akin bago ko sinabi sa kanya na may gusto ako sa kanya but everything changed when I told him how I felt.”
“Since then ay nagsimula na akong mas lumayo sa mga tao, I literally shut myself from my parents, from other people. Ang nanatili lang sa tabi ko ay ang kapatid ko, he never forced me to do what other people want me to do, maliban nalang sa pagpapalabas sa akin sa lungga ko lately.” Mahabang pag-amin niya kay Rexon. “And you are the first person who asked me if I was bullied.” Ngumiti siya sa kausap. “Kung tinanong siguro ako ng mga magulang ko ng ganoon noon and didn’t tell kuya dahil baka kung ano ang gawin niya, maybe I’m a little different today so I want to thank you.
“Do you hate your parents?” Hate? Umiling siya bilang kasagutan.
“Hate is such as strong word, disappointed maybe.” Ibinaba niya ang baso na hawak pa rin niya sa center table. “And scared.”
“Scared?”
“Now that I’m getting older na-isip ko na baka gusto lang nila ang nakakabuti sa akin hindi ko lang siguro matanggap ang paraan nila. Well, iba-iba naman kasi ang acceptance capacity ng mga tao. Natatakot ako na baka kapag nakaharap ko uli sila ay may ipilit na naman sila sa akin na hindi ko gusto. I want them to consider my feelings first and meet halfway if possible.” Posible pala talagang may isang tao na hindi mo naman kadugo at hindi mo rin ganoon kakilala pero nasasabi mo sa kanila ang nararamdaman mo. “At natatakot ako na hindi makapagsalita at iinsist ang gusto ko.”
Ibinalik ni Rex sa kanya ang kanyang cellphone. “You are stronger than you think you are, Tiarra. You just need to raise your self-esteem and confidence.” Naramdaman niya ang paghawak nito sa kanyang palad. “I am not going to force you to attend the reunion. It will still depend on you pero kung magbago man ang desisyon mo tandaan mo tutulungan kita. Pwede kitang samahan.”
May kung anong matigas na bagay na tila gumuho sa kanyang dibdib habang nakatitig sa gwapong mukha ni Rexon. Why are you so kind to me, Rex? Gusto sana niyang itanong dito pero tila may pumipigil sa kanya na gawin iyon.
“Before I forget.” May kinuha ito sa bulsa ng suot nitong pantalon. Isang maliit na box, binuksan at kinuha nito ang laman. It’s a necklace with a rose quartz in floral design pendant. “It’s not your design but I think the stone really suits you well.” Hinawi nito ang kanyang buhok at isinuot ang kwentas sa kanya.
“Th-Thank you.” Hayon na naman ang malakas na tibok ng kanyang puso. Will her heartbeat become normal when she’s with him? Napahawak siya sa pendant ng suot na kwentas, it’s a rose quartz. Lihim siyang napangiti habang iniisip ang meaning ng batong iyon. Alam niyang hindi alam ni Rexon ang ibig sabihin, mas mabuting wala itong alam. 

TBC
PHOTO CTTO

<3 <3 <3
A/N: Busy ako sa panonood ng mga BL series sa youtube nang biglang nag-pop sa recommendation ng YT ang The Gifted series.  Noong una ay hindi ko siya pinapanood dahil hindi ko type ang genre niya but then Gun and Chimon were there and that convinced me to watch. Alam niyo iyong pagsisisi ko na hindi ko siya agad pinanood noon? The twists and turns are killing me, who would have thought na iyon ang magiging ending? I need the season 2, I want it badly. Iyong every episode ay may ibang story, every characters ay may kwento, even the teacher. I love Claire very much, the sassiest character I've met in a series. Punn's (Gun) acting is on another level! Chiwon is really cool with his dark side and the way he managed to work together with Pang. Kaya ayon kahit na hindi siya BL series, bigla kong gustong i-ship si Pang and si Wave (Chiwon). Sakit na yata ito but I don't want to be cured. Heheheheheheheheeh...

LOVE, 
INANG

About Me

My photo
iamyourlovelywriter is a science teacher who loves to read, write, surf the net and EAT. She also loves to travel and just write anything under the sun that fancy her. English is not her first language, she's a Bisaya by heart and loves to write romance novels in Tagalog. Her favorite part of her updates are her A/N or Author's Note. So, her blog is more on an elongated version of her a/n, p.s, and pps.
 

The House of Ink Template by Ipietoon Cute Blog Design and Bukit Gambang